005

330 9 0
                                    

Personality Swap (What if Maxpein has Deib Lohr's personality?)

Maxpein's POV

"Sensuiii! Totoo? Hahahaha!" Pakiramdam ko ay nagsisilabasan ang mga puso at nagkalat sa kung saan saan dahil sa narinig kong sagot ni Sensui.

"Oo nga. Tss." Bwahahaha! Kita niyo 'yan? Patay na patay talaga si Babe sa kagandahan ko. Anak ng!

"Totoo nga? Baka binibiro mo lang ako Sensui--"

"Wag na nga. Umuwi na tayo pagkatapos ng klase. Tss."

"Sensui hindi mo na ako mahal. *ngumuso* Pinipira piraso mo ang puso ko. Dinudurog mo ng pino at--"

"Kingina Taguro naman. Oo na nga diba? Wag ka ng makulit at kumain ka nalang diyan. Tss." Kumagat siya sa kanyang chicken sandwich kaya ganon din ako. Sino pa nga bang bumili? Eh di siya. Pakshet kinikilig ako! Hahahaha.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko at nakapangalumbaba kong tinitigan si Sensui habang kumakain.

^___^ - ako

-___- - Sensui

"Nga pala. Hintayin mo nalang ako mamaya sa labas ng classroom niyo Taguro. Pupuntahan kita pagkatapos ng klase ko."

Sapakin ako ngayon na!

Anak ng! Ang ganda mo Maxpein. Isang Deib Lohr Enrile ang patay na patay sayo. Bwahahaha!

"Sure Babybabe. Masyado mo naman akong nam-miss. Kinikiliti mo na naman ang puso ko. Hahahaha!"

"Tss. Tara na."

"Woi aba teka naman Sensui--"

Tumayo ito at iniwan niya ako. *ngumuso* ang mga puso kooo unti unting nawawasak. Napakasama ng ugali mo Sensui! Tch!

"Aba. Kita mo nga naman mukhang sinuswerte tayo ah?" nakangising salubong sa amin ni Choco at ng dalawa niyang pangit na alipores.

"Paraanin niyo kami," kalmadong saad ni Sensui.

"Hahaha e paano kung ayaw namin? Ha? Mayabang ka Deib Lohr porket apo ka ng principal?" ngumisi ulit ito. Aba! 'Wag niyo inaano si Babe ko ha? Teka nga.

Lumapit ako sa mismong harap ni Choco.
"Woi Choco! Puro nalang ba away ang alam niyo ha? Di ba kayo nagsasawa--"

"Pakialamera ka Maxpein. Oh baka gusto mong madamay?" nginisihan niya ako.

Naramdaman kong may humablot sa braso ko dahilan para matumba ako ngunit naramdaman kong parang tumama ang likod ko sa pader.

"Tss. Sa likod ka lang." Pakshet! Si Sensui pala. Omo! Dibdib ni Sensui yon? Sinalo niya ba ako? Andwae!

"Ano pang ginagawa mo? Sa likod sabi. Tss." Natulala ako e. Anak ng!

"Wag na wag kang magkakamali Choco." Blangko ang ekspresyon nito. Galit ba siya? Unti unting nagsisiwalaan ang mga puso sa paligid dahil wala sa mood ang Babe ko. >>_<<

Nagulat ako nang hawakan ni Sensui ang kamay ko at nagpaunang maglakad kaya sumunod nalang ako. Hahahaha! Pakshet! Hinolding hands ako ni Sensui sa maraming tao. Kinikilig ako. Bwahaha!

"Teka bastos kayo ha kinakausap pa namin kayo." Lalagpasan na sana namin si Choco nang bigla niya akong hawakan sa braso dahilan para mapatigil ako pati na rin si Sensui.

"Bitawan mo siya at pag lumingon ako at nakita kong hawak mo pa yan ay makakatikim ka sakin Choco," seryosong saad ni Sensui. Bakit parang kinakabahan ata ako?

"Talaga ba? Masubukan nga. Akala mo takot ako sayo Deib Lohr? Hahaha-- argh! Tangina mo Deib Lohr!" Nagulat ako nang biglang sapakin ni Sensui si Choco paglingon niya. Tinignan ko ito ngunit kalmado lang ito na parang walang nangyari. Bumaling siya sa dalawang kasama ni Choco na tila maiihi na sa pants dahil sa mga nanlalaki nilang mata.

Mukha silang nakakita ng multo. Hahaha!

Naglakad palapit si Sensui sa dalawa ngunit umatras ang mga ito bago tuluyang tumakbo. Hahaha!

"H-hoy teka antayin niyo ako!" Nanghihinang tumayo si Choco at saka kumaripas din ng takbo sunod sa dalawa.

"Ang galing mo Babe! I love you!" tuwang tuwang sambit ko.

"Tss. Tara na."

"Wala ka talagang kasweet sweet sa katawan Sensui. *ngumuso* I love you sabi ko."

"Too."

"Ha? Anong Too ha Sensui? Anong Too? Tch!"

"Too. Tss."

"Anak ng! Matuto kang sumagot pag nilalambing kita Sensui. Tch!" Itong lalaking 'to talaga.

"Ang daldal mo. Dalian mo mal-late na tayo. Tss." Eh kung sumagot nalang kasi siya e di sana hindi nasasaktan ang puso ko ngayon. *ngumuso*

"I love you Babybabe. *ngumuso*"

"Mm. I love you too. Tss. Tara na." Sabay hatak niya ulit sa kamay ko.

Ang mga puso koooo!

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon