*EyeWithFire*
Part4
Mavis*
POV
Kinakabahan na ko sa narinig kong yun kaya tinulak ko kaagad tong Sofa para maharangan tong Pinto.
"Mavis! Ano ba! Buksan mo sabi to e!" Sigaw nung Lalake.
"Gago ka ba?! Hindi nga kita kilala tapos papapasukin kita dito? Sira Ulo ka pala e!" Sigaw ko.
"Yari ka talaga saken pag nahawakan kita!" Sigaw nya.
"Anong ginagawa mo dito Ken." Boses ni Clein.
Sinilip ko agad yung nasa Labas.
Si Clein nga yun at kinakausap nya yung Lalaking gusto akong pasukin dito sa Apartment ko.
"Uhm. Clein? Ano kase. Gusto ko lang maka-usap si Mavis." Sabi nung Lalake.
"Clein! Nagsisisigaw yan Yari raw Ako sa kanya pag nahawakan nya ko! Gusto nyang pumasok dito!" Sigaw ko.
"Gusto ko lang magpatulong sa isang Bagay. Pero hindi naman ako pumunta dito para makipag-away. Uhm. Gusto ko lang tulungan nya ko sa Kaibigan nya. Ay pinsan yata nya yun kase pareho sila ng Apelyido." Sabi nung Lalake.
"Sira! Wag mo kong Gaguhin! Pumunta ka dito kase gusto mo kong Saktan! Kakasabi mo nga lang diba Yari ako sayo pag nahawakan mo ko! Gustong gusto mo ngang pumasok kaso ayaw ko kaya galit na galit ka gustong manaket!" Sigaw ko.
Biglang sinakal ni Clein yung Lalake.
Ngayon nakikita ko na yung itsura nila at alam kong ligtas na ko kaya tinulak ko na tong Sofa pabalik sa Pwesto nya saka ko binuksan tong Pinto.
"C'Clein. Baka mapatay mo yan." Sabi ko.
"Alam ko na kung anong pinunta mo dito Ken kaya wag na wag kang magsisinungaling saken. Alam kong inutusan ka ni Kuya." Gigil na sabi ni Clein.
"Ah! S'Sorry na! Please Clein! Ang init ng Kamay mo! Please i'm sorry. Uhm. Hindi na mauulit. Promise yan!" Sigaw nitong Ken.
"Sinusubukan ko lang kung aamin ka. Tapos dinadamay mo pa yung Pinsan ni Mavis. Alam na alam ko na kung bakit ka nandito tapos gagaguhin mo pa ko. Ipapa Blotter namin kayo dito. Sabihin mo yan kay Kuya pati sa mga Kaibigan mo para wala ni isa sa inyo ang makakapunta dito! Pag naulit pa to. Na ginulo nyo si Mavis pagsisisihan nyong kinalaban nyo ko." Gigil na sabi ni Clein sabay bitaw sa Ken na to.
Napa-upo itong Ken sa Semento tapos hawak-hawak nya tong Leeg nya na kitang-kita ko ang pamumula tapos may Dugo pa.
"Umalis kana dito Ken ka. Kahit magsumbong ka sa Pulis dahil sa Sugat na nakuha mo e kasalanan mo yan! Dapat lang sayo yan. Kakasuhan pa kita dahil pinagbantaan mo pa ko." Sabi ko.
Tumayo tong Ken tapos nagtatatakbo palayo dito samen ni Clein.
Sumakay yun sa Motorsiklo nya at humarurot ng pagkabilis bilis.
"Hello. Speaking of the Devil. May isang Tropa na si Kuya ang nagpunta dito. Yun ba Dad. Hindi pa ba Pwedeng katunayan yun na Gago yung Panganay nyo." Sabi ni Clein sa kausap nya sa Cellphone.
Hindi ko napansin na may kausap na pala ito sa Cellphone nya tapos nanginginig ito sa Galit at Gigil.
"Hmm. Sige. Gawan nyo ng paraan yan. Talagang hindi ko na kayo kikitain pag kinonsinte nyo pa yan. Bye." Sabi ni Clein sabay Patay sa Tawag na Daddy pala nya yung Kausap nya.
Ibinulsa nya yung Cellphone nya tapos tumingin ito saken.
"Tara?" Sabi nito.
"O'Oo. T'Tara sa loob." Sabi ko na Tumango-tango.
Pumasok kaming Dalawa dito sa Apartment tapos naupo kame dito sa Sofa.
"Ako na bahala dun sa Gagong yun. Wag kang mag-alala i'll make sure na wala nang makakapunta pang mga Alalay si Kuya dito. Tangina. Bakit ko ba KinuKuya yung Tukmol." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
Eye with Fire (COMPLETE)
FantasyR🔞 ★Book2EyeOfTheTiger★ Hottest of the Hottest.. Burn to burn na kung saan mag-iinit ka sa kagwapuhan nyang taglay.. May masakit at magulong Nakaraan sa pagitan ng mga Magulang nila pero para sa Pag-ibig.. Hanggang saan kaya aabot ang pagmamahalan...
