014

168 5 0
                                    

[Imperium's Thursday Activity: Mystery/Thriller POV]

Maxpein's POV

"Taguro," nakangusong pangungulit ni Sensui.

"Ayoko sabi."

"Sige na kasi Babe. Tch!"

"Sinabi ng ayoko. Tss."

Kanina pa niya ako kinukulit na samahan siya sa bagong proyektong ibinigay sakanya. Kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga liblib na bayan sa lugar ng Capiz na sinisimulan ng patauyan ng mga gusali ang hahawakan niya. Sobrang layo non. Tss.

"Ngayon na nga lang tayo magsosolo ulit e. Tch!"
Seryoso ko siyang tiningnan matapos niyang sabihin 'yon na agad niya namang nalusutan. Kingina.

"A-ang ibig kong s-sabihin e hindi mo man lang ba ako sasamahan? Napakalayo non Taguro. Mababaliw ako 'pag walang kausap. Tch! Sinasaktan mo ang puso ko."

Hindi naman sa ayaw ko siyang samahan. Iniisip ko lang si Maxspaun dahil walang mag aalaga sakanya at hindi siya sanay na wala kami lalo na ako. Alangan namang isama namin siya? Kawawa naman siya sa byahe. Tss.

"Walang mag aalaga kay Spaun Sensui--"

"I can take care of him Pein," singit ni Maxwell sa usapan.

Seryoso ko siyang tinitigan kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Wae? What's with that look Pein?" Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagsuri sakanya.

Napahalakhak siya. "I'm serious. You don't trust me? You can go with Enrile I can take good care of my nephew. And besides meron naman sila Mom and Dad and tita Heurt."

"Yown! Thanks bayaw. Hahaha!"

"That's not free. Tsh. Pupunta tayo ng Palawan pagbalik niyo at titignan mo kung ano pang aayusin sa hospital."

"Sure bayaw. 'Yon lang naman pala e. Hehe."

Nginisihan ako ni Maxwell na tila ba nang aasar. "Take your time Princess."

Tss.

Bumaling si Sensui sa'kin at saka kumindat. "Excited na ako sa date natin Taguro. Pakiramdam ko ay buhay na buhay at lulukso lukso ang mga puso ko ngayon. Pakshet!"

"Trabaho. Trabaho ang aatupagin mo don Sensui hindi date. Kingina."

"Ang lakas mo talagang mambasag trip Taguro umoo ka na nga lang! Tch!"

Napabuntong hininga na lamang ako. Ano bang nakain mo Maxwell? Tss.

---

Inilibot ko ang paningin dito sa daungan. Naagaw ang aking pansin ng isang barkong medyo may kalakihan at kalumaan na rin. Mukhang ito ang sasakyan namin papunta sa kabilang isla.

"Babe oh," sabay abot sa'kin ng isang malaking plastic na puno ng mga pagkain at inumin.

"Ano 'to?" kunot noo kong tanong.

"Mga pagkain at inumin Taguro."

"Tss. Alam ko. Eh bakit ang dami? Binili mo na ata ang buong grocery store ah," napapangiwi kong saad.

May mga bagahe na nga kami dadagdag pa ito. Tss.

"Ilang araw tayo don Taguro. Wala namang pagbibilhan ng mga pagkain don gaya rito sa siyudad. At kung meron man siguradong malayo at baka sa kabilang bayan pa. Kunin mo na nga lang. Ang dami pang reklamo e. Tch!"

Hindi nalang ako umimik at naglakad nalang papunta ng barko. Hindi ko sigurado kung ilang araw ang byahe bago makarating doon at limang araw naman kaming mananatili doon. Tss.

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon