Chapter 2: Wedding

53 5 33
                                    

Warning: Some of the conversation contains self-harm that can trigger you.

Chapter 2: Wedding

Kylie's POV

Nandito kami sa simbahan ngayon. Ayokong pumunta pero may respeto pa rin ako sa kanila

"Ayos ka lang?" tanong ni Anton na nasa tabi ko

"Oo naman" sagot ko

Dahan-dahan kaming pumasok sa simbahan at pumunta sa kani-kaniyang upuan

Diretso lang ang tingin ni Charlene dahil nauna sila Xyver at Erikaa na pumasok kesa sa kanila

Nakita ko ang pag-tama ng mata nila Xyver at Randall. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang nakahimlay na sila pereho

Agad akong dumikit kay Charlene pag-upo niya, gusto kong makipag-palit kaso ako yung maid of honor. Bakit kasi pati si Erika ginawang bridesmaid? Dahil ba mukha siyang katulong?

"Char, ayos ka lang?" bulong ko na ikinatango niya

" Ok lang kung lilipat ka ng upuan" saad ko

"Ayos lang ako" ngiting saad niya at nanahimik na

Agad na pumasok ang bride, syempre naka puting gown. Ang ganda niya, ang ganda ni mommy

~~

Matapos ang ilang minutong ceremony, papunta na kami ngayon sa reception

"Cheers!" saad nila Erika na kasama ang iba pa niyang kaibigan, nasa iisang table kami. Hindi ko alam kung bakit hindi pa kami umaalis ni Charlene dito sa table ns 'to

"Oh Charlene, inom" aya ni Erika at inabot kay Charlene ang isang baso ng ocktail

"This is what you called--"

"Vodka Martini, you don't have to explain everything to me Erika" saad ni Charlene at ininom yung cocktail na binigay sa kaniya ni Erika

What? Kelan pa siya natutong uminom?

"Woah, akala ko hindi ka umiinom" saad ni Erika at inabutan pa si Charlene ng cocktail

"What are you doing? Bakit ka umiinom?" rinig kong tanong ni kuya kay Charlene

Hindi siya pinansin ni Charlene at ininom ulit ang Vodka Martini na inabot sa kaniya ni Erika

"Babe, why aren't you drinking?" tanong ni Erika kay Xyver

Agad na binuksan ni Xyver ang isang beer at ininom ang nasa loob nito

"Ikaw, ba't 'di ka umiinom?" tanong ni Anton

"IInom ka diba? Ako na magda-drive" saad ko ngunit umiling siya

"Uminom ka lang, ako na magda-drive" ngiting saad niya at hinalikan ako sa noo

"Aw, ang sweet niyo naman. Para kayong kaming dalawa ni Xyver but more sweeter" saad ni Erika at tinignan si Charlene na tahimik lang

"You know, we--" agad akong pinutol ni Charlene

"We are grateful that you two are here" ngiting saad ni Charlene at tinapik ang kamay ko

"Ok, let's play a game since the bride and groom is here. This game called the wheel of fun" panimula nung MC

"Kanina, pinasulat namin ang pangalan niyo sa isang maliit na papel. Bubunot kami dito ng magpapaikot ng wheel at kung ano ang nakasulat sa napili niya ay kailangang gawin" tumango tango naman ang mga tao at nagsimula ang tugtugan para bigyan ng buhay ang laro

365 Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon