028

118 4 0
                                    

Deib Lohr's Birthday surprise.

03.18.20 Wednesday 11:30 PM

"Pambihira naman Taguro! Parang hindi ka masaya. Sabihin mo nga? Hindi ka ba natuwa sa surprise ko sayo? *ngumuso* Hindi ka man lang naexcite dapat nga magpapicture ka para remembrance. Oh hawakan mo 'to at kukuhanan kita ng picture. Tch! Anak ng! Ngumiti ka naman Babe. One, two, three-- ang ganda." 

Sensui,

Tss. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw Sensui. Maaaring hindi ko maipakita ng husto pero masayang masaya ako. Ganito na ako e. Bawas angas pero kingina kinikilig ako. Tss. Alam mo 'yon? Tingin ng lahat sa'kin ay napakalakas ko pero pagdating sa'yo ay nagiging marupok ako. Ano bang ginawa mo sa'kin Sensui? 'Yong mga ipinaramdam at ipinakita mo, lahat ng 'yon ay first time. Sinanay mo ako sa ganyan kaya nanibago ako nang ilang araw mo akong hindi iniimikan kingina. Ni wala akong ideya kung ano bang nagawa ko at bakit laging mainit ang ulo mo sa'kin bago sumapit 'tong birthday ko tapos ay sasabihin mong prank lang ang lahat? Tss. Ang sarap niyong pag untugin ni Naih. Kingina. Sino ba ang nagpauso na awayin ang birthday celebrant bago magbirthday? Tss. Muntik mo na akong mapaiyak-- ulit. Pero pinaiyak mo nga ako ngayon sa labis na kasiyahan. 'Wag kang ngumiti. Nagmumukha ka na namang Joker. Tss. Ito lang tatandaan mo Sensui. Mahal na mahal kita, kayo ni Spaun. Maaaring hindi ko maipakita dahil hindi ako ganoong tipo ng tao pero tandaan mo na mas importante parin ang nararamdaman. Tatanungin kita, hindi mo ba talaga ramdam? Tss. Oh kalma lang. Siguradong kilig na kilig ka na riyan. Ang mga puso mo baka kung saan na naman magsiliparan at masabit e di natapyasan? Tss. Diba Babe? *ngumisi*

Nagmamahal,

Taguro

Taguro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon