Pagkaka-ayos

137 3 0
                                    

*EyeWithFire*

Part17

Clein*
POV

Niyakap ko ng mahigpit si Mavis tapos hinalikan sa Noo.
Pagkabitaw ko sa pagkakayakap ko dito hinawakan ko ito sa magkabilang pisngi nya saka tinitigan sa mga Mata nya.

"C'Clein." Bulong nito.

"Mavis." Iyak ko.

Niyakap ko ulit ito ng Mahigpit tapos nag-iiyakan na kaming Dalawa.

"I'm so sorry kung umalis ako. I'm sorry kung naging Seloso ako. Hindi ako makapaniwala na ganito ang nangyare sayo simula ng umalis ako... Akala ko kase nagkabalikan kayo ng Ex mo kaya nagpakalayu-layo ako." Iyak ko.

Umiiyak ito.
Humahagulgol tapos nanginginig.
Nag-aalala ako kaya kinakalma ko ito para magka-usap kame ng Matino.

"Shh. Tamana. Halika dun tayo sa Loob ng Bahay." Sabi ko.

Inalalayan ko itong maglakad tapos pumasok kame sa Loob ng Bahay dire-diretso sa Sala.

"Oh. Hi hija." Sabi ni Mommy.

Nahihiya si Mavis.
Alam kong natatakot ito sa Mommy ko.
Pina-upo ko ito sa Sofa tapos tinabihan ko sya.
Naiilang si Mavis saken pero gagawin ko ang lahat magka-ayos lang kame.

*****

Mavis*
POV

Paano ko makakaiwas kay Clein kung nakakapit ito saken.
Talagang nakayakap ito tapos panay ang Halik sa Ulo ko na kaharap pa nya ang Mommy at Daddy nya.

"Kamusta kana? Kumain kana ba?" Sabi ni Clein.

"T'Tapos na." Bulong ko.

Nandito pala si Dlark tapos may Dalawa silang Kasama na Lalake na kahawig ni Mrs. Daffnie Denver.

"Hija. Kamusta ang pakiramdam mo?" Sabi ni Mrs. Denver.

Tiningala ko sya.
Malungkot ang reaksyon nito habang nakatingin saken.

"Pumunta agad kame dito kase nabalitaan namin yung nangyare sayo. Napakabilis ng pangyayare." Sabi nito.

Oo.
Mabilis nga yung Oras.
Kung san-san ako napunta pagkatapos ng nangyare Kagabe.
Inabot kame ng madaling araw na nagkaroon pa ng Engkwentro sa Ospital at bumyahe nanaman papunta dito.

Natutulala talaga ko sa nangyayare na hindi ko namalayan yung Oras at kung ano na ang nangyayare sa Paligid ko.

"Iuuwi kita." Iyak ni Clein.

Tinignan ko ito.
Umiiyak si Clein tapos hinahawi itong Buhok ko.

"I'm sorry kung Umalis ako. Sorry kung hindi kita pinakinggan. Nagcha-chat din ako sayo tapos nagcha-chat ka rin pala saken... Hindi ko nakita yun Noon. Kung hindi pa ko umuwi dito sa Pinas hindi ko malalaman yun. Nakwento lang saken ni Kuya... Nawala ka raw ng parang Bula. Ayun. Ang nasa isip ko kase nakipagbalikan ka sa Ex mo." Iyak nito.

Hindi ako sumasagot.
Nakakagulat tong nangyayare samen.
Talagang Lutang na nga yata talaga ako nakikita ko silang lahat na bumubukas ang mga Bibig tapos hindi ko sila naririnig.

May pinag-uusapan silang lahat.

Hindi ko na maintindihan tong nangyayare sa Paligid ko tapos parang nanlalabo ang paningin ko.

"Pagpahingahin nyo pa si Mavis. Baka bukas nyo nalang sya kausapin. Naguguluhan sya. Ang dami nyong tanong e." Sabi ni Mr. Clark.

Eto.
Tulala na nga ko.
Binuhat ako ni Clein tapos dinala sa Kwarto na tinutuluyan ko.
Hiniga nya ko tapos tinabihan.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon