015

152 3 0
                                    

[Turn your POV into Sci Fi Genre]

Maxpein's POV

"Initiating command. Self destruction." Wala akong choice kundi isakripisyo ang sasakyang himpapawid na minamaneho ko ngayon.

Hindi ko inasahan ang atake na 'yon mula sa nakasunod sa akin at mukhang napuruhan nito ang makina na siyang nagpapagana nitong sinasakyan ko.

Isa itong uri ng aircraft na kung saan pang isang katao lang ang laman dahil kasing laki lamang ito ng cubicles gaya sa mga comfort rooms. Maaari rin itong gamitin papuntang outer space basta sisiguraduhin mo lang na nakaset ang durability nito ng naaayon sa gusto mong paggamit.

"The craft is about to explode in a few minutes. Passenger is advised to get off." Mabilis kong hinablot ang voice activator wristwatch na sa tingin ko'y kaisa isa at natatanging mapapakinabangan ko.

"1 minute left."

"45 seconds left."

"30 seconds left."

"15 seconds left."

Kasabay ng pagbukas ng kinauupuan ko na siyang dahilan ng pagkahulog ko ay ang paglabas ng glider nang pindutin ko ang isang button sa aking wristwatch.

"5."

"4."

"3."

"2."

"1."

Pinanood ko ang pagsabog ng aircraft habang kinokontrol ang sarili sa direksyon ng glider hanggang sa makalapag ako ng maayos sa lupa.

Ibinuka ko ang aking kanang palad at pinanood ang mga nagkapira pirasong parte ng aircraft na muling magdikit dikit hanggang sa magkorte itong bilog na  marmol. Kasing liit lang ito ng jolens. Mabilis ko itong isinilid sa aking bulsa.

"What happened Pein?" Si Maxwell na kakababa lang sa kanyang aircraft.

"No choice e." Tss. Pwedeng pwede namang makakuha ng bago.

Hindi namin matukoy kung anong eksperimento na naman ang ginawa nila ngunit sa oras na may masirang anumang parte ng aircraft na ito ay nagiging agresibo ito at nagkakaroon ng buhay mala transformer gaya nalang nong humabol sa'kin kanina. Mabuti at naunahan ko.

Tumingala ako at pinanood ko ang mga aircraft habang isa isang nagsisilapagan. Isa isang nagsibabaan ang mga Moon at Enrile mula sa kani kanilang aircraft.

Nakaramdam ako ng biglang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makababa na silang lahat ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin mahagilap si-- H-hindi.

"S-sensui."

Natigilan silang lahat marahil ay hindi nila napansin na may kulang sakanila.

"Lohrton ang anak natin." Hindi na napigilan ni Mommy Lacey ang mapahagulgol at yumakap kay Daddy Lohrton.

'Sensui. Nasaan ka?'

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring masama sa'yo dahil sa kapabayaan ko.

"Mommy? Where's Daddy Deib po?" Nayakap ko si Maxspaun habang pigil ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

"Daddy will be back baby okay? I'll find him." Nginitian ko si Spaun na halatang walang maintindihan sa nangyayari.

"Initiating command. Searching Deib Lohr Enrile." Awtomatikong naactivate ang GPS at nagpakita sa maliit na screen ng aking wristwatch kung nasaan si Deib Lohr.

Nakikita ko ang suot niyang wristwatch na gaya ng akin ngunit parang hindi niya ako naririnig. Wala namang problema sa signal. Tss. Nauubusan na ako ng oras ati na rin pasensya.

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon