Nagising ako at nakita ko agad si Reus kanina.
Nag I love you talaga sya eh!
Bakit parang di nya maalala?
Nakatingin ako sa kawalan ngayun!
Nandito parin sila sa kwarto ko dito sa hospital.Nag I love you sya eh!! Basta! Nag I love you sya!!
"Ano ba iniisip mo?" Tanong nya.
"Na nag i love you ka kanina nung umalis si Ryle" sabi ko na nakatunganga parin.
Narinig ko na nag tawanan sila! Tsk
"Di ko nga maalala diba! Nabaliw ka na ng tuluyan" sabi nya sakin pero umiling lang ako.
"Hindi eh" sabi ko na nakatingin sa kawalan parin.
"Yan lahat sinasabi ng mga nakakarinig o nakakakita ng kakaiba" sabi nya sakin.
Baka nga!! Pero narinig ko talaga yun eh.
"Mag pahinga ka nalang" sabi ni daddy
Pahinga? Matulog? Panaginip?
Yung sinasabi ni ate na panaginip!
Subrang kakaiba naman yun!
Mapapanaginipan ko ang sagot sa tanong ko.
Ano yun? May letra?"Mag pahinga ka nalang kasi kaysa nababaliw ka dyan" sabi ni Reus kaya tinignan ko sya ng masama.
"Ano ba kasi ginagawa mo dito? At ikaw? " sabi ko sa kanya at tinuro si Percy.
"Nandito ako para hanapin ang may gawa saiyo nito" sabi ni Reus
"At ikaw?" Tanong ko kay Percy
"Ganun din" sabi nya.
"Eh MGA SIRAULO PALA KAYO EH! PAANO NYO MAHAHANAP KUNG NANDITO KAYO!" sigaw ko sa kanila at sila naman nag takip ng tenga.
"Ano ba! Di pa nga gumagaling tapos sumisigaw ka na!" Sabi ni lolo na kakapasok lang kasama si honey.
"San galing?" Tanong ko sa kanila.
Nag tinginan silang dalawa.
"Sabihin mo na honey" sabi ni lolo kay honey
"Ah galing kami sa--" di natapos na sasabihin ni honey dahil binatukan sya ni lolo "lolo ang sakit sakit nun?" Sabi nya habang hawak ang ulo nya.
"Sinabi ko ba sa lahat ah!" Sabi sa kanya ni lolo at sinulyapan si Reus at Percy.
"Ayy sorry na po" sabi ni Honey at lumapit sa akin "kay masereus" bulong nya sakin.
"Lugar ba sya ah!" Sabi ko sa kanya.
"Nasa hospital kasi ngayun si Masereus" bulong nya sakin.
Diputa! Ang anak ko!
"Bakit? Ano ginagagawa nya dito? May sakit ba sya?" Madaliang tanong ko.
Yung mga tanong ko naririnig nila pero yung sagot ako lang nakakarinig.
"May sakit sa puso si Masereus" sabi ni honey na kinagulat ko.
"What? Sakit sa puso! Gusto ko sya puntahan" sabi ko at pilit na tumayo.
"Hirap ka pa nga umupo at pilit ka namang tatayo ngayun! Ano ba gusto mo? Bumalik uli sa operating room? Nababaliw ka na ba ah!! Maayos na sya! Nag papahinga na sya ngayun!" Sabi sakin ni lolo
"Lolo! May sakit sya sa puso!" Sabi ko at umiyak.
"Pero maayos pa sya ngayun! Pero ikaw! Hindi! Mag pahinga ka!" Sabi nya sakin.
"Sino may sakit sa puso?" Takang tanong ni Reus
"Ang alam ko may sakit sa puso si Mase" sabi ni Percy.
"Wag nyo na alamin" seryosong sabi ko.
Tumango nalang sila.
May sakit sa puso si Ate? May sakit sa puso ang Anak ko? Namamana ba yun?
"Mag pahinga ka nalang at pumikit" sabi ni lolo kaya sinunod ko nalang.
Unti unti ko ipinikit ang mata ko.
Panaginip..
Asan ako? Ang daming tao..
Ako ba yun?
Yung babaeng may hawak na laruan.Inay at itay?
Nasa pasyalan kami..Ano ginagawa ko dito?
Kung titignan ko yung bata nasa 13years old na ako noon.Napalingon ako sa paligid.
Si ate at Reus!
16years old na sila sa itsura nila.
Nasa iisang lugar nalang kami noon pero di pa kami nag kita!
Nag lakad ako palapit sa pwesto nila.
Maraming lumalagpas lang sakin..Para akong multo! Di nila ko makikita..
Para akong anino nila sa ginagawa ko.
"Babe gusto mo ba ng Juice?" Tanong ni Reus.
Ang sweet nya pala kaya ate!
"Sige babe" nakangiting sabi ni ate mase kaya umalis muna si reus.
Habang nag hihintay si ate may humila sa kanya na matanda.
"Ano yun lola?" Nakangiting sabi ni ate.
"Ikaw ang susulat ng tadhana ng dalawang tao na mahal mo" sabi nung matanda sa kanya pero napakunoot noo lang si ate.
"Ano po ba sinasabi nyo?" Tanong ni ate
Oo nga ano ba sinasabi ni lola?
"May kapatid ka na nawawala diba" sabi nung matanda.
"Paano nyo po nalaman?" Takang tanong ni ate
"Basta!.. Ang kapatid mo at ang lalaking mahal mo ay para sa isa't isa at ikaw ang susulat ng tadhana nila" sabi nung lola.
Di ko na naintindihan!
"Di ko po kayo maintindihan" sabi ni ate mase.
"Maiintindihan mo pag nasa bingit ka na ng kamatayan" sabi nung matanda.
"Babe" tawag ni Reus kay Ate mase kaya napalingon si ate
"Oh babe?" Tanong ni ate mase"Sino kausap mo?" Takang tanong ni Reus.
You mean di nya nakita yung matanda?
"Ano ba sinasabi mo? May matanda akong kausap dito babe " sabi nya at hinanap yung asan yung matanda.
"Wala aka namang kausap kanina pa" sabi ni Reus sa kanya.
"Meron talaga babe eh" sabi ni ate Mase
"Sige na sige na.. Halika na" sabi nya at inalalayan si ate sa pag lalakad.
Saan yung sagot? Hindi ko maintindihan kong ano yung sagot sa nangyare ngayun.
"Si tadhana ng buhay mo ay ang ate mo" bulong sa akin nung matanda at nangilabot ako.
Nagising ako bigla dahil na rin sa gulat.
"Oh bat?" Tanong ni Percy
Ano pa ba ginagawa nito dito?
"Wala" sagot ko.
"Sumisigaw ka kasi" sabi nya sakin kaya napakunot noo ako.
Ako sumisigaw?
BINABASA MO ANG
I'm inlove With A Girl I kidnap For Rape
RandomThis is about love.. Mamahalin mo yung mahal ng taong mahal at mahalaga sayo. Kung para ka sa kanya at para sya sayo ay gagawa ang tadhana ng paraan. Maraming badword so WARNING.. May MATURED CONTENT R-18.. Please Vote and comment/feedback.. Enjo...