Chapter 13: Accident?

21 4 7
                                    

Chapter 13: Accident?

Meira's POV

   Isang linggo na ang nakalipas muna nang bumuka ang tahi ni Charlene sa likod

   Sa isang linggo na din na 'yon, si Xyver ang katulong ko sa pagaalaga sa kaniya

   Mula sa paglilinis ng sugat niya hanggang sa pag-alalay sa kaniya sa pag-tayo at pag-upo

   Ganun din si doctor Kate, ibang iba siya sa mga doctor na nakilala ko. Madalas ang pagdalaw niya kay Charlene kahit day off niya

   "Tita, kailan kaya maghihilom yung likod ni Charlene?" tanong niya habang nakapangalumbaba at nakatitig kay Charlene na natutulog

   "Gagaling na din siya, sa ngayon kailangan niya muna ng tulong natin" ngiting saad ko at inabutan siya ng makakain

   Nagpapalitan lang kami sa pagbabantay kay Charlene. Madalas siya dahil gusto niyang makapagpahinga din ako

   "Kayo na ba ulit ng anak ko?" I asked in confusion

   "Hindi pa po tita. Gusto ko pero naghahanap pa ko ng chance" ngiting saad niya at nagsimula nang kumain

   "Alam kong wala po akong karapatan para tanungin kayo tungkol dito" paninimula niya

   "P-pero, ano po bang nangyari sa inyo ni...tito?" nahihiyang tanong niya

   I smiled at him bitterly. It's not wrong to open up with him, I trust him now

   "We're having a problem...with money. Hindi na nakakapag-pintura si Charlene, my husband lost his job" he lowered his head

   "I-It's...all my fault. She can't do the things she loved because she's losing interest, not just in painting but...in her life" i heard him sobbing

   "I know I'm not allowed to cry in this situation, it just hurt me so bad tita" I hugged him. I understand how he feels

    "Ang importante ngayon, makuha mo muli ang tiwala ni Charlene. I want you to get her back. She will be happy with you" i smiled and tapped her shoulders

   "Tita?" tawag ng isang babae at pumasok sa kwarto

   "May dala akong pagkain" ngiting saad ni Kylie at inilapag lamesa ang prutas para bumalik na yung lakas ni Charlene

   "Good morning, check ko lang po ulit si Charlene" saad ni Kate at tinignan ang Vitals Sign Monitor

   Ilang beses na din akong nakuhaan ng dugo para isalin kay Charlene. Ako lang kasi ang nag-match sa blood type niya

   "Charlene is still fine po, just make sure na nakakakain sa tamang oras to gain her strength again" ngiting saad ni Kate na ikinatango ko

   "Thank you doc" tumango tango naman siya at lumabas na

   Agad akong napatingin kay Kylie na namumugto ang mata

   "Kylie, pwede ba kitang makausap?" napatingin siya sa 'kin, kahit nagtataka ay tumango siya

   Agad akong lumabas ng kwarto kasama siya

    "Anong nangyari?" tanong ko

   "Namumugto yung mata mo" agad siyang yumuko

   "Wala po 'to tita" inangat niya ang ulo niya at ngumiti

   "Kung ano man 'yang problema mo, alam kong malalampasan mo 'yan. Nandito lang ako Kylie"

   "Handang handa akong makinig" ngiting saad ko at niyakap siya

   "Hindi ko pa kayang ikwento ngayon tita, kapag handa na ko sasabihin ko po sa inyo" saad niya na ikinatango ko

365 Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon