Prologue

3.8K 162 6
                                    


NAG-AALANGAN na tumuloy si William sa magarang mansiyon ng mga de Lara. Sa ibang pagkakataon marahil ay hindi siya mag-aalangan na pumunta roon. Sa bahay na iyon na siya halos lumaki. Bata pa lang siya ay naninilbihan na silang mag-ina sa pamilya. Dahil sa kabutihang-loob ng mga de Lara kaya siya nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Malaki ang utang-na-loob niya sa mga de Lara. Wala ang lahat ng mayroon siya ngayon kung hindi dahil sa tulong ng mga ito.

Mabait sa kanya ang mag-asawang Don Mariano at Doña Isabel. Si Don Mariano na ang itinuring niyang ama dahil hindi na niya nakilala ang kanyang ama. Naroon si Don Mariano sa bawat tagumpay at kabiguan na naranasan niya sa buhay. Tinulungan siya hanggang sa kaya na niyang tumindig sa sariling mga paa.

Wala itong anak na lalaki kaya sa kanya na marahil ibinuhos ang kaunting atensiyon. Nagkaroon pa nga ng usap-usapan noon na anak siya ng don dahil sa kabutihang ipinapakita nito. Ngunit pinabulaanan iyon ng kanyang ina. Likas na mabuting tao lang ang don at matulungin sa kapwa.

Alam ni William na wala ang mag-asawa kaya naiilang siya. Nasa isang cruise sina Don Mariano at Doña Isabel upang makapag-relax. Pagpasok pa lang sa bahay ay kaagad niyang narinig ang pag-iyak ng isang sanggol. Nangunot ang kanyang noo at sinundan ang pinanggagalingan ng iyak.

"You're late, William!"

Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na tinig ni Isabella. Si Isabella ang nag-iisang anak nina Don Mariano at Doña Isabel. Labis siyang nagtaka nang tawagan siya nito at papuntahin sa mansiyon.

Hindi siya kailanman nagustuhan ni Isabella. Hindi nito gusto na nakikihati siya sa atensiyon ng mga magulang. Hindi rin niya kailanman nagustuhan ang babae dahil masyado itong makasarili.

Nakapag-asawa ng isang napakayamang negosyante si Isabella at matagal nang hindi naninirahan sa mansiyon.

Hinarap ni William si Isabella. "I'm sorry, Miss Bella," aniya sa mapagkumbabang tinig. Bata pa lang sila ay nais ni Isabella na igalang niya ito kahit na mas matanda siya sa babae. "May kinailangan pa akong gawin sa trabaho bago magtungo rito." Pinigilan niya ang pagtirik ng mga mata.

Lalong lumakas ang pagpalahaw ng sanggol na karga-karga ng isang babaeng hindi niya kilala. Pilit nitong pinapatahan ang sanggol ngunit lalo lang nagwawala.

May baby rin siya na magdadalawang buwan na kaya alam ni William na gutom na ang sanggol kaya umiiyak. Nagkaroon siya ng matinding urge na lapitan ang sanggol at kunin sa babae at subukang patahanin.

"Make her shut up!" marahas na utos ni Isabella sa babae. "God, when is she going to stop?" Puno ng iritasyon at galit ang mukha nito.

Hindi niya napigilang sumabad. "Baka nagugutom ang bata."

Ang sama ng naging tingin ni Isabella sa kanya. He pressed his lips together. For a while, he had the urge to bow his head and fix his eyes on the floor. Ngunit kaagad niyang naalala na hindi na siya ang patpating bata na paboritong apihin ni Isabella. He was tough. No one could make him crumple.

William stood straight. Hindi niya iniiwas ang kanyang mga mata kay Isabella. Si Isabella ang may kailangan sa kanya. Ang utang-na-loob niya sa mga magulang ng babae lang ang dahilan kung bakit siya naroon. Alam niya sa kanyang sarili na kahit na gaano kahirap ay tutulungan pa rin niya ito. Kahit na labag marahil sa kanyang kalooban.

"You want her? Take her."

"A-ano?" Hindi naintindihan ni William ang sinabi ni Isabella.

Binalingan ni Isabella ang babaeng may hawak ng sanggol. She harshly jerked her chin toward him. "Ibigay mo sa kanya ang bata."

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon