027

129 2 0
                                    

Maxpein's POV

"Kita kits nalang tayo later mga ateng. Bibili kami ni Michiko at BJ ng mga kakailanganin natin para mabilis tayong matapos. Taray naman ni Enrile at issurprise pa siya ni ateng Max," natatawang kantyaw ni Migz.

"At ikaw naman ateng, anong nakain mo at may pasurprise ka pang nalalaman?" dugtong pa nito ngunit nginitian ko lang sila bago sila umalis.

Bawas angas pero kingina. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at basta ko nalang naisip na surpresahin siya para sa anniversary namin.

"Una na then akong umuwi Max. Ihahanda ko pa 'yong mga ingredients na gagamitin para sa cake mo! Psh. Kelangan talaga hugis puso? Stop me!" Tinanguan ko lang siya at pinanood na paharurotin ang kanyang motor palayo.

Tiningnan ko ang aking wrist watch. Mas aalas singco na. Siguradong patapos na ang klase nila Sensui.

Hindi ko maalis ang ngiti habang naglalakad patungo sa building nila.

Nilabas ko ang cellphone para idial ang kanyang numero at ilang metro nalang ang layo ko mula sa building nila nang sagutin niya ang tawag.

"Babe," tawag niya sa akin.

"Mm tapos na ang klase mo?" Hindi ko alam kung bakit 'yan ang naitanong ko gayong kitang kita ko mula rito sa kinatatayuan ko na nagsisilabasan na ang mga kaklase niya.

Ilang saglit lang ay nakita ko siyang lumabas. Napangiti ako.
"Tapos na ba klase mo Babe? Hintayin mo ako pupuntahan kita riyan." Sasagot na sana ako nang makita kong bigla siyang hapitin ng babaeng nakasunod lang sakanya sabay lingkis sa mga braso ni Sensui. Tss.

"Sensui," tawag ko rito ngunit parang wala siyang narinig.

Pakiramdam ko ay parang may tumutusok sa dibdib ko.

"Sensui," pag uulit ko.

"A-ah? Taguro. Ano nga ulit 'yon? Ah-- tapos na ba ang klase niyo? Pupuntahan kita riyan." Kingina. Bakit ka nauutal? Tss.

Hindi naman ako nasaktan sa ginawa nong babae dahil naiintindihan kong may mga babae talagang normal na ang dumadaloy na kalandian sa sistema nila pero higit na mapanakit pala 'yong makita mo 'yong taong mahal mo na apektado sa panghaharot na 'yon? Kingina. Masakit.

Bumalik ako sa huwisyo nang tawagin ako ulit ni Sensui. "'W-wag na. Magkita nalang tayo mamaya sa bahay. May ipapakita ako sa'yo," palusot ko.

Muli ko siyang sinulyapan. Tipid akong napangiti nang titigan niya si Eerah sa mga mata. Alam ko namang nagtitimpi siyang banggitin ang pangalan ni Eerah dahil kausap niya ako. Tss.

"Sensui," tawag ko ulit dahil hindi na naman siya sumagot. Hindi ko maiwasang pumiyok dahil sa nagbabadyang luha ngunit nagawa ko itong pigilan.

"T-taguro? A-ah sige sige. Hintayin mo then ako ah? May pupuntahan lang ako. Pero susunod ako agad sainyo. I love you--" Ibinaba ko na ang tawag. Hindi ko na kaya. Hindi niya man lang napansing hindi ako okay dahil masyado siyang abala at nagpapaapekto sa panlalandi sakanya ni Eerah.

Gusto kong matawa dahil sa nararamdaman ko. Dahil sa nangyayari sa akin. Kinatatakutan ako pero isang Deib Lohr Enrile lang pala ang makakapagpatiklop sa akin. Kingina.

Muli kong sinulyapan si Sensui na ngayon ay kausap na si Eerah bago ako tumalikod at naglakad palayo.

Wala ka ba talagang balak alisin ang braso mo mula sa pagkakalingkis niya sayo Sensui? Kingina.

Pinahid ko ang aking mga luha. Biglang tumunog ang aking cellphone at sinagot ko naman ito agad ngunit hindi na ako nag abalang tingnan kung sino ang tumawag.

"Pein," mula sa kabilang linya.

"R-randall?" muli akong pumiyok.

"Itatanong ko lang sana kung nasa inyo ba si Maxwell. Hindi sumasagot ang mokong e."

"Mm. 'Di ko alam e. 'Di pa ako nakakauwi."

"Sige salamat-- umiiyak ka ba?" may pag aalalang tanong niya.

Napakatraydor ng mga luha ko dahil imbes na tumigil ay parang mas lalo lang silang nag unahan nang dahil sa tanong ni Randall. Nahirapan akong sumagot dahil sinubukan ko paring 'wag ipahalata pero mukhang nabigo ako. Tss.

"Nasaan ka?"

"Pein? Nasaan ka?"

"School," tipid kong sagot kasabay ng pagsinghot. Kingina. Sinusubukan ko ngang itago pero ba't ganito?
Biglang tumahimik ang kabilang linya.

"Randall?"

"Nagddrive na ako papunta diyanm Hintayin mo ako susunduin kita at sabihin mo sa'kin kung anong nangyari."
Sasagot na sana ako pero bigla niya itong pinatay kaya wala na akong nagawa.

Sensui. Happy Anniversary.

Sad truth: Attracted talaga si Sensui kay Eerah. Hays. -OP

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon