"Forsythia, uh, ano," sabi ni Brianne sa akin.
Tinaas ko naman ang kilay ko sa kaniya tapos ay nilagay ko ang ulo ko sa side ko. Ang mga asul niyang mata ay lumalayo sa akin at tumitingin sa kung saan-saan—sa mga tao na nasa loob din ng pagkainan at sa sahig na tinatayuan namin.
"Ano?" Tanong ko sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali na nanahimik lang siya at hindi niya tinutuloy ang sinasabi niya sa akin. I was enthralled in what he will say next to me, causing him to act in a prevaricate way.
"Ano nga," sabi niya na naman. Ang boses niya ay may halong basag at nginig na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Hindi ko naman alam kung saan niya nakuha ang bagay na 'yan. 'Yan na ata ang pangalawa niyang beses na nagsalita siya sa harap ko ng ganiyan. Filled with that effervescent incertitude.
"What, Brianne?" Tanong ko ulit sa kaniya, my voice laced with impatience.
"Wala. Kalimutan mo na lang," sagot niya sa akin tapos ay tumingin sa pagkain niya at hinawakan ang tinidor at kutsara na para bang handa na siyang kumain.
Mas lalo ko lang tinaas ang kilay ko sa kaniya dahil sa ginagawa niya sa akin. "Brianne, ano nga kasi 'yun? Come on, don't be scared at me." Rapt and enthralled coming out at the top of ech other, like the battle of who's who.
"Do you want to have a date with me?" Ang boses niya ay nasa ilalim ng hininga niya.
Pero kahit na gano'n kahina ang boses niya ay pumasok pa rin ito sa tenga ko. Pati na rin sa puso ko na sumisigaw ngayon at ang pulso ay ang dahilan kung bakit halos malaglag na ito sa lupa at kukunin ito ng mga ulap na dadalhin papunta kay Brianne dahil siya ang may-ari ng puso ko. There was that vociferous orchestra that strummed inside of me and that seraphic singer that kept on playing on my ears.
My lips painted a smile with the hues of paints that serenaded along with his question with me.
"I say yes. Anong oras at kailan?" Sagot ko sa kaniya agad. My voice, unlike his, was beaming with happiness and the cracks along with the stutters was nowhere to be found like the moon in a high afternoon.
Ang mata niya na kung saan-saan napupunta ay nasa akin na ngayon. Nasa mata ko tulad ng akin. Hanggang sa aking huling hininga at huling pagkita, ang gusto ko lang makita ay ang asul niyang mata na nakatingin din sa akin.
An kaba na nakikita ko kanina sa kaniyang asul na tingin ay wala na at napalitan ito ng isang malaking patanong. In bold fonts.
"Ang weird mo talaga, ano? Bakit ang bilis mo magsabi ng oo sa akin parang 'di mo agad pinag-isipan 'a. Hindi ka nga kinabahan o ano 'e. Katulad ko. Baka naman ay hindi mo talaga ako mahal, Forsythia? Baka naman ay pinagsasamantalahan mo ako para mangopya ka sa akin kapag may quiz tayo?" Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa pisngi niya habang ang bibig niya ay nagkaroon ng malaking siwang. Ang mga mata niya ay nanlalaki na para bang isa akong kriminal na umamin sa harap niya.
Iniling ko ang ulo ko sa kaniya bilang sagot tapos ay kinuha ko ang tubig na nasa harap ko at uminom dito. Nang makuntento na sa tubig na dumaan sa lalamunan ay binaba ko na ito.
Tinaas ko ang kilay ko sa kaniya. "First of all, mahal kita. Hindi lang kita gusto, mahal pa kita. Second, hindi kita pagsasamantalahan like copying you or something. Mas matalino ako sa'yo, excuse me–" natawa ako dahil inikot niya na ang mata niya sa akin pagkatapos ko 'yun sabihin sa kaniya "–Third of all, kalmado lang ako sa labas pero sa loob, there was havoc inside me. In my chest, sa isip ko. Lahat magulo dahil lang sa sinabi mo sa akin. It's like a storm in here." Which is true. I explained the accusation from him of my impetous. Because the truth is, there was a burgeon on my heart and whole body at the moment.
BINABASA MO ANG
Agape Me, Darling
RomanceForsythia Suria, a girl whose eyes are set on one thing. Her dreams and becoming the best of the best. With all her might and herself, she would do anything just to achieve that dream. But life comes and goes, as it does. She locked eyes with a man...