Chapter 22: Coming soon

193 30 2
                                    

"Dada" napatingin ako sa tumatawag sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko. dalawang mumunting anhel na masayang karga karga ng mga yaya.
Diko alam ang gagawin basta bigla nalang bumohos ang mga luha ko at niyakap ang mga bata ng maibigay ito sa akin ng mga yaya.

Akala ko nawala na sila, naging emosyonal ako sa harapan nilang lahat pero wala akong paki alam dahil nasa harap ko ang dalawang anghel.

"Hey babies sorry ngayon lang kayo nayakap ni Dada" sabi ko rito at humiwalay sa yakap sa mga ito.

Hannah POV

Maaga akong nag ayos ng magamit dahil aalis ako bukas papuntang bagoui para harapin ang business partner ko dahil mukhang may milagro itong ginagawa sa negosyong aming pinagkasunduan palalaguin.

Hindi ko sinabi kay Troy ang tungkol sa issue na ito dahil alam ko may sariling itong problemang kinahaharap at ayaw kung dumagdag pa.

Ng makitang nasa ayos na ang lahat ay ka agad kung tinawagan ang ka isa isang tao na pinagkakatiwalaan ko.

"Samahan ko bukas" sabi ko rito ng sagutin nito ang tawag ko.

"Saan at bakit?" tugon naman nito sa kabilang linya

"Sa bagoiu Dahil sa Rusbi may milagrong ginagawa sa negosyo namin doon" sabi ko naman rito

"Sige pick me up sa tagpuan natin bukas at anung oras" sabi naman nito na mukhang seryoso dahil ramdam ko sa britonong boses nito.

"7: 00am" sabi ko naman at pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanya.

( Switch tayo sa third POV, but still na kay hannah parin ang point of View yon lang gagamit ako ng Narrators POV)

Kinabukasan ay maaga ngang nagising si Hannah at nag ayos dahil kailangan maaga siyang makapunta sa tagpuang sinabi ng taong pinagkakatiwalaan nito.

Pagkatapos mag ayos ay dinampot niya ang maliit bag na may lamang ilang perasong damit at iba pa.

Sinadya niya talaga na magdala ng mga iyon dahil hindi lang isang araw ang pananahanan niya doon sa bagoiu.

Dahil maaga pa siyang umalis ay hindi na niya inabala ang inang natutulog pa.

Eksaktong ala sa-es imedya ng makapasok siya sa kanyang kotse. Ka agad niya itong binuhay at pinaharorot palabas sa kanilang subdivision.

Dahil sa di nama kalayuan ang lugar na pagtatagpuan namin ay mabilis niya itong narating.

Tanaw niya narin ang isang lalaki na nakatayo sa labas ng isang abandunadong bahay. Katulad niya ay may dala din itong bag na hindi rin kalakihan.

Napangiti si Hannah ng mapansin ng lalaki ang paparating niyang sasakyan. Kumaway pa ito hanngang huminto siya sa harapan nito.

Maingat na ipinarada ni Hannah ang sasakyan matapos iloko ito sa ibang deriction. Pagkatapos ay nakangiting lumabas sa sasakyan para akapin ang lalaking naghihintay sa kanya.

"Anton" masaya niyang tawag sa pangalan nito at niyakap ng malapitan.

"Kumosta kana Hannah aking mahal" turan ng lalaking pinangalanan ni Hannah na Anton.

"Maayos ako anton" nakangiting tugon ni Hannah ng bumitiw sa yakap kay anton.

"Si Troy kumosta na siya?" malungkot nitong tanong habang nakatingin sa asawa. Oo mag asawa sila at ang kwento ay masyadong mahaba para don.

"Okay naman siya, pero hanggang ngayon naghahanap parin siya kay peter" malungkot na turan ni Hannah.

"Sana mahanap na niya si Peter, dahil alam mo mahal na marami akong ihihingi ng tawad sa kanya" malungkot naman na tugon ni Anton at di maiwasang mapayuko.

"Alam ko nadala kalang ng selos pero lahat naman tayo ay nagkakamali, alam mo yan. Napatawad ka namin ng anak mo dahil mahal ka namin. Pero nanatili kang nakatago dahil natatakot ka baka isumbat namin iyo sayo. Mahal Ito ang tandaan mo ang pagkakamali mo noon ay isang pagkakamali na naganap matagal na panahon. Marami ang bagay na nagbago kasabay don ang pagbukas ng bawat isipan at pagbigay ng kapatawaran. Kaya please Anton Patawarin mona ang sarili mo lalot namiss nakitang kasalo sa hapagkainan" Nakangiting turan ni Hannah at hinalikn ang asawa sa mga labi.

"Salamat mahal" sabi ni Anton at hinalikan din ang asawa bilang balik tugon.

Ng bumitaw ay nakangiting nagtitigan silang pareho.

"Ohh siya mahal halika nat baka anu ng oras ng tayo ay makarating ng bagoiu" pagpuputol sa titigan na Turan ni Hannah.

Natawa nalang si Anton at masaya na simundan ang asawa habang bit-bit ang bag na muntikan ng maiwan dahil sa nadala siya sa mga pangyayari.

Si anton na din ang nagmaneho ng sasakyan bali salitan sila dahil medyo may kalayuan ang Laguna papuntang bagOiu.

Gabi ng makarating sila kaya tumongo mona sila sa kanilang sariling bahay. Pero bago paman sila makarating don ay napagdesisyonan ng mag asawa na pumara mona sa isang maliit na kainan na nadadaanan lang din.

Ng makabab ay ka agad silang pumasok sa loob ng isang maliit na restuarant na hindi nila napansing na isa palang seafood restuarant.

Ng maka-upo silang pareho ay nilapitan sila ng isang crew at tinanong kung anu ang order. Matapos maibigay ang order ay sinabihan sila na maghinatay na siyang tinugon naman nila ng ngiti.

Habang masaya silang nag-uusap ay biglang napahinto si Hannah at nakatitig lang sa isang babae na alam niya isa lang ang may mukhang iyon si Clara.

Nakakunot noo siyang nakatitig habang ang asawa naman ay napansin din ang tinitigan niya kaya napatingin din ito kung saan siya nakatingin.

Kahit ito ay biglang napakunot ang noo at nagugulohang napatingin sa gawi ni Hannah.

Hindi nagkakamali ang mga mata ni Hannah dahil kahawig nga ito ng kaibigan niya. Ang hawi ng buhok ang hulma ng mukha ay katulad din. Kahit medyo tumanda na ito ay alam niya ang itsura ng kaibigan.

Napatayo siya sa kinauupoan na siyang ikinagulat ng asawa.

"Saan ka pupunta?" tanong nito pero kalamado ito.

"Lalapitan kolang siya " tugon naman ni Hannah

"Pero mahal baka kamukha lang niya yan" turan naman ni Anton na bakas sa mukha nito ang pagtutul sa gagawin ng asawa.

Hindi iyon pinansin na hannah bagkus ay nagsimula siyang maglakad para puntahan ang babae na sa oras na ito ay mukhang seryosong nakatingin sa labas. Kaya hindi na pansin na nasa likod na pala nito si Hannah.

"Excuse me miss" mahinang turan ni Hannah habang ramdam ang kaba sa dibdib.

Napalingon ito at kita sa mukha ang pagtatanong na namumutawi sa isipan.

"Yes?" maikli nitong tugon.

"Are you Clara Sandoval?" deritsang tanong ni Hannah at kita naman sa mukha ng babae ang itsura ng pagkagulat.

"How did you know my Twin sister?" balik tanong ng babae na siyang ikinakunot ng noo ni Hannah bakas sa itsura nito ang pagkagulat.

"T-twin sis-t-ter?" hindi makapaniwlang tanong ni Hannah at lumandas ang isang butil ng luha sa kanyang pisngi.

Mr_Nobody
Y.Y

Red and Wine V2Where stories live. Discover now