epilogue

33 1 0
                                    

Forsythia? 'Yun ba ang pangalan nung babae na 'yun? Hindi ko alam. Narinig ko lang naman.

Pinanood ko gamit ang dalawa kong mata ang pagbaba nila sa hagdanan habang ako naman ay hawak ko ang banda ng katawan ko na tinulak niya. Hindi ko nga siya kilala o nakikita kahit saan pero bigla na lang nanunulak. May atraso ba ako sa babae na 'yun? Pwede naman naming pag-usapan kung meron. Simple lang naman akong tao.

"Dude, in-love ka na ata." Tapos ay inakbayan ako ng isa kong kaibigan.

Ang mata ko ay napunta sa kaniya at nagkaroon ng disgusto ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Bugok! Hindi ko type ang masusungit," sabi ko at pumasok sa isip ko na magiging kaming dalawa. Bigla ay nanginig ang buong katawan ko sa kaisipan pa lang na 'yun.

Ang taas ng sikat ng araw at halos sunog na ang balat ko habang nag-ba-bike ako kung saan-saan dito sa amin. Hindi kami mayaman kaya naman wala akong ibang pagpipilian kundi manatili na lamang sa bahay at gamitin ang mga gamit na paglibangan ngayong summer. 'Tsaka andiyan naman ang mga kapatid ko 'e, masaya naman sila kasama palagi.

Tinignan ko ang pangalan ko sa listahan na nasa harap ko ngayon. Napagdesisyunan kong pumunta rito sa paaralan namin para tignan ko kung sino ang mga kaklase ko ngayon. Na-promote pala ako sa gold section? Hindi ko naman aakalain ang bagay na ito. Ganito ba ang pakiramdam kapag masipag ka mag-aral?

Nag-bike ako pauwi sa bahay namin habang ang ngiti ko ay abot ang langit. Umaapaw din ang hindi ko mabilang na saya sa puso ko.

Nilagay ko ang bike sa harap ng bahay namin at agad na pumasok. Ang lahat ng nararamdaman ko ay biglang nawala at napalitan ng bago. Rinig ko na naman ang away nila Mama at Papa tungkol sa pera sa may sala namin. Napahinga na lamang ako ng malalim.

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa tenga ko at ang paa ko ay parang bumigat ng limang milyong beses. Naglakad na lamang ako at nag-isip ng kung ano-ano habang pinupuntahan ko ang kapatid ko sa kwarto namin.

Nang makarating doon ay agad ko silang nakita na nasa gilid. Nilapitan ko sila at nadatnan ko na lamang ang namumula nilang mata kaya naman ay agad kong nilagay ang braso ko sa kanila at pinulupot sila sa isang yakap. Sa bisig ko sila umiyak at hinayaan ko na lang sila.

Naghintay ako ng ilang minuto at baka sakali na hihinto na ang away ng magulang ko. Pero hindi pa rin kasi rinig ko ang sigaw at ang iyak at ang pagsisi nila sa isa't-isa. Napagdesisyunan ko na ilabas na lang ang kapatid ko para hindi na nila marinig pa ang mga away ng magulang namin. Ayaw ko sila lumaki na ang naalala nila mula sa pagkabata nila ay mga sigaw at paghihingi ng magulang nila sa pera nila sa isa't-isa. Ayaw ko na lumaki sila tulad ko.

Kung gusto mo gumawa ng pagbabago ay kailangan mo humakbang papunta sa pagbabago na nais mo. Tinuruan ko ang kapatid ko na mag-bike at pinunta ko rin silang dalawa sa may malapit na park sa amin. Sobrang saya naming lahat at halos naabot na namin ang araw dahil sa paglutang namin sa buhay na buhay na kasiyahan.

Pagkauwi namin ay naabutan namin ang katahimikan ng bahay namin at ang madilim na paligid na parang umalis ang tao kaninang tanghali at nakalimutan buksan ang ilaw. Iniling ko na lang ang ulo ko.

"Ligo na kayo. Ang babaho niyo na 'e," sabi ko sa dalawa kong bunso na kapatid.

Tumingala sa akin ang isa kong kapatid. "Mas mabaho ka, Kuya. Napakabantot mo," pang-aasar niya sa akin.

Nagsitawanan nilang dalawa sa akin. Naglabas na lamang ako ng isang ngiti tapos ay hinatid ko silang dalawa papunta sa taas ng banyo. Tinulungan ko na rin silang maligo kahit na kaya naman na raw nila kasi sila ay big boy na. Parang tuli naman 'tong mga 'to.

Agape Me, DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon