Chapter 8: Hickey

29 6 16
                                    

Chapter 8: Hickey

 Anton's POV 

   Hindi ako makapaniwalang mas pinili nilang makipagusap 'don sa Randall na 'yon kesa sa 'kin

   "Huwag mo na ko gamutin" saad ko kay Kylie kaya tumigil siya at tinignan lang ako

   "Huwag mo 'kong tignan ng ganyan" seryosong saad ko at tumayo na 

   "Ano bang problema?" tanong niya habang nakakunot ang noo

   "Pati ba naman ikaw binulag nung babaeng 'yon?" kita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay habang direktang nakatingin sa 'kin

   "Hindi si Charlene ang pumatay sa kapatid mo" seryosong saad niya

   "Sino? Ikaw? Ako? Wala namang ibang mapagbibintangan kundi si Charlene" saad ko pagkaharap ko sa kaniya 

   "Isa pa, hindi mo ba narinig yung sinabi ni tita Eleanor? Nasa dugo nila 'yon"

   Agad na lumapat ang kamay niya sa pisngi ko 

   "Sobra ka na Anton! Alam kong nasasaktan ka pero yung tawagin ng mamamatay tao ng ilang beses si Charlene?!" diing saad niya

   "Alam kong masakit pero hindi ka dapat magsalita ng masakit sa kaniya. Bestfriend niya ko Anton, nasasaktan din ako" hindi ako umimik at pinanood lang ang paghakbang niya palayo sa 'kin

   Hindi ko na alam ang gagawin ko

   "Well, that was a drama" agad akong napalingon sa bigla niyang saad

   "What are you doing here?" seryosong saad ko

   "I'm here to make you happy" she used her seducing tone and gently touched my face

   "Then make me happy" i aggressively said and hold her hand tight

   "I will, if we go to my condo" i smirked

   This is gonna be fun

Kylie's POV

   Agad kong pinahid ang luha ko pagtapat ko sa bahay nila Charlene

   "Kylie? Kala ko ba kasama mo si Anton?" agad na bungad sa 'kin ni kuya kaya mapait akong ngumiti

   "Iwan ko muna kayo" paalam ni kuya at iniwan kaming dalawa ni Charlene sa kwarto niya

   "Kylie? Umiyak ka ba?" nagaalalang tanong niya

   Agad akong umiling at niyakap siya. Pinilit kong hindi maluha ngunit kusang tumutulo ang luha ko

   "Anong nangyari?" tannoong niya ulit

   "Wala, pagod lang ako" saad ko habang pinipigilan ang paghikbi, ayokong dumagdag pa sa lungkot niya

   "Yung totoo?" saad  niya at tinignan ako sa mata kaya agad akong umiwas ng tingin

   "Wala nga, namiss lang kita" saad ko at nag-pout

   "I missed you too" ngiting saad niya, mas ikinangiti ko 'yon. Kahit papaano umaayos na ang kondisyon niya

   "Kamusta na kayo?" agad na napakunot ang noo niya

   "Kami? Sino?" tanong niya na ikinatawa ko

   "Sino pa ba? Kayo ni kuya" tugon ko at mapangasar na nginitian siya

   "Wala namang mayroon sa 'min ni Randall" 

   "Talaga lang ah" agad siyang tumawa at mahinang hinampas ako

365 Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon