3

1.4K 115 5
                                    

ZANE stepped back. He was ready to run away as fast as he could.

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Jay Ann. "Zane," she said in a dreamy voice.

Nang bumaba si Jay Ann sa kama ay tumalikod na si Zane at mabilis na humakbang palayo. But he was not fast enough. Napaungol siya nang may puwersang bigla na lang bumunggo sa kanyang likod. Ang sunod niyang namalayan ay halos hindi na siya makahinga dahil sa higpit ng mga brasong nakayakap sa kanyang leeg. Jay Ann threw herself at him—literally.

Awtomatikong napahawak si Zane sa mga hita ni Jay Ann na pumaikot sa kanyang baywang. Natatakot siya na baka mawalan ito ng balanse at mahulog. Mabuti na lang at kahit na nanghihina ang kanyang mga binti ay nagawa niyang maibalanse ang sarili pagkatapos ng pag-atake ng dalaga.

"Zane!" masayang bulalas ni Jay Ann. "I'm here!"

"Yeah, I can see that," malamya niyang tugon. Noon niya tuluyang nakumbinsi ang sarili na naroon nga talaga ang dalaga. Hindi niya maiwasang sumama ang loob sa inaasal nito. Parang walang nangyari. Parang hindi nagbago ang kanilang relasyon bago sila nagkahiwalay dalawang taon na ang nakararaan. Parang walang anumang ibinalik ni Jay Ann ang dating turing sa kanya. Parang hindi nito alam na labis siyang nasaktan.

Nilingon ni Zane ang mga kaibigan na nakatanga sa kanila habang nakapasan pa rin sa kanyang likod si Jay Ann.

"Do I still need to call security?" tanong ni Kent habang nakatikwas ang isang kilay.

Umiling si Zane. "Everyone, meet my sister Jay Ann," puno ng sarkasmo ang pagkakasabi ng salitang "sister." "Jay, mga kaibigan ko, sina Kent, Estong, Tutti, at Blu." Hindi na siya nag-abalang ituro kung sino ang sino. Hindi magtatagal si Jay Ann upang makilala nang lubos ang mga kaibigan niya. Mga kaibigan niya, at hindi ni Jay Ann.

For most of his life, he shared everything with this girl. Her friends were his friends and vice versa. He had no plan of sharing The Charmings with her.

"You don't have a sister," Blu pointed out. "Pito kayong magkakapatid at puro lalaki, sabi mo." Kilala na ng mga kaibigan ang kanyang mga magulang, ngunit hindi pa personal na nakikilala ang kanyang mga kuya dahil hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon.

"I'm not his sister. To him and his brothers, I'm like their Snow White," ani Jay Ann. Kahit na hindi niya nililingon ay nahuhulaang may amused na ngiting nakapaskil sa mga labi ni Jay Ann. She loved calling herself "their Snow White" kahit na malayong-malayo ito sa pagiging Snow White.

Nangunot ang noo ng apat na lalaki. Kitang-kita ng mga ito na hindi si Jay Ann ang fairest one of all. Kabaligtaran ng kay Snow White ang balat ng dalaga. Jay Ann was close to being black. Mas maitim ito kaysa sa isang karaniwang Filipina. Ngunit minsan nang nahawig ang buhay ni Jay Ann kay Snow White.

Jay Ann had a mother who did not want her because of the way she looked. She had a huntsman who was instructed to get rid of her. She had seven dwarves—giants rather. She had Happy—si Zane. Most of all, she had a Prince from a, faraway land—England. The guy had a perfect English accent. Girls just loved that accent.

"Bukas n'yo na lang ako kuwentuhan," ani Blu na tinungo na ang hagdan. Matutulog na ako. I'm so tired. It's nice to meet you, Jay."

"Ako din," ani Estong. "Goodnight." Sumunod na nagpaalam sina Tutti at Kent

Wala nang ibang nagawa si Zane kundi panoorin ang pagpunta ng mga kaibigan sa kanya-kanyang silid habang nakapasan pa rin sa kanyang likod si Jay Ann. Hindi na mahagilap ng kanyang mga mata sina Alvin at Paolo na malamang na nagpapahinga na rin.

Ilang minutong katahimikan ang namagitan kina Jay Ann at Zane. Hindi kumportable si Zane sa kanilang posisyon ngunit hindi rin naman niya maigalaw ang katawan. May bahagi sa kanya ang nais nang bitiwan ang dalaga ngunit ang kabilang bahagi ay nais itong yakapin nang mahigpit na mahigpit at huwag nang pakawalan. He mentally slapped himself. Kailangan niyang gisingin ang sarili sa katotohanan.

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon