19

14 2 1
                                    

Bumaba na ako mula sa sasakyan ni Timothee dahil nandito na kami sa may harap ng gusto naming kainan. Siya ang pumili ng place na ito kasi hinayaan ko naman siya. His first idea of eating sa restaurant, is, I must say, squaint of him. But it's  okay because Tim... has good taste in food.

Nang marinig ko na nakalabas na rin siya mula sa driver's seat, nagsimula na akong humakbang. Ang isang paa nauuna sa isa pa. Kahit na ako ang nanguna, si Tim pa rin ang napunta sa may unahan ng pintuan. He's tall.

Hinawakan niya ang handle ng pinto at binuksan ito para sa akin. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa gesture niya 'yun. Nilahad niya pa ang isa niyang palad papunta sa pintuan habang ang isa naman ay hawak ang polo-shirt niya.

Pumasok na kaming dalawa sa loob. Naglakad ako papunta sa upuan na malapit sa bintana. Narinig ko ang mga hakbang na sumusunod sa akin. Hakbang ni Timothee. Pagkadating ko sa may upuan na gusto ko, umupo rin siya sa harap ko. Hindi siya nag-complain o kung ano. Basta niya lang ako sinundan.

Mamaya-maya ay dumating na rin ang waiter na hawak ang menu. Binigay niya ito sa amin. Kinuha ko ito and I browsed through it habang inaalam kung ano ang gusto ko. Lumipas ang minuto. Pero ang gusto ko ay hindi ko mahanap. I don't know. My mouth just doesn't salivate at all the pictures of the food.

"Ano sa'yo Forsythia?" Tanong sa akin bigla ni Timothee kaya naibaba ko ang hawak ko na menu.

Tiniklop ko na rin ito tapos ay nilagay ko ng dahan-dahan sa may table namin. "Hindi ko alam. Just order foods para sa akin. Kahit ano," sagot ko sa tanong niya. "Basta 'wag lang isda." Dagdag ko at pinaalala ko rin sa kaniya na ayaw ko sa kaniya ng mga fish na dish.

Tinango niya ang ulo niya. Ako naman ay nilagay ko ang isa kong braso sa may table tapos ginawa ko ito bilang head rest. Pinanood ko ang tao na nasa harapan ko habang ang mga labi niya ay may multo ng ngiti—palagi talaga siyang nakangiti—habang ang mga salita at titik ay lumalabas sa bibig niya. Bawat paggalaw niya ay pinanood ko na para bang nanonood ako ng isang interesting na bagay.

Mula sa pagturo niya sa kung anong putahe na nasa menu at ang pagngiti niya muli sa waiter. Ang pagtango ng ulo niya bilang sang-ayon sa kung ano man ang sinasabi ng kausap niya. Pinanood ko kung paano tumalbog ang mga kulot niyang dulo na buhok tuwing ginagawa niya ang bagay na 'yun. Kung paano tatawa rin siya minsan at sumusulyap ang mga mapuputi niyang ngipin. Kung paano ang matangos niyang ilong ay nagagalaw dahil sa pagbuka ng bibig niya at paglabas ng isang mabangis na tawa. He was a person who can quip good and at the same time, does not make himself a fool but with a person with jokes and an ample amount of amplomb.

Ang kalahati mukha niya ay naiilawan ng araw na nasa labas. Habang ang isang kalahati naman ay na inilawan ng mga ilaw na nasa loob nitong restaurant. It was like the rutilant rays was purloined by him because he looks good. While looking at him, I was rapt because hindi ko alam kung saan ang mas gusto ko na ilaw. Mukha naman siyang gwapo kahit saang anggulo. Lahat ng kaibigan ko gwapo. At magaganda.

"Forsythia, alam ko ang tinginan na 'yan. In-love ka na sa akin," sabi niya bigla kaya naman nawala ang mga braso ko sa lamesa pati na rin ang tingin ko sa kaniya.

Sumulyap ako sa labas tapos sa kaniya muli. "Akala ko ba friendly date lang 'to? Bakit bigla tayong napunta sa usapang in-love?" Tanong ko sa kaniya. Magsama sila ng kambal ko. Ang hilig nilang asarin ako at magbato ng kung ano-anong salita. They like to folly around as if it was something their forte towards me.

"Sobrang sungit mo! Hindi ka talaga mabiro!" Bulyaw niya sa akin.

Kinibit ko ang balikat ko sa kaniya bilang sagot. Akala ko ay magkakaroon na ng katahimikan sa pagitan namin. Magkakaroon na ng hangin na naririnig ko. Pero hindi pala. Kasi naman ay nagsalita pa si Tim. At nagsalita hanggang sa hindi na natapos ang litanya niya.

Agape Me, DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon