Chapter 6: Again?!
Charlene's POV
Dahan dahang tumulo ang luha ko, miss na miss ko na kung paano ko siya yakapin, kung paano ko siya alagaan at kung paano niya ko tawaging ate
Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nawala si Andrew. Nahuli nga siguro talaga ko ng dating, hindi ko naligtas si Andrew
Habang patagal nang patagal lalo akong nababalot ng lungkot, habang patagal nang patagal mas sinisisi ko ang lahat ng nangyayari sa 'kin
"Charlene" tawag niya sa 'kin ngunit nanatili akong nakatingin sa malayo
Rinig ko ang paglapag niya ng pinggan sa gilid ng kama ko, pumunta siya sa harap ko at hinawi ang kurtina dahilan para mapaiwas ako ng tingin dahil sa liwanag
"Hindi ka na nasinagan ng araw" saad niya at lumuhod sa harap ko upang mas makita ako ng maayos
"Kumain ka na" saad niya at hinawakan ang kamay ko para mapaupo ako sa kama
Nanatili akong tulala habang inaayos niya ang pagkain ko
"Randall" tawag ko sa kaniya kaya umupo siya sa harap ko
"Huwag mo na ko asikasuhin" malamig na saad ko
"Mapapagod ka lang" dugtong ko pa ngunit ngumiti at umiling siya
"Gusto kong bumalik na yung masiyahing Charlene" ngiting saad niya na ikinagat ng labi ko
Tumulo nanaman ang luha ko, hindi na 'to tumitigil halos tatlong araw na
Agad niya akong niyakap at hinagod ang kamay niya sa likuran ko
"Charlene, wala kang kasalanan sa mga nangyayari" pero 'yon yung pinaparamdam nila sa 'kin
[Flashback]
Kita ko ang nanlilisik niyang mga mata sa 'kin
Agad akong yumuko at kinagat ang labi ko upang pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya
Alam kong ako ang tinutukoy niya ngunit nanatili akong nakayuko
"Gusto ko lang pong dalawin si Andrew--" dali dali niyang pinutol ang sasabihin ko
"Hindi namin kailangan ng pakikiramay mo at lalong hindi ka kailangan ng anak ko" madiin niyang saad sa 'kin
"Tita, hayaan niyo siyang mag--" agad kong pinutol ang sasabihin niya gamit ang paghawak ko ng mahigpit sa laylayan ng damit niya
Ayokong may iba pang madamay sa galit sa 'kin ni tita. Mas gugustuhin ko pang manahimik nalang para hindi na lumaki at lumala ang galit niya sa 'kin
"Aalis nalang po ako, maiwan na kita dito Randall. Thank you" mapait akong ngumiti sa kaniya
Paalis na sana ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko
"Aalis na po kami tita" saad niya at hinatak ako papunta sa kotse
"Hindi mo kailangang umalis 'don, kaya ko namang umuwi mag-isa" saad ko ngunit umiling siya
"Mas gusto kong kasama ka" ngiting saad niya at ginulo ang buhok ko
[End of Flashback]
Meira's POV
"Kamusta na si Charlene?" tanong niya na ikinangiti ko
Kahit si Charlene ang pinagbibintangan nilang dahilan kung bakit namatay si Andrew ramdam ko pa rin ang concern niya

BINABASA MO ANG
365 Days (Complete)
Aventura365 Dᴀʏs (ʙᴏᴏᴋ #2) They thought it's over. They thought they can live happily ever after but she didn't stop. He finally met that Juliana he's searching. Xyver doesn't know who will he choose. He loves Charlene but he's been waiting Erika for a...