Chapter 10: Concern

23 6 11
                                    

Chapter 10: Concern

Charlene's POV

   Ilang beses ko siyang tinignan, alam kong siya 'yon

   "Ayos ka lang?" tanong ni Randall na ikinatango ko

   Siya pa rin lagi ang nagbabantay sa 'kin dito sa bahay dahil ayaw na ni mama na maulit yung nangyari

   Hanggang ngayon hindi pa rin ok sila mama at papa kaya ginagawa ko na ang lahat para maging maayos na ulit ako at ituloy ang pagpipinta 

   "May gusto ka bang ipabili?" napaisip naman ako

   "Mayroon, pero...gusto kong kasama kitang bibili" ngiting saad ko kaya napakunot ang noo niya

   "Lalabas ka na?" tumango tango naman ako

   "Sure ka?"

   "Oo nga, ayaw mo ba?" agad naman siyang umiling

   "Nakakapanibago lang"

   "Ma, punta lang kaming mall ni Randall" agad namang napatingin sa 'min si mama

   "Talaga?" tumango tango naman ako

   "Basta 'wag kayo magpapagabi"

   "Opo tita, iuuwi ko po agad si Charlene" ngiting saad ni Randall at hinatak na ko papunta sa motor niya

   Tinulungan niya kong isuot ang helmet at sumakay sa motor niya

~~

   "Ano ba gusto mong bilhin?" tanong ni Randall habang naglilibot sa mall

   Napahinto ako nang makita ang isang jewelry shop

[Flashback]

 "I'm willing to give my all to you"

   "Are you willing to give your all to me?" tanong ni Xyver 

   I was about to answer but Xyver stopped me

   Xyver slowly walk while holding my hand. Tinanggal niya ang telang nakapalibot sa isang bagay. Agad na bumungad sa 'kin ang isang rosas at nasa ibabaw nito ang isang necklace ring

   Hinawakan ni Xyver ang bulaklak at humarap sa 'kin

   "The 365th flower?" tumango naman si Xyver

   He slowly kneel while holding the flower with a promise necklace ring on top

   "I promise to marry you when we turned 25 if you said yes. I promise to take a good care of you. I promise that you're the only girl that I'll love for the rest of my life" 

   "Charlene Villanueva, will you accept my promises?" suddenly, tears fell from my eyes. Not because of sadness but happiness 

   I slowly nod, we smiled to each other. Tumayo si Xyver at pumunta sa likuran ko upang isuot ang promise necklace ring. Ganun din ang ginawa ko, we hugged each other so tight

   "I love you" i smiled

   "I love you more than 365 days"

[End of Flashback]

   "Gusto mong pumasok?" agad akong bumalik sa reyalidad nang tanungin ako ni Randall

   "Tara na" saad niya bago pa man ako makasagot

   Matapos ang ilang minuto naming pagtingin sa mga nagkikinangan na alahas bigla along hinatak ni Randall at tinapat sa bandang leeg ko ang isang kwintas

365 Days (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon