Chapter 17: It was not a dream

208 25 1
                                    

Third Person POV

Masayang nakatingin si Troy sa dalawang anak na nag enjoy sa paglalaro sa arched.

Kasalukoyan silang nasa MOA dahil dito gusto ng nga bata na pumonta at mamasyal.

"Ang saya nila no" sabi ni Peter na naka-upo lang din sa tabi niya.

"Oo nga, salamat at binigyan mo ako ng dalawang mga cute at makulit na anak" tugon naman ni troy at masayang hinigpitan ang hawak ng asawa sa kamay.

"Sana magtagal itong nangyayari ngayon" turan ni Peter pero hindi iyon narinig ni Troy dahil biglang umiyak si Au at pinapatahan naman ito Ni ae.

Kaya kaagad silang tumayo at pinuntahan ang dalawa sa.

Kinarga agad ni Troy si Au. Buti nalamang at tatlong taong gulang palang ang mga ito kaya di masyadong mabigat. kinarga naman ni Peter si Ae.

"Anu nangyari sa baby ko"

"Inaway po ako ng batang iyon" sabay turo nito sa isang batang lalaki na lakas ng aura.

"Para namang di ka lalaki hayaan monalang siya baby" tugon namn ni Troy at hinalikan ang anak sa pisngi.

Sa huli napagdesisyonan nilang apat na umalis nalamang doon at mag gala sa loob ng mall para mamili ng kahit anung dapat bilhin nila.

Una nilang pinasok ang toy store, Waa namang nagawa si Peter sa pag spoild ni Troy sa mga bata. Basta hinayaan nalamang niya itong bilhin lahat ng tinuturo ng kambal.

Pagkatapos ay pumonta naman sila sa mga damit at doon naman sila namili ng pang-bata at syempre sa kanilang dalawa.

Medyo nagtagal sila don dahil sa daming pinamiling damit ni Peter. Na siyang hinayaan naman ni Troy.

Matapos ang isang dekadang pamimili sa botique ng damit ay sunod nilang pinuntahan ang mga sapatos.

Hapon na ng matapos silang mamili kaya napagdesisyonan nilang kumain mona. Mabuti nalamang at may Jollibee sa loob ng Mall kaya doon nalang sila kumain.

Masayang pinagmamasdan ni Troy ang kambal habang kumakain ang mga ito ng speghetti at fried chicken na siyang pinabili ng mga ito.

"Hey kain kadin, at wag yong mga bata ang titigan mo dahil dika mabubusog diyn" pukaw sa kanya ni Peter at nakangiting napatingin siya rito.

Pinisil naman niya ang kamay nito bilang tugon at sinimulan ng kumain.

"Papa, dami naming toys, salamat papa" masayang turan ni Ae na kahit puno ang bibig ay nakaya panitong magpasalamat.

"Anything for you babies" masayang tugon ni Troy at napatingin siya sa asawa at nakunot noo siyang napatanong rito.

"Babe may problema ba?" turan niya rito.

Mukhang nakuha nito ang attention niya kaya biglang umaliwalas ang mukha nito at biglang nawala ang malungkot nitong aura.

"Yeah babe bakit?" tugon nito na nakangiti na din.

"Ahh wala naman hehe" sabi niya rito at iwinaksi nalang ang mga nakita kanina lamang.

Ng matapos nilang kumain ay napagdesisyonan nilang ulit na manood ng sine At inilagay muna nila sa sasakyan ang nga pinamiling damit at laruan At syempre pang bata ang palabas yong bang "The Good Dinasour".

Naging masaya naman ang dalawa at walamg imik ang mga ito habang nanonood ng palabas. Seryoso tela ba ayaw ng mga ito na storbohin sa panoonood.

Pagkatapos ay unowe nadin sila dahil medyo madilim na ng matapos ang palabas. Habang nasa daan pauwe ay natulog naman ang dalawang bata dahil siguro napagod ang mga ito sa boung araw nilang pamamasyal.

Ng makarating sa bahay nila ay kaagad silang sinalubong ng mga yaya at kinuha ang mga pinamili nilang mga gamit at sila namang mag asawa ay tig iisang kinarga ang mga bata para dalhin ang mga ito sa kwarto para lubosang makapagpahinga na.

Ng makalabas silang pareho sa kwarto ng mga bata ay kaagad nilang tinahak ang kwarto nila. Hindi nadin sila nag dinner ar hinayaan ang mga pinamili sa sala at baka bukas na nila iyon asikasuhin.

Ng makapasok ay ka agad na pumonta ng cr si Peter at deritsong bathroom naman si Troy.

Pagkatapos ng kani kanilang ritwal, maligo at magbihis ay nasa kama na ang dalawa at nakahigang magkayakap habang sinusuklay ni Troy ang medyong may kahabaang buhok ni Peter.

"Alam mo ba babe napakasaya ko ngayon" turan ni Troy sa kalagitnaan ng katahimikan.

"Bakit naman?"

"Kasi dumating kayo sa buhay ko, kayo ang naging rason kung bakit gusto kung mabuhay sa mundong ito" ani ni troy at hinalikan ang ulo ng asawa.

Tumingala naman si Peter at may luhang pumatak sa kanyang mga mata bago angkinin ang labi ng asawa.

"Kailan man Troy ay hindi kita pagsasawaang mahalin kahit sa mga sandaling-

"Shhh, wag kanang magsalita babe dahil sa oras na ito ay ang tanging iniisip kolang ay ang mahalin ka at ang mga anak natin, wala na ang paki sa ibang tao o sa iba pang mga bagay, dahil ang gusto kolang ngayon ay maging masaya" turan ni Troy at siniil ng halik ang asawa sa mga labi. "Kahit ang totoo ay isa lang itong illusion para sa iba" pahabol ni troy subalit nasabi niya lang iyon sa kanyang isipan.

"Mahal na mahal kita troy" tugon ni Peter at niyakap ang asawa ng mahigpit, isang yakap na nagsasabi na sana ay nasa totoong mundo sila hindi sa ganitong kinalalagyan nila na puro kasinungalingan at walang patutungohan.

"Mahal din kita peter at mamahalin kita kahit sa anumang mundo tayo mapadpad" turan naman ni Troy at niyakap ang asawa gaya ng pagyakap nito.

"Papa, dada" boses ng dalawang batang lalaki na bigla nalamang pumasok mula sa pintuan.

"Yes babay?" tanong ni Peter rito

"Can we sleep here?" tanong naman ni Au

"Yes baby hali kayo bilis" tugon naman Troy na siyang tuwa ng dalawa . Na tumakbo pa at tumalon sa kama.

Sa huli ay natulog silang apat na nasa gitna ang dalawang cute na bata.

"Sana bukas ay nasa mundo niyo pa ako" tanging nasabi ni Troy sa kanyang isipan bago tuloyang kainin ng kadiliman.

Nakatingin naman si Peter kay Troy na sa oras na ito ay nakapikit na din. Halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. sa huli ay napagdesisyonan na din niya ang matulog na walang anumang bagay na iniisip.

Mr_Nobody
Y.Y

Red and Wine V2Where stories live. Discover now