Chapter 3: Help

46 5 11
                                    

Warning: This chapter contains self harm. Please skip if this can trigger you.

Charlene's POV

"Ate Charlene" bulong niya

"Ate, tulungan mo 'ko"

Madalim, nakakatakot, siya lang ang nakikita ko. Humihingi siya ng tulong ngunit hindi ako makagalaw

"Ate! Tulong!" sigaw niya habang umiiyak

Unti unti siyang tumumba, nawalan siya ng malay. Ilang segundo lang, tumigil na siya sa pag-hinga

Agad kong hinabol ang hininga ko, napahawak ako sa dibdib ko. May nangyayari nanaman bang masama?

"Charlene, ayos ka lang?" naga-alalang tanong niya

"Napanaginipan ko siya, humihingi siya ng tulong sa 'kin. Wala akong nagawa" kusang tumulo ang mga luha ko

"Panaginip lang 'yon, walang nangyayaring masama" saad niya at hinagod ang likod ko

Malabo yung paningin ko, hindi ko kilala kung sino ang humihingi ng tulong sa 'kin

Agad kong kinuha ang cellphone ko, nag-ring ito. Alam kong importante ang tawag dahil madaling araw na

"Anton" agad na saad ko pagsagot sa tawag

"Anong nangyayari?" tanong ko

Rinig ko ang paghikbi at pag-iyak sa kabilang linya

"S-si Andrew, w-wala na siya Charlene" agad na nanlamig ang katawan ko

Siya nga, si Andrew nga ang nasa panaginip ko

"A-ano? 'Wag ka namang mag-biro ng ganyan" saad ko, pilit na kinukumbinsi ang sariling nagbi-biro lang siya

"Anong nangyari Charlene? Saan ka pupunta?" tanong niya

"Si Andrew, nasa ospital" saad ko, agad niyang kinuha ang susi ng kotse niya

"Tara na, pupuntahan natin siya" saad niya kaya tumango ako

"S-si Xyver" saad ko na nakapagpa-hinto sa kaniya sa paglakad

"Kailangan niyang malaman ang tungkol dito. Napamahal na din siya kay Andrew" tumango siya

"Tawagan mo siya, mauuna na tayo sa ospital" agad akong tumango at dumiretso sa kotse

Hindi tumitigil ang kamay ko sa panginginig habang dina-dial ang cellphone ni Xyver

"Bakit hindi mo sinasagot?" bulong na tanong ko at muling tinawagan ang number niya

"Charlene? Madaling araw na--" agad ko siyang pinutol

"N-nasa ospital si Andrew, p-papunta na kami ngayon" saad ko at binaba ang telepono

Ayoko ng humaba pa ang usapan namin, gusto ko lang malaman niya ang nangyayari. Kaibigan siya ni Andrew, may karapatan siyang malaman

~~

Agad na umalingawngaw sa hallway ang pag-iyak nila. Bawat hakbang palapit sa kanila ay mabigat sa pakiramdam

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Nasilayan ko ang malamig na katawan ni Andrew. Wala na siya

"A-andrew, s-sorry" saad ko habang hawak hawak ang malamig niyang kamay

"S-sorry" ulit na sambit ko at hinalikan ang kamay niya

"C-charlene tama na" saad ni Kylie at hinawakan ang balikat ko

Umiling ako, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Humingi siya ng tulong, nahuli ako ng dating

Agad akong niyakap ni Kylie at hinaplos ang buhok ko habang patuloy pa rin sa paghagulgol ang buong pamilya ni Andrew

365 Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon