Chapter 28: FORGIVE AND FORGET

255 29 0
                                        

Matapos malinis ang kinahihigaan ay kaagad na bumalik si Peter sa kanyang kwarto lulan pain ng welchair. mabuti at hindi na naitanong ng yaya kung anu ang nangyari basta pinalitan nalang nito ang beed shit at syempre ang kama na rin kasi basa. Mabuti nalang at my stock sila.

Ng makabalik sa kanyang silid ay tiningnan niya ang oras at dahil maaga pa ang gabi ay napagdesisyonan niyang bumalik sa baba.

Itinulak siya ng yaya para makapasok sa elevator at pagkatapos ay iginayak sa sala kung saan nakikita niya na masaya ang mga matatanda na nilalaro ang dalawa niyang anak.

Lumapit siya rito pagkatapos ay pina alis ang yaya.

"Hey akala ko magpapahinga kana?" bungad na tanong sa akin ni aunt Clarise at tinulongan ako para makalipat sa couch.

"Yon na nga ehh, may napanaginipan akong hindi mabuti kaya dina rin ako nakatulog ulit," tugon ko rito at ikinarga ang si Au na gustong pumonta sa akin.

"Hey baby pagud na kayo?" tanong ko rito at kita ko naman ang paghikab ni Au at parang aktibo naman si Ae dahil busy ito sa pakikipaglaro kay mama Hannah.

"Ayos kalang ba peter?" tanong sa akin ni Lola Graciana na kararating lang din.

"Oo naman po, bakit?" balik na tanong ko rito at pinakiramdaman ang iba na tila ba nahihintay sa sagot nito.

"Ehh kasi kanina nakita ko ang mga maids na pinalitan ang kama mo?", ani nito at umupo sa tabi ko at ngumiti.

Syempre ako naman ay biglang lumaki ang mata at biglang binalot ng hiya.

"Wet Dreams" walang pag aalinlangan kung turan at sabay sabay namn silan napatawa kay napatingin ako sa kanila na may kasamang masamang titig.

"What?" tanong ko sa kanila kaya napatigil sila.

"Nga pala peter can I talk to you privately" sabat ni Tiyo anton sa akin at tumango nalang ako.

Tinulongan ako ni Mama Hannah na maka-upo sa welchair at si Tiyo Anton na din ang nagtulak sa welchair. Dinala niya ako sa garden kung saan tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.

Kita naman kami mula sa loob dahil sa pader na yari sa makapal na glass.

Umopo siya sa pandalawahang parihabang upoan habang ako ay nasa gilid niya lang din.

"Alam ko marami akong kasalanan sayo" panimula nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala na ho yon, matagal ko ngang nakalimutan iyon" sabi ko naman habang nakatitig parin ako sa kanya.

At bigla nalang may isang ala-ala na sumilay sa aking isipan kasabay ng pagtitig sa mukha ni Tiyo anton. Isang tao na tanging nakikita kolang ay ang mga mata dahil natatabunan ang kalahati nitong mukha ng isang tablet na hawak.

Napakunot noo ako at bigla bumilis tibok ng puso ko.

"Peter!"

"Hey Peter, are you okay?" tawag sa akin ni Tiyo Anton kasabay non ang pagbalik ng aking ulirat.

"Oho okay lang ako, anu pala ang sinabi niyo?" tanong ko rito dahil wala talga ako narininig.

"Sabi ko sorry, at sa oras na makabalik kami ng manila ay may ipapadala akong mga sulat sa iyo" sabi nito at nakangiting napatingin sa akin.

At hito na naman ang isang pakiradam tila bang may kilala akong pareho niyang ngumiti. Pro diko siya matandaan.

"Sure kang okay kalang?" tanong ulit nito sa akin.

"O-Oho, Anu po bang sulat iyon" tanong ko rito para mawala ang pagtataka nito.

"Basta, isa iyong bagay na dapat hindi ko ipinagka-it sayo idi sana masaya kayo" bigla itong tumigil at napatingin sa akin. "Ahh, Basta malalaman mo din, " dugtong pa nito at napakamot sa ulo at at natawa.

"Aba tiyo gumaganyan na kayo, sige ho. Basta ito lang ang tandaan niyo na kailan man ay di ako nagtanim ng sama ng loob sa inyo. Oo nasakatan ako at nahirapan pero matagal na iyon. Alam niyo mula ng magising ako ay tanging nais ko lang ay maging masaya muli at gawin ang mga bagay na diko nagawa noon Kasama na don ang paghingi ng tawad at magpatawad. Dahil hindi mo masasabi kung kailan ka mawawala, At di mo magagawa ang ilang bagay na gusto mo kung patay kana." sabi ko rito at ngumiti kasabay ang paghawak nito sa kamay ko.

"Salamat peter" tugon nito at may tumolong ilang butil na luha sa mga mata nito.

"Ang mahalaga tiyo ay nagsisi ka at humingi ng tawad. Kahit sabihin nila na huli na ang lahat pero para sa akin ay hindi pa huli iyon dahil natutunan mong ibaba ang sarili mo dahil sa bagay na alam mo ikaw ang may kasalanan. kailan man ay hindi naging masama ang humingi ng tawad lalo nat kung ang kalakip nito ay bagong bukas." sabi ko rito habang nakangiting nakatingin sa kanya. " Kaya tiyo ngayon ay ang sarili mo naman ang patawarin mo, Oo nararamdaman ko iyon. Wala kang nagawang kasalanan sadyang nilamon kalang ng selos mo noon, Okay na tayo tiyo kaya patawrin mo na rin sarili mo" dugtong ko rito at lumapit ito sa akin at niyakap ako na siyang tinugon ko naman.

"Salanat peter" tanging nasabi nito pagkatapos ay bumitaw sa yakap.

Nagtagal mona kami ng ilang minuto doon at nag-usap ng bagay bagay ukol sa mga nangyayari sa mundo.

Mag alas nwebe emidya na ng pumasok kami sa kabahayan. Pagkapasok namin ay kami nalang pala ang hinihintay nila. Wala na din ang mga bata dahil nasa kwarto ko na daw ang mga ito at natutulog.

Nandito narin ang asawa ni Aunt Clarise at anak nito nasi Axel na halos kaedad kolang rin.

Hindi narin kami nagtagal sa sala at kanya kanya na kaming gawi sa aming kwarto. Sa guest room naman tumongo sina mama hannah. Dahil hindi sila pinayagan ni aunt clarise na umalis.

Si Axel na din ang nagtulak sa welchair papasok sa elevator at para dalhin ako sa kwarto.

Ng makapasok ay tinulongan niya din ako na makasampa sa kama at ang loko siya ang naupo sa welchair.

"Insan ang init naman ng welchair mo?" sabi nito at natatawa pa.

"Malamang halos wala ang tayo ehh! tugon ko naman.

"Insan pupunta ako ng manila next week sama ka?" sabi nito at tinaasan konaman siya ng kilay.

"Gege ka alam mong nagpaparecover pa ako, tiyaka alam mo namang delikado buhay ko." sabi ko rito at napatingin sa mga anak na mahimbing na natutulog.

"Oo nga pala, sige insan magpahinga na ako bukas nalang dahil day off ko, gala tayo" sabi nito at umalis na din ng kwarto.

Ako naman dahil sa pagud ay nakaramdam ako ang antok at unti unti ng dinalaw pagtulog.

"Mahal kita peter, maging sino kaman!" sabi ng isang lalaki mula sa aking likuran habang yakap yakap ako.

Mr_Nobody
Y.Y

❤Chapter 59❤
Maging sino Kaman

Red and Wine V2Where stories live. Discover now