26

6 1 0
                                    

Tinignan ko ang ballpen ko na nasa kamay ko. Tapos ay tinignan ko ang tao na nasa tabi ko pagkatapos ko mag-iwas ng tingin. Tinaas ko ang isa kong kilay tapos ay binalik ko ang ballpen ko sa loob ng bag ko.

I stretched my hand towards the person who was beside me. Dahan-dahan kong tinapik ang balikat niya dahil sa takot na baka ako ay tignan niya gamit ang mgha matutulis niyang tingin at ang buong ako ay magkakaroon ng butas kung saan tutulo ang dugo.

Nang umikot ang buong katwan niya para sa akin at ang asul niyang mata pati na rin ang maitim kong mata ay nagsalubong, umusbong ang isang kurba sa labi ko na pilit inaabot ang tenga ko. Napataas din ang kilay ko dahil sa sobrang kagandahan ng tao na nasa harap ko at kung paano nahuhulog ang mga kulot niyang buhok sa ibang parte ng mukha niya at sa ulo niya. I was being galling and bumptious at him again.

"Ano, Forsythia?" Tanong niya sa akin. Pakiramdam ko ay bagay ang pangalan ko sa boses niya. My name sounds like a expensive wine but when it's wrapped around his baritone voice, it becomes luxurious like it was made from the finest winery. It was a mellifluous sound that comea out at the top of the  whispers and lectures. 

"Pahiram ng ballpen mo," sabi ko sa kaniya. 

Siya naman ang nagtaas ng kilay sa akin ngayon. Tinagilid niya rin ang ulo niya sa akin pakaliwa. "Limang ballpen ko na ata ang nasa 'yo. Sa lima na 'yun, ni isa, wala akong natanggap pabalik sa'yo." Ang boses niya ay tila ba nanay na nanenermon sa isang anak niya dahil nakalimutan nito ang lunch box niya sa school. Sobrang bilis niya rin magsalita, no incertude and full of incisiveness.

Ang sagot ko lang sa kaniya ay isang dilat at bukas na mata. Nagiwas naman ako ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi niya sa akin. Tumalikod din ako sa kaniya tapos ay binuksan ko ang bag ko. Hinanap ko kung saan ang nilalagyan ko ng ballpen. Nilabas ko ito tapos ay hinanap ko ang ballpen na hiniram ko sa kaniya. Madali lang naman alamin kung ano ang limang ballpen na hiniram ko sa kaniya kasi iisa lang ang brand ng pen niya. HBW.

Hinarap ko ulit ang katawan at mukha ko sa kaniya. Ang mga labi ko ay mayroon pa rin ang mga ngiti na ang dahilan ay siya. Nang magkaharap na kaming dalawa, nilahad ko ang mga ballpen niya na nasa palad ko.

Ang nawala kong tinaas na kilay ay bumalik ulit. "Ngayon, pwede ko na bang mahiram 'yung ballpen mo ngayon?" Tanong ko sa kaniya. I was not being rile towards me, I was just doing what he asks.

Kinuha niya isa-isa sa palad ko ang ballpen niya. Ang mga daliri niya ay nahahawakan ang init na nasa palad ko at ang puso ko ay sumisigaw sa akin paulit-ulit habang nararamdaman ko ang haplos ng daliri niya. His fingers feels like cotton on a wound. My palms are the wounds that needed his touch to close the open and his cotton like fingers came rushing in to save me from being a cadaver in the ocean.

Kinuha niya na ang lima niyang ballpen tapos ay napatingin siya sa akin na tila ba ako ay isang tao na galing sa isang 'di normal na planeta. Hanggang sa maramdaman ko na lamang na  ang ballpen niya ay nasa kamay ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at napunta na ito ngayon sa bagay na nasa palad ko. Sobrang init pa, halatang kakagaling lang sa kaniya. 

"Teka lang Brianne!" Sigaw ko sa kaniya habang dahan-dahan at iniingatan kong ilagay ang mga libro ko sa bag ko. 

"Hindi nga kita hihintayin Forsythia!" Sigaw niya sa akin pabalik at rinig ko na ang mga hakbang niya na lumalayo sa akin. 

Natapos ko na rin ilagay ang mga gamit ko sa bag ko. Nilagay ko ang straps ko sa balikat ko tapos ay tumakbo papunta kay Brianne. Nakisiksikan na rin ako sa mga tao na naglalakad din si hallway. May nababangga na ako na tao kaya naman sorry ako nang sorry sa lahat. Halos ay madapa na rin ako habang sinusundan ko ang buhok na tumatalbog sa bawat lakad niya. Hanggang sa nalaman ko na lamang na hindi ko siya makita kahit anong pagtaas ng leeg ang gawin ko. My lithe walking was gone as I try to instigate to him.

Agape Me, DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon