Pasabog

179 2 0
                                        

*EyeWithFire*

Part5

Mavis*
POV

Pagkatapos naming mag Halfbath ni Clein sinara nyang maigi yung Gate tyaka yung Pinto ng Apartment tapos nahiga na kameng Dalawa dito sa Kama.

"Hmm. Ano kayang magandang mapanood." Sabi ko habang naglilipat ng Channel sa T.V. gamit tong Remote Control.

"Horror baka meron." Sabi ni Clein.

May nakita na ko tapos nilagay ko na tong Remote sa Lamesita na nasa gilid lang nitong Kama.
Umunan na ko sa Kaliwang Braso ni Clein tapos yumakap at nanood na kameng Dalawa pampaantok lang.

"Nga pala. Nasan na nga pala yung Parents mo?" Sabi nito.

"Uhm. Parang Ulila na nga ko. Bali hindi ko kasundo si Lola ko. Lagi nya kase kong pinagbibintangan ng kung anu-ano. Uhm. Kaya sya ganon kase. Namatay si Mommy habang pinapanganak ako? Para bang sinisisi nya ko." Sabi ko.

"Oh. That's. Sad? Tapos lumaki ka sa Poder ng Lola mo?" Sabi nito.

"Uhm. Oo. Bali nagka-isip ako si Lola na yung nakilala kong Pamilya ko kaso... Parang hindi nya ko Pamilya. Lagi nya kong Sinasaktan. Sinisigawan tyaka pinapahiya sa Maraming Tao. Tapos. Hindi nya ko pinapakain nun? Namamalimos lang ako sa Kapitbahay. Kaya... Ayun, naglayas nalang ako. Eto. Si Cassy ang tumulong saken kaya nakuha ko tong Apartment na to. Yung Tatay ni Cassy at Tatay ko magpinsan kaso... Isa pa si Papa. Wala ring pakialam saken. Pero... Okay lang. Kaya ko naman. Hangga't kumpleto tong mga Paa at Kamay ko. Mabubuhay na ko ng Mag-isa lang ako." Sabi ko.

Tiningala ko si Clein na nakatingin na pala ito saken.
Malungkot ang Reaksyon nito.

"Pero. May balita ka pa ba sa Lola mo? Tyaka sa Papa mo?" Sabi nito.

"Hmm. Wala na. Si Papa. Bahala sya. Bali ang huling Balita ko lang rin kay Lola... Uhm. Nasa Bar ang Lola ko. Uhm. Pokpok kase yun?" Nahihiyang sabi ko.

"It's okay. Wala saken yun basta hindi ka gumaya sa kanya. Okay na yun. Safe ka. And sa Edad mong yan wag na wag mong papasukin yung ganong Trabaho. Ang Pangit. Hindi Bagay sayo. Maganda kapa naman." Sabi nito.

Nangiti Ako.
Niyakap ako ni Clein ng Mahigpit tapos tumingin na ulit kame sa T.V.

**

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala kame ni Clein.
Tinignan ko yung Orasan kong umiilaw sa Gabi at 4:13am na pala na hindi ko manlang napatay yung T.V.

"Hmm." Huni ko.

Wala sa Tabi ko si Clein.
Iniisip ko baka nasa CR sya pero patay naman yung ilaw sa CR kaya baka nasa Sala o Kusina sya.

Bumangon Ako.
Naglakad palabas dito sa Kwarto tapos nakita ko si Clein.
Nakatayo at nakatalikod saken.

Nandun sya sa Sala.
Napakadilim pero alam kong sya to na nakatalikod lang saken.

"Clein? Bakit gising ka pa?" Sabi ko.

Hindi sya sumagot.
Lumapit na ko tapos akma akong hahawakan ito sa Kanan Balikat nya kaso...

"Wag mo kong hahawakan." Sabi nito.

"G'Galit ka ba Clein?" Sabi ko.

Hindi ito sumagot tapos nakaramdam ako na pinagpapawisan Ako.
Napakainit naman yata dito sa Sala.

"Clein?" Sabi ko.

Dahan-dahan itong humarap saken tapos...

"Oh! C'Clein! Bakit umaapoy yang mga Mata mo!" Hiyaw ko.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon