14

1K 75 2
                                    

"HINDI na ako magugulat kung mabibigyan sila ng movie offer bukas na bukas din," nakangiting sabi ni Jay Ann kay Paolo habang pinapanood nila ang The Charmings na seryosong pinakikinggan ang mga sinasabi ng direktor.

Tumango si Paolo. "Guest din lang sila sa sitcom dati, 'tapos nagkaroon kaagad ng offer ng sariling sitcom."

"Masaya ako sa lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa kanila, sa lahat ng tagumpay na nakakamit nila. I know they'll go places."

Tumango-tango si Paolo. "They'll even dominate the international music scene. Pangarap ni Kuya Vann 'yon. Gusto niyang malampasan ng The Charmings ang narating niya. Gusto niya na grupo silang kikinang, hindi lang isang tao."

"I'm sure they can do that." Sisiguruhin ni Jay Ann na palagi lang siyang malapit upang suportahan si Zane. Pagkatapos ng mga nangyari kagabi, naging sigurado na siya sa maraming bagay. She knew that she was making the right choice this time. Sigurado siya sa bagay na iyon dahil mas pinakinggan niya ang sinasabi ng kanyang puso. Hindi na niya hahayaan ang kanyang sarili na magkamali uli sa pagpili.

May sasabihin pa sana si Paolo ngunit naramdaman niya ang pag-vibrate ng cell phone sa kanyang pantalon. Nang mabasa niya ang pangalan ng tumatawag ay nag-excuse siya kay Paolo at lumayo.

"Anika," nakangiting bati ni Jay Ann. "Hi! Napatawag ka?" Tatlong taon ang tanda ng kapatid niya sa kanya. Hindi niya inakala na magiging magkaibigan silang dalawa. Nagulat na lang siya nang puntahan siya ni Anika sa kanyang apartment sa New York noong isang taon. Ang sabi ni Anika, nasa New York ito upang mamili at bigla na lang nitong naisipang dalawin siya. Nalaman daw nito ang kanyang address mula sa kanyang agent. Ang sabi daw ni Anika, designer ito sa Pilipinas at gusto sana siyang kunin bilang modelo. Hiniling nitong makita siya nang personal.

"Hey, Jay. Are you still with Zane?"

"Yeah. Do you need something?"

Noong una, hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang kapatid sa ina. She became suspicious and guarded. Ipinangako niya sa sarili na hindi siya magpapatalo. Kung aawayin siya ni Anika, aawayin din niya ito. Hindi niya ito aatrasan. Naalala niya nang dalawin siya ng kapatid...

"Relax, Jay," nakangiting sabi ni Anika. She was very beautiful. Kamukhang-kamukha ni Anika ang kanilang ina. Para itong prinsesa mula sa isang fairytale. She looked expensive from head to toe, too. Si Anika ang anak na minahal ng kanilang ina. Ito ang anak na ipinagmamalaki sa buong mundo.

Hindi mapigilan ni Jay Ann ang pagguhit ng kirot sa kanyang puso. Hindi pa rin niya maiwasang masaktan tuwing naaalala na itinapon siya ng kanyang ina pagkapanganak sa kanya.

"Hindi ako nagpunta dito para makipag-away."

Ang totoo, hindi naman siya inaway ni Anika kahit na kailan. Hindi siya pinakitaan ng hindi maganda. Pero hindi rin naman siya pinakitain ng maganda kung tutuusin. Palagi itong tahimik at malayo sa iilang pagkakataong nagkikita silang dalawa. Pakiramdam pa nga niya, hindi siya nito nakikita. She thought that maybe she was pretending she didn't exist.

May mga pagkakataon sa buhay ni Jay Ann na nahiling niya na sana, maging malapit silang magkapatid sa isa't isa. Masaya siyang makasama ang pitong anak nina Mommy Molly at Daddy William ngunit iba pa rin yata ang pagkakaroon ng kapatid na babae.

The boys could not braid her hair. Hindi siya mabibigyan ng beauty tips. Hindi niya makakasamang manood ng chick flicks at romantic movies. She wanted to talk to a girl before going to sleep at night. She wanted to tell Anika about her crushes and secrets. Gusto niyang magkaroon ng ate upang malaman kung ano ang pakiramdam.

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon