first chapter na po.. :)) bago palang ako sna magustuhan nyo..::P
Hayumi's POV
"Hayumi Sei Cruz ! bumangon kana !? late kana !!!!! first day mo to ! college kana!!" sigaw sa akin ni mommy na ang bibig nya ay nasa tenga ko lang naman.
"mommy 5minutes pa, after non babangon na ako"
"kapag di kapa bumangon ngayon, babawasan ko ang allowance mo!"
sabi nya na malapit ang bibig sa tenga ko, at dahil sa magical words na sinabi nya, biglang nagising ang diwa ko. "give me 30minutes mommy, pagkatapos non, papasok na ako, basta wag babawasan ha !" dali dali akong pumasok sa c.r mahirap na baka masigawan ulit.
NATIA UNIVERSITY
Eto ako ngayon, mag-isa. diko makita kung nasaan ang mga babaeng yun,hays.naman oh!
si mommy kasi,
nasaan ba yung canteen dito?!
takte!
laki naman kasi ng school na to !!!
lakad.lakad.
gutom.gutom.
lakad.lakad.
lakad
lakad
BOOGGSSHH!!!!!
ouch ! ano ba yong nabunggo ko !?
pader ba !?
"miss okay kalang ?" wow ,tao pala nabunggo ko, macho siguro nito.
"ha?eh oo okay lang ako" sabi ko sabay tayo.infairness ha , ang GENTLEMAN , di man lang ako tinulungan sa pagtayo. >.<
"sa susunod kasi mag iingat ka" yabang nya!
"abat ikaw na nga tong-" paglingon ko sa kanya.........
"IKAW !" oh my god di ako makapaniwala na tong lalaking to ang man of steel na nakabunggo ko.
"bakit? sino ba ako?" aba talagang ang yabang ng mongoloid na to !
huminga ako ng malalim at...
"HOY LALAKING SAKSAKAN NG HANGIN SA KATAWAN , PWEDE BA UMALIS KA SA HARAPAN KO AT BADTRIP AKO !" sigaw ko sa kanya , dami na naming viewers sosyal !
"nasa school ka miss , wala ka sa palengke, so shut your big fucking mouth." kalmadong sabi nya at umalis.
tameme ako..
ahhh ! nakakainis talaga !!!!!!
SA ROOM
Pagkapasok ko palang sa room ay sinalubong na ko ng tatlo kong mababait na kaibigan.. i repeat mabait. -.-
" uy, Hayu,pasensya na di kita nareplayan , kasi naman, nawalan na ako ng pangtext." nakasimangot na sabi ni piann.
Sya nga pala si Piann Sus. isa sya sa 4G or 4 GODDESS.haha. ako pauso nyan. 18years old, pikunin yan pero mapang asar naman, may sayad in short. BSBA major in operation management ang course nya, diko alam kung bakit yun din course nya, pareho kami. malas .
"ako nakalimutan ko cellphone ko, pinabalikan ko pa sa driver namin, ngayon ko lang nabasa text mo." paliwanag ni jecka sakin.
siya naman si Jecka Rivera. isa din sya sa 4G. Nako !sya na ang WALKING CALCULATOR , WALKING DICTIONARY sa amin ! talino nyan.18years old din. BSBA major in management accounting kinuha nya. sayang. di sya nag O.M , nganga kami nito ni piann.
"me too. Hayu, sorry , may katawagan kasi ako. kaya diko napansin na nagtext ka" sabi naman ni ceena.
At siya naman si Ceena Osion.18years old din. at isa din sya sa 4G . sya ang pinakamaganda sa amin, lahat kami magaganda ,pero tingin ko angat sya ng konti , kasi lamang lagi ng dalawang manliligaw yan sa amin. sawi nga lang lagi.BSBA major in marketing management course nya.
"okay okay tama na mga palusot nyo, di ako galit okie" sabi ko sa kanila
Di pa nga pala ako nagpapakilala .need paba !? haha. ehemm Hayumi Sei Cruz. di ako japanese ha!. 18years old , nagpauso ng 4G haha, BSBA O.M din course ko. sabi nila maingay ako , ang bad nila. o sya tama na pagpapakilala at dumating na si Golden Buddha este yung prof ata namin to.
LUNCH. o.o
nandito kami ngayon sa isang garden, na may magagandang bulaklak basta ang ganda talaga , walang kalat , green na green na may red at white ang paligid..
umupo muna kami sa gilid..
" grabe si golden buddha , first day na first day dami ng pina assignment" sabi ko sa kanila sabay higa sa damuhan...
"oo nga tapos haba pa ng pinalecture sa atin !. nakanang puta nakakainis ehh." pag sang-ayon ni piann.
"wag na kayong magreklamo, gawin nalang natin." sabat ni jecka.
"jecks, kaw nalang gumawa ng amin." sabi ni ceena.
"ayoko nga , college na oy, maging masipag na kayo"
"si golden buddha talaga panira" sabi ko sa kanila gamit ang kris aquino's voice.. tumango naman ang tatlo bilang pag sang-ayon.tsaka mamaya maya pa ay nagatwanan na kami.
sa kalagitnaan ng pagtawa namin ay may pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likuran namin.
"hoy, babaeng may puting headband , ang ingay mo" .. sabay tanggal ng libro sa mukha nya .ok di nako nagulat sa kanya.. teka puting headband ? ako may suot nun ahh..
huminga ako ng malalim at ..
"ANAK NAMAN NG TINAPA ! IKAW NA NAMAN ! BAKIT KA NANDITO ! SOBRANG BADTRIP NA AKO ! HA ! ARRGHH !". okay sumigaw na ako na naman .
he smirked at me and said " such a uneducated girl"
" nakakainis ka talaga! fyi may pinagaralan akong tao!" galit na talaga ako.
"idiot"
magsasalita na sana ako kaso nagsalita si piann at napansin kong ang lalaki ng mga mata nila. ok. anong nangyari sa mga to.
" wait Hayu !, ki-kilala mo ba sya?" nagniningning na mata na tanong ni piann.
"oo nga Hayu, kelan mo sya nakilala, dika naman nagsasabi" singit ni ceena.
"eh ano naman kung kilala ko sya ? bat ganyan mga reaksyon nyo ha??" naguguluhan kong mga tanong.
" oh my gosh , Hayu , sya lang naman si Drake Jel Madrigal ang pinakgwapo at hot sa st.vince high !". o.a na sabi ni ceena at piann , sbay p talaga. tumango naman si jecka bilang pag agree.
so? eh ano naman ngayon? walang mga taste mga to.
"ang bobo mo kasi ,kaya dimo alam" sabay alis ng mayabang na taong yun.
" ang yabang talaga !" naiiritang sabi ko.
"ang gwapo talaga!" sabi naman ng tatlo.
shet.sana matapos na tong araw nato.. maging masaya na college life ko !!!!!!
end of chapter 1 ..haha !!!!! next chapter na maglagy ng pic.. :)) sna bashin nyo PO:)
BINABASA MO ANG
You and I Collide (story of us)
Teen FictionSa muling pagkikita magkaayos na kaya sila?