033

117 3 0
                                    

Fan Service [2/3]: POV with Shaun Birkins (Character from the story MHIAMB) with his given plot.

Maxpein's POV

"Mm. Pauwi na kami Mommy. Badtrip e! Tch. Ah? Opo. Mamaya ko na ikkwento. Siyempre kasama ko si Taguro. 'Yon lang ba Mom? Sige. Loveyou too Mom."
Tahimik lang akong nakasandal sa upuan habang pinagmamasdan si Sensui. Dahil may kausap sa cellphone ay binagalan niya ang pagmamaneho ng kotse.

"Si mommy Lacey," tipid niyang saad habang nakataas ang kamay at pinakita ang screen.

Alam ko. Mommy nga diba? Alangan namang si Heurt. Tss.

"Mm. Anong sabi?" tipid na tanong ko.

"Nagpapabili ng diapers ni Spaun. Paubos na raw. Nagugutom ka na ba Babe? Pasensya ka na ha? Nadamay ka pa tuloy. Hindi ko naman alam na mapanakit pala ng mga puso 'yong Mr. Lamperouge na 'yon. Palibhasa 'yong sakanya laging napipisak ng mga nagliliparang kaserola at kaldero idagdag mo na 'yong palayok. Tch! Kawawang puso." Nagpigil ako ng tawa habang pinagmamasdan lang siyang magsabi ng hinaing habang nakanguso. Talagang masama parin ang loob niya. Tss.

Sensui Sensui Sensui. Tsk.

"Mm. Ayos lang ako Sensui. Ikaw ang kumusta. 'Wag ka na maasar tapos na 'yon. Sinisira mo lang mood mo."

"Mood? Tch! Sirang sira na nga ang araw ko Taguro. Umagang umaga. Dahil sa Lamperouge na 'yon e mas gwapo naman ako! Tch."

"Tss."

"Ah pero-- nandiyan ka naman Babe kaya ayos na ako. Pakshet! Kinikilig na naman ako Taguro. Nagsisimula na namang magsilitawan ang mga puso. Hahahahaha. Kinikiliti mo sila. I love you Babe. Yiieee! Kiss mo nga ako?" Hinawakan niya ng mahigpit ang kaliwang kamay ko kaya isang kamay lang ang gamit niyang pangmaneho sa ngayon. Kingina.

"Mm."

"Anong Mm? Anong Mm ha Taguro? Mapanakit ka na rin ba ng puso ha Babe? *pout* Bakit ba wala ka paring sweetness sa katawan e lagi naman kitang pinapakain ng chocolates hugis puso pa naman ang mga 'yon. Bwahahaha! Kiss ko na Babe--"

"Nandito na tayo."

Tss. Ang daldal. Kingina.

"Panira ka talaga ng moment. Tch! Alam ko Taguro. Baka hindi ako ang driver?" Pilosopo. Tss. Nagmadali siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto.

"Ah Ser. Bawal magpark dito. Doon nalang po sa kabilang parking area. Salamat ho." Sinamaan lang siya ng tingin ni Sensui.

"Anak ng! Eh bakit kasi wala man lang signage dito? Nagmamadali kaming umuwi manong. Ano ba yan?! Tch!"

"Eh pasensya na ho Ser sumusunod lang ho sa utos." Hindi na siya pinansin ni Sensui ulit at humarap nalang sa'kin.

"Mauna ka na Babe para mabilis tayo. Hinahanap na raw kasi tayo ni Maxspaun sabi ni Mommy e. Susunod ako agad. Medyo malayo pa kasi 'yong parking area e. Nakakainis naman! Tch." Tinanguan ko lang ito. Mabilis siyang nagdrive palayo.

Nakakailang hakbang palang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tss.

"Mm Sensui. May problema ba?" bungad ko.

[Wala naman. Miss kita agad Babe. Hehe.]

"Tss. Dalian mo na magpark diyan akala ko ba nagmamadali ka?"

[Oo nga. Sige na. Antayin mo ako ah? I love you Ta--]

"I love you too. Bye." Pinatay ko ang tawag at noon ko lang napansin ang sunod sunod niyang text messages. Tss.
Binilisan kong maglakad habang binabasa ang humigit kumulang benteng text messages galing sakanya. Tss.

He's Into Her Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon