Hospital Day

135 6 0
                                    

*EyeWithFire*

Part19

Mavis*
POV

Bumitaw sa pagkakayakap saken si Clein tapos tinignan nito ang Mukha ko.

"Hmm. Namiss kita. Sobra." Sabi nito.

"N'Namiss din kita." Bulong ko.

Hinawi nito ang Buhok ko tapos inipit sa Likuran ng Kanang Tenga ko.

"Are you hungry?" Sabi nito.

"H'Hindi naman." Sabi ko.

"Hmm. Okay. Magpahinga ka lang muna mamaya ibibili kita ng Lugaw. Anong gusto mo Egg or Chicken? Okaya Both? Hm. Tokwa't baboy mga ganon." Sabi nito.

"Siguro lahat yan." Sabi ko.

Ngumiti ito tapos hinawakan tong Kanang Kamay ko.
Piniga nya ito saka itinaas para mahalikan ng Matunog habang nakatingin saken ang mga Mata nya.

"Sorry talaga. Dapat hindi ako umalis. Nagsisisi tuloy ako.
Sana hindi nangyare sayo yung Bagay na yun. Hindi mo deserve ang ganun." Sabi nito.

"Oh Clein. Wala na yun. Wag mo nang isipin yun. Okay na ko. Uhm. Malalampasan ko rin ito. Makakalimutan ko din yung nangyare." Sabi ko.

"Hindi talaga ko mapakali. Talagang nanggigigil ako sa Lola mo. Kung hindi dahil sa kanya hindi ka naman mapupunta sa Poder ng Jude na yun e. Kahit na umalis ako. Bumalik man ako hahanapin parin naman kita. Aalamin ko kung talagang nagkabalikan kayo. Nagcha-chat ako sayo tapos hindi mo siniseen. Sabi ni Kuya nakita nya sa Cellphone mo na nagcha-chat ka saken. Ang gara na nakakainis kase hindi ko makita yun? Bakit ganon? Di ba kahit may Chat ka. Nagchat ako makikita naten yung Chat ng isa't isa?" Sabi nito.

Oo nga noh.
Nakakapagtaka.
Dapat nga ganon ang mangyayare pero bakit hindi ko nakita ang Chat ni Clein kung isa lang naman ang Facebook Account na sinesendan namin ng Chat.

Chat ng isa't isa.

"Oo nga. B'Bakit ganon. Kung nagcha-chat ka saken. Dapat makikita ko? Kung nagcha-chat ako sayo. Dapat makikita mo din. Pero bakit nawala? Paanong hindi naten makita yung Chat ng isa't isa." Sabi ko.

"Hmm. Iniisip ko baka may nagbubura? Diba?" Sabi nito.

"S'Sino naman ang gagawa nun." Sabi ko.

"I don't know? Baka may iba pang gumagamit ng Account mo? Saken kase for sure na Ako lang ang nagbubukas ng Messenger ko. As in Ako lang. Wala namang nakakahawak ng Cellphone ko kahit na yung mga Chicks ko Noon ng umalis ako dito sa Pinas." Sabi nito.

Tinitigan ko si Clein.

"N'Nambababae ka nung umalis ka dito?" Sabi ko.

"Mavis. Akala ko kase nagkabalikan kayo nung Ex mo. Narinig ko lahat-lahat ng pinag-uusapan nyo. Namiss ka raw nya tapos ikaw bumubulong bulong na nahihiya na Ewan. Tapos kita ko kung paano ka nya Hawakan sa Pisngi mo. Ni hindi ka naman Umatras nalang ng pagka-atras atras e. Kung nabastos ka dapat ikaw na tong lumayo kaso hindi... Nag-stay ka sa isang Pwesto kung nasan yung Lalake. Hinawakan ka nya sa Bewang. Pag ganon diba dapat sinasampal mo yun kung nabastos ka? Kaya nasaktan ako... Nasaktan ako Mavis kaya umalis nalang ako. Iba kase yung pagkakakita ko sa inyo. Naghihiyawan at nagpapalakpakan pa yung mga nasa Paligid nyo. Ikaw... Nakatayo ka lang. Hindi ko alam kung na-shock ka ba? Or gusto mo ba yun. Syempre Ex mo yun. Baka may nagbalik kang nararamdaman dun sa Tao. Kaya Umalis Ako." Sabi nito.

Nakakalungkot.
Yun din ang Problema ko Noon kase bakit pa ko nakipag-usap sa Vincent na yun.
Dapat ako na tong Umatras at lumayo kesa nagkaproblema pa kame ni Clein.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon