Chapter 5: Sorry
Charlene's POV
Unti unti kong minulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Agad akong umupo at inilibot ang mata ko sa silid ng kwarto ko. Tangging si mama lang na naghahanda ng kakainin ang nakita ko
"Ma?" tawag ko sa kaniya
"Charlene anak, buti naman gising ka na. Kumain ka na muna" saad niya at iniabot sa akin ang isang tray na puno ng pagkain
"Ma, si Randall?" tanong ko
"Umalis na si Randall, 'di niya ba sinabi kung saan siya pupunta?" agad namang napakunot ang noo ko
"Baka nagpahinga lang 'yon" saad ni mama at iniligpit na ang gamit ko
"Sabi ng doctor pwede na daw tayong umuwi mamaya" saad ni mama na ikinatango ko
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni mama
"Ayos na po" tugon ko at ngumiti. Tahimik siyang umupo sa gilid ng kama ko at dahan dahang hinawakan ang kamay ko
"Charlene, anak" ngiting tawag niya at hinawakan ang pisngi ko
"Sorry" ikinadurog ng puso ko ang pagtulo ng luhang galing sa mga mata niya
"Alam kong madami ka na ding problema, pero anak nandito lang si mama" agad akong napayuko
"Sorry, mas pinalala namin yung sitwasyon mo. Sorry kung mas dinagdagan namin yung problema at mga gumugulo sa isip mo" agad akong umiling
"Ma" tawag ko at niyakap siya
"Kahit kelan hindi po kayo dumagdag sa mga problema ko. Ako po yung dumadagdag sa problema niyo ma, mas gugustuhin ko nalang sarilinin yung problema ko"
"Wala kayong kasalanan ni papa, ma" ngiting saad ko at hinagod ang likod ni mama
"Sorry ma, alam kong kasalanan yung nagawa ko. Nawala ako sa sarili ma"
Ayokong maging pabigat sa kanilang dalawa, alam kong masama yung ginawa ko. Gusto ko lang namang mawala yung sakit na nararamdaman ko
Hindi ko akalaing mapupunta ako sa ganitong sitwasyon
Kylie's POV
"Hindi ko na alam gagawin ko" malungkot na saad ni kuya
"Mas kailangan ka ni Charlene ngayon kuya pero alam ko din na nasasaktan ka na" agad siyang yumuko
"Hindi ko na alam, ayokong maging selfish"
Ngayon ko lang siyang nakitang ganito miski kay Fiona hindi ko siya nakitang ganito
"Pupuntahan ko na si Charlene, kailangan niya ko. Ayokong magsisi" saad niya kaya tumango ako
Ang swerte ni Charlene. Kahit alam ni kuyang hindi siya kayang gustuhin ni Charlene lagi pa rin siyang nasa tabi ni Char
"Kuya, kahit bestfriend ko si Charlene ayokong nakikita kang nasasaktan. Parehas kayong mahalaga sa 'kin" ngiting saad ko at niyakap siya
"Thank you, Kylie" humiwalay naman ako sa yakap namin
"Kamusta mo nalang ako kay Char, pupuntahan ko din si Anton eh" tumango naman si kuya
"Ingat ka" ngiting saad niya at pumasok na sa loob ng kotse niya
Pinagmasdan ko muna ang langit na puno ng bituin habang nandito ako sa garden at umalis na din para puntahan si Anton
Bawat hakbang palapit sa bahay nila pabigat din nang pabigat ang nararamdaman ko
![](https://img.wattpad.com/cover/241498080-288-k468576.jpg)
BINABASA MO ANG
365 Days (Complete)
Adventure365 Dᴀʏs (ʙᴏᴏᴋ #2) They thought it's over. They thought they can live happily ever after but she didn't stop. He finally met that Juliana he's searching. Xyver doesn't know who will he choose. He loves Charlene but he's been waiting Erika for a...