009

182 4 0
                                    

Maxpein's POV

"Taguro Brothers!" Agad kaming napahinto ni Naih nang may marinig na sumigaw. Ramdam ko ang mabibigat nitong yabag sa aming likuran.

"Choco--" Nabigla ako nang salubungin ako ng mag asawang sapak. Pakiramdam ko ay umikot ang paningin ko dahil sa lakas ng pagkakadapo nito sa mukha ko.

"Hahahaha! Talagang tanggap niyong kayo ang Taguro Brothers ah. Mga wala talaga kayong kwenta--" tuwang tuwa na sambit niya.

"Bakit mo ako sinapak?" kalmadong tanong ko sakanya.

"Wala gusto ko lang. Hahaha! Bakit may angal ka ba Taguro?" nakangising sagot nito.

"Wow ha e kung ikaw kaya ang sapakin na wala namang ginagawa ha Choco hindi ka aangal? Pasalamat ka hindi ka pinapatulan e ganyan na nga mukha mo sasapakin ka pa? Stop me!"

"Zarnaih," awat ko rito para tumahimik. Umirap lang ito at sinamaan ng tingin si Choco.

"Whatever. Tara na nga Max nastress ang beauty ko sa mukhang damulag na ito."

Hindi ko pinansin si Naih at ibinalik ko kay Choco ang paningin. "Isang tanong isang sagot. Bakit mo ako sinapak?" Imbes na sagutin ay humalakhak lang ito.

"Hahahahaha! Bakit masakit ba Taguro-- Tangina!" Hindi ko siya pinatapos nang bigla ko siyang sinapak sa kaliwang bahagi ng mukha.

"Tangina mo Maxpein! Bakit mo ako sinapak ha?!"

"Nagtanong ka kung masakit diba? Ayan namnamin mo. Tss. Isang bahagi pa lang 'yan Choco, partida." Nginisihan ko siya.

"Ang dami mong satsat hambog!"

"Tss. Talent e." Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao na nagbabadyang umatake.

Humakbang ako palapit sakanya ngunit umatras siya. Hindi ko mapigilang mapangisi. "M-may araw din kayo!" sambit niya bago kumaripas ng takbo palayo.

"Psh! Ang lakas ng loob 'pag ang dami dami nila e duwag naman pala 'pag pinatulan. Tara na nga Max! Sa susunod sapakin mo rin sa kabila para pantay. Pangit na nga mad-deform pa. Stop me!"

"Mm. Ang daldal. Tara na nga." Problema ko pa hospital bills non 'pag nacomatose. Kingina.

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon