002

760 17 5
                                    

What if Maxpein is a Vampire?

Maxpein's POV

"Kingina." Huminga ako ng malalim dahil sa matinding frustration na nadarama.

Kanina pa ako palakad lakad dito at ilang tao na rin ang nakakasalubong ko pero nilalagpasan ko lang. Tss.

Oo gutom ako pero gusto kong sulit at busog ako dahil hindi biro ang pagod na ginagawa ko ngayon. Kingina.

Kumunot ang noo ko nang may humintong lalaki sa harap ko. Hahakbang na sana ako papuntang kanan ngunit humakbang din siya paparoon. Humakbang ako ulit papunta naman sa kaliwa ngunit ganon padin ang ginawa niya. Kingina.

"Anong problema mo?"

"Wala naman. Gusto ko lang makipag kaibigan," nakangiti niyang saad.

"Tss. Alis diyan." Bago pa magdilim ang paningin ko sayo at mapaslang kita ng wala sa oras.

"Ano munang pangalan mo?" Kaagad na nag init ang ulo ko dahilan upang lumitaw ang aking mga pangil.

Talagang inuubos nito ang pasensya ko.

Mabilis ko siyang hinablot at dinala sa parteng kakahuyan bago pa may ibang makapansin sa akin.

"Umalis ka kung mahal mo pa ang buhay mo."

"Mahal ko ang buhay ko pero mahal na ata  kita at ikaw na ang buhay ko. Anak ng! Nakikita mo ba ang mga puso?" Napangiwi ako dahil para siyang timang.

Dama ko ang pagbubungguan ng mga ngipin ko dahil sa panggigigil na siyang nagpalitaw sa aking mga pangil.

Nanlaki ang mga mata niya kaya napangisi ako. Ayan ganyan nga. Matakot ka.

"Nagsimula na ba ang shooting ng Twilight Pinoy Version?" namamangha niyang saad. Kingina!

"Tanga ka ba? Isa akong tunay na bampira kaya umalis ka riyan kung ayaw mong kitilan kita ng buhay ngayon mismo."

"Hahahaha! Bakit kinikilig ako? Iniisip ko palang na dadampi ang mga labi mo sa leeg ko ay--"

"Kingina umalis ka na sa harap ko! Gutom na ako at alam mo bang nakakaabala ka?"

"Gutom ka na pala e. Halika sipsipin mo ang dugo ko. Pakshet! Hahahaha."

Sinuri ko ang kabuuan niya. "Pihikan ako. *ngumiwi*"

"H-hoy! Anong ibig mong sabihin ha? Ikaw na nga ang tinutulungan napakachoosy mo pa? Tch!"

"Tingin mo ay mabubusog ako sa dugo ng isang patpatin na gaya mo? Kingina e mukhang hanggang lalamunan ko lang ang dugo mo e," napapangiwi kong saad.

"Napakayabang mong bampira! Bawiin mo yang sinabi mo! *ngumuso*" Ah ang bading.

"Inuubos mo ang oras ko. Maiwan na kita." Humakbang ako pero muli niya akong hinarangan.

"Isa at pag umabot ito ng dalawa kabahan ka na."

"Gusto ko lang naman malaman ang pangalan mo. *ngumuso*"

"Tss. 'Pag ba nalaman mo ay lulubayan mo na ako?"
Tumingin siya sa gilid na para bang nagiisip.

"Mm? Depende--" Kingina. Wala akong panahon sa gaguhan.

"Teka-- Oo! Aalis na ako 'pag sinabi mo--"

"Maxpein."

"Ah ako nga pala si Deib Lohr--"

"Umalis ka na."

"Teka lang naman--"

"Ang sabi mo ay lulubayan mo na ako 'pag sinabi ko ang pangalan ko. Tss."

"Kagatin mo muna ako. Napanood ko kasi kapag kinagat ka ng bampira ay magiging bampira ka rin. Hahahaha! Kinikilig ako! Nakikita mo ba ang mga puso Maxpein? Pakshet!"

Kingina.

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon