011

169 4 0
                                    

[Imperium Clan's Christmas Special]

Maxpein's POV (7 years old Pein)

December 24, 2001

"Princess come here." Tahimik akong naglakad papunta kay kuya Maxwell nang makita niya ako sa pintuan habang tahimik na nakatanaw sa langit.

"Anong ginagawa mo rito Hyung?" Imbes na sagutin ako ay ngumiti lamang ito bago magsalita.

"Ang ganda ng langit Pein." Napatingala ako sa langit na puno ng mga bituin. Para silang asin sa aking paningin dahil sa sobrang dami.

Ang ganda.

Nagulat ako nang may dumaan na meteor.

"Make a wish Pein." Tumango lang ako kay Kuya at saka mariin na ipinikit ang aking mga mata.

'Papa God masaya po akong kumpleto kaming pamilya ngayong Pasko. Maging masaya at maligaya lang ang lahat ay ayos na po sa akin.' Minulat ko ang aking mga mata at nakitang nakangiti si Hyung sa akin.
Hinaplos at ginulo niya ang aking buhok bago ibinalik ang paningin sa langit.

"What is your wish Princess?"

"Sabi nila Hyung 'pag sinabi raw sa iba ang wish mo ay baka hindi magkatotoo. *pout* kaya sorry Hyung. Hehe."

Natawa siya sa sinabi ko. "You know Princess. Either you tell me or not if that will be destined to happen it will happen no matter what." Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko naman maintindihan si Kuya.

Ngumuso ako at mas lalo siyang natawa.

"What is it Pein? Ilang oras nalang ay pasko na. Manonood tayo ng fireworks at exactly 12:00 am." Tumingin siya sa kanyang wrist watch. Naexcite ako bigla. Parang nagningning ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya.

"Talaga kuya? Yey! Gusto kong makita!" pumapalakpak at napapatalon na saad ko.

"Mm. Your wish? Let me know Princess malay mo tuparin ni Kuya." Hays. Sige na nga.

"Sana ay masaya ang lahat ngayong Pasko. Masayang kumpleto tayo Kuya. Hehe. Pero sana--"

"Pein." Nabigla ako nang bigla akong yakapin ni Kuya.

"I'm sorry that I can't do anything." Naramdaman kong tumaas baba ang balikat ni Kuya Maxwell. Umiiyak ba siya?

"Kuya ayos ka lang?" Bumitaw siya sa yakap. Hindi siya sumagot.

"Kuya e ikaw anong wish mo? *pout*" Ngumiti siya sa akin. Hindi na naman sumagot.

"My wish was--"

"Pein pumasok ka na sa loob."

Hindi na natapos ni Hyung ang sasabihin nang biglang sumulpot si Daddy More.

"Dad it's almost Christmas day. Manonood pa kami ng fireworks ni Pein."

"Maxwell," nagbabantang tawag ni Dad.

"But Dad--"

"You don't understand Maxwell." Tahimik ko lamang silang pinapanood habang naguusap.

"I understand Dad and I don't understand you. It's Christmas day. Can't you just let her enjoy this time? Tsh."

Napayuko ako nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy nila.

Nakita kong marahang umiling iling si Daddy. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

"Pumasok ka na Pein maaga pa ang training mo bukas. Alam mong ayaw ni Chotjae na naghihintay." Marahan akong tumango sa sinabi ni Daddy.

"No dad--"

"Maxwell. Pumasok ka na rin mamaya. Samahan mo si Maze na magbantay kay Maxrill."

Pinagsalikop ang aking mga palad. Ngayon ay ramdam ko ang hapdi at kirot ng aking mga sugat na natamo sa training. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan ko tong maranasan ngunit alam kong wala akong magagawa.

'Darating ang araw at maiintindihan mo ang lahat kung bakit anak. Pagbuthin mo lang.' Ang mga salita nalang ni Daddy ang inaalala ko kung bakit ko kinakaya lahat.

Pakiramdam ko naman ay unti unti nang namamanhid ang katawan ko sa araw araw na bugbog at sakit na natatamo ko.

Hindi totoo ang meteor. Hindi totoong matutupad ang iyong wish 'pag humiling ka rito.

---

"You are the son of the Highest Empery Rank."

"You are the Highest Empery Rank's legacy Thaddeaus."

"Time will come and you will start building your own legacy Thaddeaus. You are someone I'll be looking forward to. We will watch you."

~ End of Flashback ~

"Babe! Pasok na. Hindi ka ba nilalamig dito?" napangiti ako nang maramdaman ko ang yakap ni Sensui mula sa likod.

"Mm? Tara na sa loob."

"Teka may bulalakaw Taguro. Magwish tayo." Nakita ko pang pumikit siya at tila seryosong bumulong.

Wala na akong maihihiling pa. Kasama ko lang ang pamilya ko ay sapat na.

Maligayang pasko riyan sa langit Chairman Moon.

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon