034

167 4 0
                                    

Fan Service [3/3]: POV with Jacob Lee (Character from the story MHIAMB) with his given plot.

Maxpein's POV

"Sensui," tawag ko rito ngunit hindi niya na naman ako inimikan.

Kanina ko pa siya tinatawag ngunit parang wala siyang naririnig. Kung hindi buntong hininga ay "Tch!" ang nakukuha kong sagot. Tss.

"Sensui," muling tawag ko.

Ngayon naman ay iniiwas niya ang tingin.

"Sensui."

"Tch!"

"Kingina ano bang problema mo? Tss." Hindi ko maintindihan kung ba't siya nagkakaganyan. Wala akong maalalang ginawa ko para sumpungin siya ng pagiging topakin. Tss.

"Wow! Ikaw na nga 'tong may lalake ikaw pa ang galit? Pambihira ka talaga Taguro. *ngumuso* Sinasaktan mo nalang lagi ang mga puso ko. Hindi mo ba nakikitang ang lungkot lungkot nila ngayon? *ngumuso* Ha! Ipagpapalit mo na nga lang ako sa mukhang Buko Juice pa? Mas gwapo naman ako do'n Taguro. At anong ipapalamon niya sa'yo Buko Juice? Tch!" mahabang maktol niya.

Ah. Nagseselos.

Naitikom ko ang bibig para pigilan ang tawa na kanina pa gustong kumawala. Kingina.

"Sensui tingnan mo nga kasi ako," natatawang sambit ko kaya agad siyang napalingon sa'kin.

"Tch! Ano? Anong tinatawa tawa mo riyan Taguro? Akala mo naman madadaan mo 'ko sa paganyan ganyan mo? Ha?!"

"Talaga? Nagpapasuyo ka ba Sensui? Tinatamad ako e. Tss." Napangisi ako nang makitang magsalubong ang kanyang kilay. Pfft.

"Anak ng! Napakasama talaga ng ugali mo Taguro! Sabagay kailan mo ba ako sinuyo ha? *ngumuso* hindi mo ako mahal Babe. Hindi mo ako mahal! Nagsisimula ng maglaho 'yong mga puso kong madalas mong pinapasayaw dahil sa hinayupak na lalake mong 'yan! Sabihin mong hindi mo ako pinagpalit Babe. Sabihin mo! Tch."

Kingina. Imbes na ako ang mang aasar ay ako ang naaasar.

"Hindi ko nga lalake 'yon. Kingina. Hindi ko sila kilala. Nagkabanggaan lang kami--"

"Wow! Diyan nagsisimula ang mga love story Taguro. Sa banggaan tapos magiging magkaibigan tapos ano ha?! Tapos maglalandian kayo? Hindi pwede!"

"Ang lakas talaga ng imagination mo e kung tutuusin kasalanan mo naman 'yon. Tss." Napaisip siya sa sinabi ko.

"Paano ko naging kasalanan 'yong panlalalake mo ha Taguro? Tch! Isisisi mo pa sa'kin. Grabe naman 'yan Babe. *ngumuso* Gustong gusto mo talagang saktan ang mga puso ko no? Wala kang awa Taguro! *ngumuso*"

Kinginang puso 'yan. Hanggang ngayon hindi ko parin nakikita tuwing sinasabi niyang nagsisilitawan. Tss.

"Ikaw lang naman nananakit sa sarili mo. Nagkabanggaan kami kanina matapos mong tumawag habang nagbabasa ako ng mga text mo at siya naman mukhang busy sa juice niya. Tss." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya mula sa pagkaasar ay parang may napagtanto ito.

Inihinto niya ang sasakyan sa isang tabi.

"Taguro *ngumuso*"

Napangisi ako.

"Ano? Tss. Tinatamad ako sabi manuyo."

"Tch! Malay ko bang ganon pala. Bakit hindi mo sinabi agad ha Babe? *ngumuso* Sorry na. I love you. Yiiieee! Masaya na ulit ang mga puso ko. Bwahahaha! Wala kang ibang lalake Taguro? Wala talaga? Hahahaha. Sabagay patay na patay ka nga pala sa'kin. Gwapong Deib Lohr Enrile ba naman? Anak ng!"

"Tss. Ang daldal. Kanina ko pa sinasabi sadyang 'di mo lang iniintindi. Kingina. Oh ayos na?"

"Hindi parin. Hindi mo pa ako sinusuyo Taguro. *ngumuso* Kailan ka ba magkakaroon ng sweetness sa katawan? Tch!"

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon