Missing you

120 2 0
                                        

*EyeWithFire*

Part12

Mavis*
POV

Umuwi ako sa Bahay tapos pinoproblema ko kung paano ko makaka-usap si Clein.

"Oh Clein. Paano ba kita makaka-usap neto. Hindi naman pwedeng magpunta ako sa inyo kase baka nandun ang Mommy mo. Paano ko bibili ng Sim kung hindi ko alam ang Phone Number mo. Jusko. Paano ba tong gagawin ko." Iyak ko.

Palakad lakad ako dito sa Sala tapos patingin tingin sa Labas at nagbabakasakaling Dumating si Clein.

**
Naupo ako dito sa Sofa.

Ni Hindi na ko pumasok sa School kase nag-iiiyak ako.
Iniisip si Clein at kung paano ko sya makaka-usap.
Hahabol pa kaya Ako.

"Jusko." Bulong ko.

Patakbo na nga kong pumunta sa Kwarto ko diretso sa CR saka naghubad at Naligo.

Makalipas ang ilang Minuto

Pagkatapos kong Maligo nagbihis Uniporme ako saka dali-dali binitbit tong Backpack ko at Lumabas na ko dito sa Bahay.

Sumakay ako sa Tricycle tapos pagdating sa Kanto ng Street nag Jeep ako.

Kinakabahan ko.
Sobra.

"Clein sana pakinggan mo ko." Bulong ko.

**
Pagdating dito sa School.

Sa Room ni Clein agad ang punta ko.
Palingon lingon ako sa mga Kaklase nya tapos Wala sya.
Wala si Clein dito at nagsisimula nang magturo ang Teacher nila.

"Nasan ka Clein." Bulong ko.

"Excuse me Hija? Sinong hinahanap mo?" Sabi ni Miss Gwen.

"Uhm. S'Si Clein po?" Sabi ko.

"Oh. Wala si Clein? Hindi sya pumasok Today. Nako, pumunta kana sa Klase mo late na late kana." Sabi ni Miss Gwen.

"O'Opo. T'Thank you po. Bye." Sabi ko sabay lakad papunta sa Classroom ni Miss Arian.

**
Hindi ako mapakali dito sa Pwesto ko.
Sinusubukan kong Makinig sa sinasabi ni Miss Arian kaso...

Lumilipad ang Isip ko sa Nangyare kanina.
Iniisip ko din si Clein.

"Hoy? Okay ka lang?" Bulong ni Cassy.

"Hindi ako Okay Cas. Nakita ako ni Clein na kasama si Vince pero hindi naman nya kilala yun kaso iba ang nakita nya kanina." Sabi ko.

"Ha? Bakit? Bakit kasama mo yung Ex mong manloloko. Sus Mavis. Anong ginawa mo?" Bulong nito.

"Nagkataon lang naman yun Cas. Si Vince ang lumapit saken e naghahanap ako ng Trabaho tapos hinawakan ako ni Vince sa bewang ko tyaka nya ko dinikit sa kanya na Saktong nandun si Clein kaya ayun. Namomroblema ako. Paano ko makaka-usap si Clein. Wala sya sa Classroom nila ngayon." Bulong ko.

"Nako, malaking problema yan Mavis. Hmm. Try mo mamaya puntahan sa kanila? Sasamahan kita?" Bulong nito.

"Nako Cas, Delikado. Baka nandun si Mrs. Denver. Galit saken yun kase kaaway nya si Mama Misty ko. Hindi ako pwedeng pumunta dun. Paano kaya to Cas." Bulong ko.

"Ang hirap." Bulong nito.

Sobrang hirap nga nito tapos ang sakit sakit lang at hindi manlang muna pinakinggan ni Clein yung Paliwanag ko bago sya Umalis.

Kung tutuusin e binastos na ko ni Vince ng lagay na yun tapos bigla bigla Selos nalang ang pinairal ni Clein at iniwan nya ko.

"Hays." Bulong ko.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon