Chapter 4: Safe

31 5 15
                                    

Warning: This chapter contains self-harm, please skip if this can trigger you.

Chapter 4: Safe

 Randall's POV 

   "Pre, ayos ka lang?" tanong ni Steven, kasama ko mga kaibigan ko ngayon. I feel bad leaving Charlene alone

   Tumango ako bilang sagot. I really feel bad

   "Cr lang ako" umalis na ko bago pa sila tumango 

   Dali dali kong binuksan ang cellphone ko at dinial ang phone number ni Charlene 

   "Charlene" tawag ko nang sagutin niya ang telepono 

   "R-randall" tawag niya din sa 'kin habang humihikbi 

   "Nasan ka? Anong nangyari?" agad na tanong ko ngunit namatay bigla ang cellphone ko 

   "Ang wrong timming naman" inis na saad ko 

   Agad kong kinuha ang gamit ko at umalis na ng hindi nagpapaalam sa mga kaibigan ko 

   My heart is beating so fast. Mas binilisan ko pa ang pagda-drive papunta sa bahay nila. There's something wrong. Charlene is crying

   Tinawagan ko na din si Kylie para puntahan si Charlene 

   Agad akong dumiretso at kumatok sa bahay nila 

   "Charlene" tawag ko ngunit walang sumasagot. Rinig ko ang paghikbi niya mula sa ikalawang palapag ng bahay nila 

   Walang akong ibang naisip na paraan kaya sinira ko na ang pintuan nila at dali daling pumunta sa kwarto ni Charlene 

   Sinubukan kong sipain ang pinto ngunit may nakaharang dun dahilan para mahirapan akong buksan ang pinto 

   "Charlene!" tawag ko at kinatok ang pintuan. Tangging hikbi lang niya ang narinig ko 

   "Charlene makinig ka sa 'kin" panimula ko 

   "Huwag kang gagawa ng kahit anong ikasasakit mo. Alam mong malaking kasalanan 'yan" saad ko 

   "A-alam ko 'yun, Randall. Hindi ko na alam ang gagawin ko. K-kailangan ko lang naman ng tulong" 

   "Charlene nandito ako. Lagi akong nandito para sa'yo" 

   "Charlene buksan mo lang yung pinto, tutulungan kita. Ayokong mawala ka Charlene, please" pagmamaka-awa ko. Totoo, ayokong mawala siya. Alam kong gaganda pa ang buhay niya 

   Dahan dahan niyang binuksan ang pinto habang nakayuko. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang tali at maliit na kutsilyo sa loob ng kwarto niya 

   Dali dali ko siyang niyakap kasabay ng pagtulo ng luha ko. Kung alam ko lang na naiisip niyang gawin 'to hindi na dapat ako umalis sa tabi niya 

   Hindi ko na sana binalikan si Fiona at tinuon ang pansin ko sa kaniya. Hindi na sana siya naapektuhan tuwing nakikita niya sila Xyver at Erika 

   Naramdaman ko ang kamay niyang nasa likod ko pati na ang pagpatak ng luha niya sa balikat ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap habang hinahaplos ang buhok niya 

   "Nandito lang ako Charlene" saad ko 

   Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan niya kaya agad ko siyang inihiga sa kama 

   May ilang sugat siya, kasamihan malapit sa pulso. Kaya kailangan ko siyang dalhin sa ospital 

   "Kuya!" tawag ni Kylie at niyakap si Charlene 

365 Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon