5

1.2K 111 13
                                    

TINULUNGAN ni Jay Ann si Paolo sa pag-aayos ng mga kailangan ng The Charmings. Organisado ang bawat miyembro maliban na lang kay Blu kaya hindi sila gaanong nahirapan. Hindi pa rin naniniwala si Paolo na siya ang makakapalit ni Alvin ngunit hinayaan naman siyang tumulong dahil kailangan talaga nito ng kasama. Si Paolo rin pala ang nagsisilbing driver sa araw na iyon dahil nagkasakit ang regular na driver ng grupo.

Nakasimangot si Zane kaya hindi na muna siya sumama. Binulungan niya si Paolo na susunod na lamang sa location ng shoot. Kailangan niyang maghanda. Dahil desidido na siya sa gustong gawin, naisip na niya kung paano mapapalapit kay Zane na hindi gaanong umaani ng atensiyon mula sa press.

Nakaalis na ang The Charmings nang dumating si Trutty sa bahay. Iginiit ng dalaga na tutulungan siya sa pag-aayos. Trutty seemed excited.

"I'm so proud of myself," ani Trutty pagkatapos ng isang oras na pag-aayos. Pinagmasdan siya ng dalaga mula ulo hanggang paa. "Wala nang makakakilala sa 'yo."

Pinakatitigan ni Jay Ann ang repleksiyon sa salamin. Kahit siya ay hindi makilala ang sarili. Mukha siyang... lalaki. Napangiti siya. "Perfect!"

Ginupitan ni Trutty ang nabiling wig upang mas bumagay sa hugis ng kanyang mukha. Pinakapal nito ang kanyang mga kilay. Ito rin ang gumawa ng makeup niya upang mas maging masculine ang kanyang features. Kahit naman hindi siya mag-makeup ay okay lang. Sanay ang mga tao na nakikita siyang glamoroso ang ayos.

Maluwang na T-shirt at pantalon ang suot ni Jay Ann. Hindi naman gaanong malaki ang kanyang dibdib kaya hindi iyon naging problema. Nakahanap siya ng magandang klase ng sports bra. Nagmukha siyang flat-chested sa maluwang na T-shirt.

Hindi rin problema ang pagkilos bilang lalaki. Lumaki siya na may kasamang pitong barako sa bahay. Kung hindi sa paggabay ni Mommy Molly, malamang na tuluyan na siyang naging brusko. Alam na alam niya kung paano kikilos at aakto bilang lalaki. Masyadong matinis ang kanyang boses upang maging lalaki ngunit naisip niya na wala naman sigurong ibang tao na kakausap sa kanya. Wala namang gaanong pumapansin sa mga alalay ng celebrity.

"Ready ka na?"

Nakangiting tumango si Jay Ann. May kaba sa kanyang dibdib ngunit mas nangingibabaw ang kasabikang mapalapit uli kay Zane. This idea may seem to be ridiculous and outrageous to other people but what could she do? Hindi na sila ang dating Zane at Jay Ann. Hindi na sila mga pribadong indibidwal. May mga taong manonood sa kanilang bawat kilos. May mga camera na nakatutok sa kanila. May mga tagahanga na kailangang pahalagahan. If she had to be someone else to be close to him again, she would willingly do it.

Sa pagiging alalay at lalaki, magkakaroon si Jay Ann ng pribadong oras kasama si Zane. Makakapag-usap sila nang masinsinan.

Inihatid siya ni Trutty sa location ng shoot. Hindi na bumaba ang dalaga dahil may meeting ito sa ilang branch manager ng Tutti & Trutty.

Nakapagsimula na ang shooting. Kaagad siyang lumapit kay Paolo upang alamin kung ano ang maaari niyang gawin.

"Sino ka?" puno ng pagtatakang tanong ni Paolo.

Nginitian niya ang lalaki. "Ako 'to, si Jay."

"Pinaglololoko mo ba 'ko?"

"Hindi, titigan mo 'kong maigi." Natuwa si Jay Ann sa naging reaksiyon ni Paolo. Ibig sabihin, epektibo ang kanyang pagbabagong-anyo. Nakampante na siya na magiging maayos ang lahat. Makakakilos siya nang malaya sa bagong katauhan.

Tinitigan nga siyang maigi ni Paolo. Unti-unting bumakas ang rekognisyon sa mga mata ng lalaki. Unti-unti rin iyong namilog. "Pa'no mo nagawa 'yan? Pa'no mo naitago ang ganda mo?"

The Fairest of them All (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon