032

120 4 0
                                    

Siyempre hindi mawawala ang sanctions. Medyo pasaway akong roleplayer ni Maxpein so late ako sa activities. Pfft. I was given a sanc to do three Fan Service at puro siya POV with someone with their given plot of course at lahat ata ng characters galing sa story na MHIAMB so ginawa ko na siyang Series. Ahaha.

Fan Service [1/3]: POV with a Kaize Lamperouge roleplayer (Character from the story MHIAMB) with his given plot.

Maxpein's POV

"#143 Saging St., Brgy. Banana, Quezon City, eto na nga 'yon." Mabilis na bumaba si Sensui sa driver's seat para pagbuksan ako ng pinto.

"Sigurado ka bang dito?" tanong ko kay Sensui habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng bahay.

"'Yon ang nakalagay sa sinabing address Babe e. Wala ka bang tiwala sa'kin Taguro? Tch. Sigurado."
Muling naglakbay ang paningin ko sa buong kabahayan.

Medyo may kalakihan ito. Malawak din ang bakuran at kapansin pansin ang hardin na mas lalong nagpaganda sa kabuuan ng bahay. Sa kaliwang bahagi ay tatlong kotse na may iba't ibang modelo at kulay ang nakaparada. 

"Tara na nga Babe. Para makauwi tayo agad. Namimiss ko si Spaun e." Hinawakan niya ang kamay ko at saka nagpaunang lumakad. Nakasunod lang ako.

Pinindot ni Sensui ang doorbell ngunit nakalimang beses na 'to ay wala parin kaming nakikitang lumalabas. Tss.

Nilingon niya ako. "Ah Babe antay pa tayo ng ilang minuto pwede? I love you. Hehe." Hindi ako sumagot.

Hindi ko ba alam kung ba't sumama sama pa 'ko rito. Tss.

Muli niyang pinindot ang doorbell pero wala paring lumalabas.

"Kingina. Uuwi na ako Sensui. Tss."

"Babe bukas 'yong gate," aniya saka tuluyang binuksan ito.
Naglakad ako papasok at nakasunod naman si Sensui.

"Taguro!" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kaldero na 'yon na kung hindi ako mabilis na nahatak ni Sensui palapit sakanya ay siguradong sa mukha ko ito tatama. Kingina.

"Ayos ka lang?" nag aalalang aniya.

"Hala sige layas! Sino may sabing pwede kang pumasok dito sa bahay unggoy ka?! Doon ka na tumira sa bar kasama ng mga babaeng 'yon at 'wag ka ng babalik!"

"Wengya Babylabs hayaan mo munang makapagpaliwanag ang gwapo. Si Baby Lerwick kasi-- Babylabs!"

"Anak ng!"

Si Sensui naman ang nakailag matapos niyang muntik tamaan ng lumilipad na kaserola. Tss.

Maswerte silang hindi tinamaan si Sensui dahil pinakaayoko sa lahat ay 'yong may sumisira sa nagiisang patakaran ko. Kingina.

"Mawalang galang na pero wala kaming balak panoorin 'yang pagpapatayan niyo. Baka pwedeng mamaya niyo nalang ituloy 'yan? Nasasayang ang oras namin. Tss." Awtomatikong natuon sa'min ang atensyon nila.

Kakamot kamot sa ulong lumapit sa amin 'yong lalake.
"Wengya Engr. Enrile kanina pa kayo riyan?"

"Ah medyo kadarating lang namin. Hehe."

"Pasensya na kayo kay Babylabs mainit na naman ang ulo e. Kaizer Maxwell Lamperouge nga pala. Ang pinagmulan ng salitang kagwapuhan. Wengya."

Napakunot noo ako at napapangiwing pinapanood siya habang nakalahad ang kamay kay Sensui. Binalingan ko si Sensui na hilaw na nakangiti. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa naiisip kong isasagot nito.

"Deib Lohr Enrile nga pala. Kakambal ng salitang kagwapuhan. Hahahaha." Just like I've thought. Tss.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay.

Nagkalat din pala ang mga kalahi ni Sensui. Mga taong ipinaglihi ata sa hangin. Nahiya naman ang hambog. Tss.

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon