35

9 1 0
                                    

"Kape o tubig?" Tanong sa akin ni Forsythe habang ang kotse na ay nasa labas ng isang 7/11.

Tumawa naman ako sa kaniya sabay sabing, "beer na lang,"  at pinunasan ko ang mga luha na hindi pa matigil simula kanina nung umalis kami sa harap ng cafe na 'yun.

Nakita ko ang pag-iling ng ulo niya sa akin sa mga mata ko na ang linaw ay hindi ko makita. Narinig ko ang pagbaba niya sa kotse niya kaya sumunod naman ako sa kaniya.

Habang naglalakad ay hindi ko makita ang dinadaanan ko kaya naman ay muntik na ako madapa sa isang bato na nasa harap ko. Rinig ko ang pagsarado ulit ng pinto ng 7/11 at ang tunog ng sapatos na nagmamadaling naglalakad papunta sa akin.

Ramdam ko ang paghawak sa akin ni Forsythe sa braso ko at rinig ko naman ang buntong hininga niya. "Okay ka lang ba? Tutulungan na nga kita makapunta sa isang upuan," sabi niya sa akin at hinawakan niya ako papunta sa loob.

Naiwan ako mag-isa roon. Nilagay ko ang braso ko sa may braso tapos ay ginawa ko itong unan kahit na wala akong ramdam na kahit anong lambot dito at kung anong comfort.

I haven't had any alcohol in my system—just one glass of champagne—but why do I feel like I've drunk twenty times more of whiskey? My whole world felt like a dizzy place and everything around in my eyes is in swirl. My head aches like a boulder was given to it. Sobrang gulo ng paningin ko at ng mundo ko.

"Oh," sabi ni Forsythe at ramdam ko ang presensiya niya sa tabi ko. Agad naman akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa braso ko tapos ay tumingin sa can na nasa harap ko. May ngiti sa labi ko at ramdam ko ang kasiyahan nito na totoo. "Lassingera ka talaga," ani niya sa akin at alam ko na iniiling niya ang ulo niya sa akin.

Tumawa na lang ako sa sagot niya tapos ay binuksan ko ito. The moment that it fizzes when I opened it made me want to drink more of the beer and to urge to just let it down my throat just became stronger.

Tumingin ako sa katabi ko at nakita ko na umiinom siya ng isang yoghurt drink at strawberry pa. Parang nakikita ko sa kaniya si Anne sa kaniya ngayon. Like looking through a mirror room full of Anne's.

Nilahad ko sa kaniya ang hawak ko na beer. "Gusto mo?" Me, offering it to him.

Iniling niya ang ulo niya sa akin. Ayaw niya 'e 'di 'wag. I shrugged my shoulders at him and tasted the beer ran through my throat. I smiled again because of this. Kung pwede ko lang pakasalan ang beer.

"You and Kuya Sol... hindi talaga kayo big fan ng beer 'no? Bakit kaya?" Ayaw ko ng katahimikan sa kasalukuyan kaya naman ay napagpasyahan kong magsalita.

Kapag kasi tahimik, ang daming pumapasok sa isip ko na para bang alon sa may buhanginan. Minsan malakas ang tama, minsan mahina pero sigurado ka na nakikita mo na ito malayong-malayo sa inyo. You already saw it coming.

Ayaw ko nga pero gusto ng katabi ko. Sinagot niya lang ako ng isang hmm at pagkatapos nun ay may katahimikan na naman. Patuloy lang ako sa pag-inom ng beer ko at siya naman ay patuloy sa pagsipsip niya sa inumin niya na strawberry milk.

"Forsythe," tawag ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Okay lang naman sa akin. "Anong meron kay Anne? Bakit siya biglang nag-sorry sa amin ni Luna?" Tanong ko sa kaniya and I gulped down again.

Tinignan ko siya at natagpuan ko na nakatingin din siya sa akin habang ang noo niya ay nakakunot. Tinaas ko naman ang kilay ko sa kaniya kasi hindi ko alam kung bakit may isang malaking tanong sa mga mata at mukha niya. Hindi niya ba alam?

"Hindi ko 'yan alam. Wala naman siyang sinasabi sa akin tungkol sa mga bagay na ganiyan sa akin these past few days. Actually, pakiramdam ko nga ay may ginagawa siya sa  likod ko ng hindi ko alam 'e," kwento niya sa akin habang ang huli niyang pangungusap ay naging bulong sa dulo.

Agape Me, DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon