Wakas

384 5 0
                                        

*EyeWithFire*

Part34
F I N A L E

Mavis*
POV

Napa-upo si Misty dun sa Kalsada habang Umiiyak.
Pinikit ko nalang ang mga Mata ko sa Sakit ng nararamdaman ko.

"Baby. Tamana. Wag ka nang Umiyak please. Maaayos din to." Sabi ni Clein.

"Ang sakit talaga. Hindi ako makapaniwala sa nangyare." Sabi ko.

Hinawakan ni Clein ang Kaliwang kamay ko tapos hinalikan nya ito.
Sinasabihan nya ko ng Matatamis na Salita kaya kumakalma na ko.

**
Pagdating dito sa Mansion nila.

Nakita ko si Mommy Daffnie sa Garden na Busy sa pagdidilig ng Red Roses nya.
Pinauna ko na si Clein na Pumasok sa Loob ng Bahay at nilapitan ko si Mommy Daffnie.

"Hi po." Sabi ko na nahihiya pa.

Lumingon si Mommy Daffnie tapos ngumiti at nag Mano ako dito.

"Kamusta ang Lakad nyo? Ano yung Pinsan mo ba ang may Sala?" Sabi nito.

"O'Opo. Guilty po kase sya tyaka muntik pa kameng ipagtabuyan nung nabuking po ni Clein kaso... Hindi rin natuloy yung pang-alis namin agad. Uhm. May Tao po kaseng lumapit samen ni Clein." Sabi ko na nahihiya pa.

"Oh? Sino ang Taong yun? Nasaktan ka ba? Pinrotektahan ka ba ni Clein." Sabi nito.

"N'Nako h'hindi po ako nasaktan. Uhm. Ano po kase. Hindi na po ako magpapa-tumpik pa. Mommy Daffnie... Y'Yung Taong yun nagpakilalang Mama ko raw po? Sya raw si Misty. Nag chat saken kaninang madaling araw yun hindi ko lang pinansin. Uhm. Kagaya po na Ayaw nyo na magkatuluyan kame ni Clein. Ganun din sya pero hindi ako papayag sa Gusto nya lalo't hindi ko sya kilala." Sabi ko.

"Teka? Akala ko ba Patay na si Misty?" Sabi nito.

"Yun din po ang Alam ko. Hmm. Sabi nya si Lola Nathalie lang raw ang nagsabi nun. Uhm. T'Tumakas raw sya sa Poder ni Lola kase ayaw na raw nya yung ginagawa nya na nirereto sya sa Matandang Lalake. Ayun po. Nagkaiyakan pa po kame. Mukhang sya nga po ang Mama ko." Sabi ko.

"Nako Hija. Wag ka nang malungkot. Hmm. Akong kakausap sa kanya. Nasan ba sya." Sabi nito.

"Na nakanila Cassy po. Uhm. Ayun. Baka po mag-away lang po kayo? Ayoko pong magkagulo kayo." Sabi ko.

"Ako ang bahala. Tyaka Nakaraan na namin ni Misty yun? Maaayos din to basta magkaliwanagan lang kame. Okay? I-chat mo saken ang Address at pupunta ako dun." Sabi nito.

"S'Sige po. Uhm. S'Salamat po." Sabi ko.

"Wag ka nang malungkot.. Ako na ang bahala. Hindi kayo maghihiwalay ni Clein." Sabi nito.

Tumango-tango ako.
Kinuha ko tong Cellphone sa Bulsa ko tapos nagtype ako at sinend ang Address ni Cassy sa Account ni Mommy Daffnie.

"Sige na. Pumasok kana dun sa Loob." Sabi nito.

Tumango-tango ako.
Niyakap nya ko ng mahigpit tapos hinalikan sa Ulo.
Nagpasalamat ulit ako tyaka na kame bumitaw sa yakapan ng isa't isa.
Naglakad na ko tapos nasa Malaking Pinto si Clein at nakangiti saken.

Sinalubong nya ko ng Yakap at Halik sa Noo ko.

"Okay na? Good yan nagsabi ka kay Mommy para alam na nya agad. Para walang Secret." Sabi nito.

"Oo nga e. Kinakabahan pa ko pero kinapalan ko na tong Mukha ko." Sabi ko.

Natawa si Clein.
Nangiti na ko tapos pumasok na kame dito sa Loob ng Bahay.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon