Ligtas kana Mavis

137 5 0
                                    

*EyeWithFire*

Part15

Mavis*
POV

Naghubad ng Jacket si Mr. Red Denver tapos pinasuot nya ito saken at niyakap nya ko saka itinayo.

"Relax. Don't be scared. Hindi kita sasaktan. Kumapit ka saken." Sabi nito sabay buhat saken.

Nanginginig ako sa takot tapos naiiyak parin ako sa nangyare saken at sa ilang Buwang paghihirap ko sa Kamay ni Jude.

"Ahh! Fuck you! Don't touch me! Don't fucking Touch my Wife!" Sigaw ni Jude.

"Kung ayaw mong Masaktan sumunod ka nalang!" Sigaw ng isang NBI.

Nagsisisigaw din sa Sakit yung Lalaking bumaril kay Jude kanina.

"Ikulong nyo po sila. Pakiusap. Lalo na si Jude. Ikulong nyo po sya kase ni-rape nya ko ng paulit-ulit. Pati Lola ko ikulong nyo. Dahil sa Lola ko hindi ako magkakaganito. Hindi ko mararanasan to." Iyak ko.

"Tatrabahuhin namin yan. Kumalma ka lang. Dadalhin kita sa Ospital." Sabi ni Mr. Red.

Tumango-tango ako.
Nagpasalamat tapos yumakap ako ng mahigpit sa Taong ito.

**
Pagdating dito sa Ospital.

Maraming tinatanong yung Doctor na hindi ko maintindihan ang nangyayare.

"Mas maganda kung pagpapahingahin nyo muna sya. Babalik ako dito mamayang mga Alas Singko." Sabi ni Mr. Red.

Nakahiga ako dito sa Higaan nitong Kwarto na Maliwanag tapos natutulala ako.
Naiiyak.
Malungkot at natatakot.

"Hija. Magpahinga ka muna. Mamaya kakausapin kita pag Medyo kalmado kana." Sabi ni Mr. Red.

Tumango-tango ako.
Umatras na si Mr. Red tapos lumabas na sya dito sa Kwarto.
Naiwan ako pati ang isang Doctor na Babae at Dalawang Nurse na tig isang Babae at Lalake.

"Miss. Tignan nyo po itong Daliri ko." Sabi ng Nurse na Babae.

Ayoko syang sundin.
Basta gusto ko lang Umiyak.
Umiyak ng umiyak.

"Hayaan nyo muna sya. Iwan nyo muna kameng Dalawa." Sabi ng Doctor.

Lumabas yung Dalawang Nurse tapos tinitigan ko itong Doctor na Babae.
Nakangisi ito saken na hindi ko maintindihan.
May nilabas syang Injection sa Harapang Bulsa ng Puting Suot nya.

"Pasensya kana Miss. Nautusan lang. Mukhang kailangan mo nang Matulog ng Habang Buhay." Sabi ng Doctor.

Nanlaki ang mga Mata ko sa sinabi nito kaya...
Kumilos agad ako para sipain sya at makabangon ako dito sa pagkakahiga ko.

Tumakbo ako palabas dito sa Kwarto.

"Tulong! Tulungan nyo ko!" Iyak ko.

Nagtatatakbo pa ko tapos nakita ko si Mr. Red na nagtataka nang makita ako.

"Miss? Bakit?! Anong nangyayare sayo? Gagamutin ka nga nila." Sabi ni Mr. Red.

"H'Hindi po nila ko gagamutin! Gusto akong patayin nung Doctor na Babae! Sabi nya may nag-utos sa kanya. Tulungan nyo po Ako!" Iyak ko.

Nagkakagulo ang mga Tao dito sa Ospital nang makita akong nagkakaganito.

Papalapit samen yung Doctor na gustong Pumatay saken.
Nagbabait baitan ito tapos nagtago Ako sa Likuran ng Lalaking nagligtas saken.

Si Mr. Red Denver.

"Sir! Yung Injection nya! Baka Lason yun gusto nya kase iturok saken para raw Matulog na ko Habang Buhay." Iyak ko.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon