1

1.7K 131 7
                                    

"MARAMING salamat sa tulong, Kuya Caleb," sabi ni Zane habang kausap sa telepono ang kapatid. Pinasasalamatan niya si Kuya Caleb sa tulong na hiningi niya para sa mga kaibigang sina Kent Lauro at Justienne. Nabiktima ng matinding cyber bullying si Justienne at kinailangan nilang malaman kung sino ang nagpasimuno ng lahat.

Estong and Blu took care of things. Nais sana niyang sumama ngunit hindi pumayag ang dalawa.

"Masyado kang malambot para sa mga ganitong bagay," sabi ni Estong nang magpumilit si Zane. Inilihim ng dalawa sa lahat ang plano kaya wala siyang ideya kung paano inayos ng mga ito ang gusot. Kahit na sina Kent Lauro at Justienne ay wala ring ideya kung ano talaga ang naganap.

Imbes na ma-offend at magdamdam, hinayaan na lang ni Zane sina Estong at Blu. Alam naman niya na gagawin ng dalawa ang tama. He trusted them to do the job well. Hindi na marahil manggugulo ang mga taong iyon sa kanyang mga kaibigan.

"No, problem, baby boy. Hindi naman ako gaanong nahirapan."

Bahagyang napasimangot si Zane sa itinawag ni Kuya Caleb. Noong bata siya ay wala iyong kaso, ngunit iba na ngayong malaki na siya.

"So how're you?" tanong ni Kuya Caleb bago pa man niya masaway sa pagtawag sa kanya ng "baby boy." "Is everything good? Bumili ako ng album n'yo noong nakaraang linggo. Pinakikinggan ko araw-araw. Great music."

"Thanks, Kuya. Yeah, everything's good. I'm doing great."

"Masaya ka sa ginagawa mo, baby boy?"

Pinalampas uli iyon ni Zane. "Yes, Kuya. I love what I'm doing." Sa kanilang magkakapatid, masasabing siya ang nalihis ng landas.

Lahat ng kanyang mga kapatid ay ginustong magsilbi sa bayan. Nasa AFP sina Kuya Lucas at Kuya Jefferson. Nasa PNP naman sina Kuya Antonio at Kuya Miguel. At parehong nasa NBI sina Kuya Caleb at Kuya Gabriel.

Bata pa lang si Zane ay alam niyang naiiba na siya sa mga kapatid. Alam niya na hindi siya katulad ng mga ito. Tuwing Halloween, nakasuot siya ng Michael Jackson o Elvis Presley costume, samantalang ang mga kapatid ay mga pulis at sundalo. Masyado rin siyang malambot kompara sa kanyang mga kuya. Madalas na sabihin sa kanya ng ina na dito siya nagmana at masaya ito dahil doon.

Hindi naman lampa si Zane, kung tutuusin. He was physically strong. Kaya niyang makisabay sa sparring sa kanyang mga kuya. He was good with guns. Alam lang niya sa sariling hindi siya magiging masaya sa pagiging sundalo, pulis, o NBI agent.

He tried though. Nakapasok siya sa Philippine Military Academy. Everyone expected so much, him being William Montero's youngest son. Masyadong malaki ang expectation dahil lahat ng nakatatandang kapatid ay kilala sa pagiging pinakamahuhusay sa larangang napili. But Zane had to quit. He was not happy.

Hiyang-hiya siya sa kanyang ama. Hindi niya alam kung paano ito haharapin noon...

"I'm so sorry, Daddy," hiyang-hiyang sabi ni Zane habang nakayuko. His eyes stung. He blinked rapidly to stop the tears from falling. He did not want to disappoint him. He knew how much his father loved him. Kapag nasa bahay sila, hindi gusto ng ama na tinatawag nila itong "Sir." Hindi umaabot hanggang sa bahay ang authority ng ama. At home, his father was simply a loving father and husband. He let their mother have the authority in their household.

He was such a great father, that was why it was heartbreaking to let him down.

Nanigas si Zane nang tapikin ng ama ang kanyang balikat. "It's okay, son."

Gusto nang bumigay ng kanyang mga luha. Alam niyang iyon ang sasabihin ng ama. Mas gagaan marahil ang loob niya kapag pinagalitan siya nito.

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon