Gulo

139 3 0
                                        

*EyeWithFire*

Part27

Mavis*
POV

Boses Matandang Babae yun.
Lumingon ako tapos si Mama Trina yung nakatayo sa Pinto at nagtataka ang Reaksyon.

"Hmm. Anong meron Hija? Sabi ni Mommy Daffnie mo nakita mo raw si Nay Cristy? Ano yun?" Sabi nya.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Clein tapos bumangon ako paupo.

"Uhm. K'Kaninang madaling Araw po kase nagising ako kase nai-ihi po ako tapos may Matanda po sa Chapel. Uhm. Kinakausap po nya ko ganun din po ako sa kanya nun. N'Nag CR ako tapos naririnig ko po sila ni Mommy Daffnie. Nag-uusap? Tapos nung lumabas ako sa CR... Uhm. Sinabihan pa po ako ni Mommy Daffnie na magpahinga e ganun din po yung Sinabi ng Matanda saken. Pinupuri pa nga po nila si Dlark nun." Sabi ko.

"Nako, nagmumulto pala si Nay Cristy. Kakakwento lang ni Daffnie samen ng Papa Ced nyo nagpakita nga raw sayo? Tapos tinanong mo raw sya e alam nyang walang Matanda sa Chapel kanina? Kahit nung mga ilang Gabe wala naman. Hmm. Nakakatakot ah." Sabi nya.

"Opo. Nakakakilabot nga po. Kaya po tinanong ko sya kase katabi nya po yun kaninang Madaling Araw nakatayo pa sila sa Tapat ng Kabaong ni Dlark. Tapos nung Libing po. Nakita ko yung Picture sa Lapida sa Tabi ng paglilibingan ni Dlark. Kamukha po nun yung Matandang Babae kaninang madaling Araw. Yun po yon. Syang sya po e. Yung Cristina"Cristy" Pujol Delo Santos po." Sabi ko na natatakot na.

"Hala. Nakakatakot ah. Hmm. Baka naman lagnatin ka nyan Hija? Mas mabuting itulog mo yan. Magpahinga ka muna kase ilang Gabi na tayong hindi makatulog ng Maayos. Magpahinga kana. Hays. Sa sobrang Takot mo nakalimutan mong isara tong Pinto ng Kwarto nyo. Bukas pa naman ang Aircon... Osha, sige na. Magpahinga kayo ni Clein. Baka kailangan mong matulog. Wag mong isipin yun hindi ka naman sasaktan nun." Sabi nya.

Tumango-tango ako.
Isinara nya yung Pinto tapos hindi ko manlang nasagot yung Tanong nyang Baka nga Lagnatin ako.
Ngayon palang nararamdaman kong nag-iinit na ko o para bang may Lagnat na nga yata ako.

"Grabe. Nakakatakot. Sana wag na po kayong magpapakita saken? Kanina sa Misa ngumiti pa kayo. Grabe. Natatakot tuloy Ako." Bulong ko.

Salamat at wala nang sumagot kaya nahiga na ulit ako saka yumakap kay Clein.

**
Nagising ako ng mga Bandang 11:20am.

Tanghali na kaya Bumangon na ko tapos wala na sa Tabi ko si Clein.
May Mabasa-basang Bimpo ang nakapatong sa Noo ko tapos nahihilo Ako.

"Oh. Ang sakit." Bulong ko.

"Hey. Magpahinga ka lang muna. Uhm. Are you hungry?" Sabi ni Clein.

Idinilat kong maigi tong mga Mata ko.
Nasa Couch si Clein at nakaupo habang nakatingin sya saken.

"Hmm. Medyo? Ikaw ba?" Sabi ko.

"Kukuha na ko ng Food naten. Basta magpahinga ka lang." Sabi nya sabay tayo sa kinauupuan nya.

Nilapitan nya ko saka hinipo itong Leeg ko na Sobrang init base sa pakiramdam ko.

"Dito ka muna Okay? Kukuha ako ng Foods tyaka ng Gamot na iinumin mo." Sabi nito.

"Okay. Salamat." Bulong ko.

Ngumiti ng Pilit si Clein tapos umatras na sya saka naglakad na palabas dito sa Kwarto.

Na-iisip kong Masakit o Masama parin ang Loob ni Clein dahil sa pagkawala ni Dlark.
Halos Buong Pamilya.

Malungkot.

"Hays." Bulong ko.

Makalipas ang ilang Minuto

Bumalik si Clein dala-dala ang Isang Tray tapos nakasunod sa kanya yung isang Kasambahay na namukhaan ko.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon