Chapter 7: Forgiveness
Arthur's POV
"Mahal" tawag niya at niyakap ako ng mahigpit patalikod
"Hmm?" inaantok na tugon ko
"Sorry" bulong niya at ibinaon ang ulo niya sa likuran ko
Napagtanto niya na din ang kamaliang nagawa niya
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa 'kin at hinarap siya. Agad kong nakita ang pamumugto ng mga mata niya
"Mahal, nasaktan ka lang. Alam ko 'yon" ngiting saad ko at hinalikan siya sa noo
"Miss na miss ko na si Andrew. Miss na miss ko na" agad kong pinunasan ang luha niya
"Hindi matutuwa si Andrew kapag nalaman niyang umiiyak ka" mapait ako ngumiti at mahigpit siyang niyakap
Alam kong nagawa niya lang 'yon dahil nasaktan siya ng sobra sa pagkawala ni Andrew
"H-hindi ko alam kung may mahaharap pa kong mukha kay Charlene" saad niya sa paggitan ng hikbi
"Malawak ang pang-unawa ni Charlene, alam kong naiintindihan niya yung sitwasyon natin" agad siyang tumango
~~
"Good morning mahal" bulong ko at hinalikan siya sa noo
"Good morning" ngiting saad niya, kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya pero ang mahalaga unti unti na siyang nakaka-recover sa pagkawala ng anak namin
"May pagkain na sa baba" unti unti siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya at niyakap ako bago pumunta sa cr
Agad na akong bumaba, ilang minuto lang din at bumaba na siya kasama si Anton at Kylie
Dito na muna natulog si Kylie, hindi naman na din kami umangal. Kampante kaming dalawa dahil parehas nilang nirerespeto ang bawat isa
Nagdasal muna kami bago kumain
"Pupunta kami kila Charlene mamaya" saad ko at sinulyapan si Anton na biglang sumeryoso ang mukha
"Ok" malamig na tugon niya
"Hindi ka ba sasama?" tanong ko ngunit bigla niyang binagsak ang kutsara't tinidor na iknagulat namin
"Talaga ba dad? Kikitain niyo yung taong pumatay sa anak niyo at sa kapatid ko?" kita ko ang hikpit ng kapit niya sa kutsara't tinidor niya
"Hindi siya ang pumatay sa kapatid mo" agad siyang tumawa ng malakas, isang sarkastikong tawa
"Dad, ano ba? Hinayaan niyo bang paikutin niya kayo gamit ang mga salita niya? Gamit ang maamo niyang mukha?" natahimik kami
"Bumait ba siya lalo sa inyo kaya ganyan? Hindi ko na gusto pang makakita ng isang mamamatay tao" may diing saad niya
"Anong sinabi mo?" saad sakaniya ng lalaking kadarating lang
"Ayokong makita ang babaeng gusto mo na mamamatay tao!" sigaw niya akmang susugod na si Anton ngunit pinigilan siya ni Kylie
"Kahit kapatid ka pa ng babaeng gusto ko, 'wag mong hayaang masira ang relasyon natin dahil lang sa mamamatay taong babae na gusto mo!" bulyaw niya pa
Kita ko ang paghatak niya sa kamay ni Kylie palayo sa tabi ni Anton. Agad na lumapat ang kamao niya sa pisngi ng anak ko. Agad din siyang binawian ng suntok ni Anton
"Tama na!" bulyaw ko at hinampas ang kamay ko sa lamesa na ikinatigil nilang dalawa
"Kung gusto niyong magpatay, 'wag kayo dito sa loob ng pamamahay ko!" dugtong ko pa
![](https://img.wattpad.com/cover/241498080-288-k468576.jpg)
BINABASA MO ANG
365 Days (Complete)
Macera365 Dᴀʏs (ʙᴏᴏᴋ #2) They thought it's over. They thought they can live happily ever after but she didn't stop. He finally met that Juliana he's searching. Xyver doesn't know who will he choose. He loves Charlene but he's been waiting Erika for a...