012

156 4 0
                                    

Maxpein's POV

Nagmadali akong lumabas ng mansion nang matanggap ko ang text galing kay Sensui.

Sensui calling~

"Babe kailangan ka nga kasi rito. Tch! Ba't ba ako lang inutusan mong pumunta e sinabi na ngang tayo dapat--"

"Palabas na ako ng bahay."

"Dalian mo Taguro--" pinatay ko ang tawag at nagmadali akong sumakay kay Rabbit.

Saktong isasara ko na ang gate nang mapansin ko ang isang batang lalaking nakatanaw mula sa makakapal bakal na siyang nagsilbing bakod nitong mansion.

Hindi ko ito pinansin ngunit naagaw ng aking atensyon ang sira sira nitong damit pati na rin ang mga paa nitong walang sapin.

"Bata--"

"Wag po! Wag po! Aalis po ako agad. Wag niyo lang akong sasaktan. Gusto ko lang makita 'yong kuya dahil nagagandahan ako sa damit niya at sapatos."

Nagulat ako sa inaasta niya. Tss. May sira ba to sa utak?

"Tss. Wala naman akong ginagawa sayo. Si Maxspaun ba ang tinutukoy mo?"

"Hindi ko po siya kilala."

"Ah madalas ka rito sa bahay? Asan ang mga magulang mo at saan ka nakatira?"

"..."

"Umuwi ka na baka hinahanap ka na sainyo."

"Wala na po akong mga magulang."

"Ah--" hindi ko naituloy ang sasabihin nang biglang magring ang aking telepono.

Sensui calling~

"Anak ng! Taguro nasaan ka na? Kanina pa nagsimula ang Christmas Party nila Spaun. Kelangan mamaya ng complete family para sa games. Dalian mo na! Tch."

"Papunta na. Tss."

"Kanina ka pa riyan sa papunta mo--" Pinatay ko ang tawag at mabilis na nagdial ng numero sa loob para kausapin amg isa naming kasambahay.

"Mamaya ay babalikan kita. Antayin mo ang ale na magbukas ng gate na ito at sumama ka sakanya sa loob. Maliwanag?" Tango lang ang isinagot niya sa akin.

Nagmadali na akong sumakay at mabilis na pinaharurot si Rabbit.

Naalala kong madaming naliitan na mga damit at sapatos si Maxspaun mula pagkabata.

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon