12

16 2 0
                                    

Narinig ko ang mga salita na lumalabas sa bibig ni Timothee at Forsythe habang si Alex naman ay nakikinig lamang sa kanila.

Pinanood ko ang pag-iling ng ulo ni Alex sa bawat bigkas ng mga salita ni Timothee kung sino ang pwede niyang gawing Alexandria sa buhay niya. Minsan naman ay tumatawa siya dahil sa mga suggestion ni Tim. Ang kambal ko naman ay sumasali sa pag-suggest din.

Ako. Ako ay nanahimik lang sa tabi nila at kumakain ng fruits ko ngayong recess. I had some grapes and same strawberries too. While my drink was a banana shake. Ako ang gumawa ng lahat ng 'yan kaninang umaga kasi nga ay maaga akong nagising. Well, 'yung shake lang 'yung ginawa ko.

"Okay lang 'yan tol. First rejection lang 'yun. There are a lot of oceans in the fish," sabi ni Timothee kay Alex sabay tapik sa likod niya.

Napataas naman ang kilay ko. Ano raw? "A lot of oceans in the fish?" Tanong ko kay Timothee na ang mga mata ay nasa akin ngayon. Tinango niya ang ulo niya para bang sure talaga siya sa sagot niya sa akin. Iniling ko ang ulo ko sa kaniya bilang sagot. "The saying goes like there's a lot of fish in the ocean. " I corrected him sa mali niya.

Inikot niya lang ang mga mata niya sa akin dahil sa pagtama ko sa mali niya. Ako naman ay nalalglag ang mga panga ko. Never niya akong inirapan... What if I will revoke his friendship card to me?

Inikot ko rin ang mata niya. Hindi ko na masyadong inisip na hindi niya 'yun nakita. Bahala siya riyan. Nagpatuloy na lamang ako sa pakikinig sa sinasabi ng mga kaibigan ko kay Alex—na nakatanggap ng unang rejection niya sa isang babae—na pilit nilang pinapasaya. Feel ko nga, mas lalo siyang nagiging malungkot dahil kung ano-ano ang mga sinasabi ng mga 'to sa kaniya.

I just sat there in the background. Para akong anino nilang tatlo habang sinusundan sila sa init ng araw. Except that I had ears at naririnig ko ang mga opinyon nila. Ang mainit din na araw ay ang paraan ng pagkakasabi nilang dalawa—Timothee at Forsythe—sa mga babae. I see a lot of wrongs.  There are a lot of obtrusive things and upbraid in here. Grabe naman 'yan. Boys will be boys talaga.

"Ayaw mo ba siya? Maganda naman siya Alex 'o," sabi ni Timothee habang pinapakita ang picture ng isang babae sa phone niya. He was swindling Alex at the moment.

Hindi ako lumapit sa kanila para tignan kung ano o sino ang babae na 'yun. I just sat the under the shade of the umbrella and the sun barely touching my skin. Kumain lang ako nang kumain like my food was something that the gods created just for me.

Nang matapos na ako kumain ay pinagpag ko na ang kamay ko sa isa ko ring kamay. Nilagay ko na rin sa gilid ang mga basura ko para itapon mamaya kapag aalis na kami. Tinaas ko ang kilay ko sa kanilang tatlo. Kay Alex na tahimik lang at gusto na atang tumakbo mula sa mga salita nilang dalawa, si Timothee na pilit pasayahin si Alex at si Forsythe na naging wingman naman ni Timothee.

"Look," sabi ko at naputol ko ng 'di sinasadya si Timothee. Wala naman kasi akong kaalam-alam na magsasalita pala siya. Pero kahit na ganun, hinayaan niya pa rin ako. Hindi na siya nagsalita muli. "If you want to cheer up Alex, hindi naman sana sa ganiyang way. Kakatapos niya lang sa first rejection niya. Gusto mo ba talaga na pasayahin siya sa pagpapakita ng ibang babae? Hmm? Paano kung 'yan din ang maging dahilan kung bakit siya makaranas ng panibagong rejection?"

Tinanong ko silang dalawa. Si Timothee ay nagbaba ng tingin habang si Forsythe naman ay uminom sa drink niya na binili niya sa may canteen.

I continued the broach we are talking about. "'Tsaka give Alexandria some time. Baka naman na-overwhelm lang siya sa lahat ng bagay kaya na-reject niya si Alex. Rejection is a part of life. At... gusto niyo rin ba na mararamdaman ni Alexandria na feel niya hindi sincere 'yung pagkakagusto ni Alex sa kaniya?" I asked them again and peddled those words into their mind.

Agape Me, DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon