Kalma na

144 4 0
                                        

*EyeWithFire*

Part16

Mavis*
POV

Tumango-tango ako sa sinabi ni Tessa tapos umatras na sya at lumabas na dito sa Kwarto.

Kinakabahan tuloy ako.

"Hays." Bulong ko.

Nagpatuloy na ko sa Pagkain ko.

Makalipas ang ilang Minuto

Pagkatapos kong kumain inayos ko tong pinagkainan ko saka pinagpatung-patong ang mga ito.
Ako na tong nagbitbit nito palabas dito sa Kwarto at bumaba pa saka nagpunta sa Kusina nitong Bahay.

Nakita kong Busy si Tessa sa pagpupunas punas ng Salamin at ang iba pa e may kanya-kanya silang Gawain kaya ako na ang maghuhugas ng pinagkainan ko kase nakakahiya kung iaasa ko ito sa Kanila.

Kaya ko naman kaya hindi ko na dapat ito ipagawa sa kanila.

"Hija? Nako ako na dian." Sabi ng Matandang Babae.

"H'Hindi po. Ako na po." Sabi ko.

Lumapit itong Matanda tapos nagpupumilit kaya binanlawan ko na isa-isa tong mga Pinagkainan ko.

"Hmm. Hindi ka talaga magpapa-awat ah. Hehe. Sige na nga. Ano nga pala ang Pangalan mo?" Sabi nitong Matandang Babae.

"Uhm. Mavis po." Sabi ko na nahihiya pa.

"Oh, ako si Dolor. Nanay ang itawag mo sakin ah? Nakwento ni Tessa samen ang nangyari sayo. Hmm. Alam mo. Pareho kayo ni Tessa? Mas mahirap nga lang ang kanya. Mahirap yung Sayo oo pero ibig ko lang sabihin e yung kay Tessa kase kinasal sya ng labag sa Loob nya." Sabi nito.

Nanla-laki ang mga Mata ko sa nalaman ko tungkol kay Tessa.

"J'Jusko. Mahirap yun. Paano po sya nakawala." Sabi ko.

"E pinatay nya yung Lalake. Ganun ang ginawa nya tapos tumakas sya. Nagsumbong sya sa Pulis at buti Self Defense ang nangyare kay Tessa. Ikaw kase Maliit ka? Yung Jude na yun laganap ang kagaguhan sa Lugar na to. Maraming Takot dun tapos ang Laki ng Katawan. Kita mo naman diba?" Sabi nito.

"O'Opo. Kaya wala po akong Laban sa kanya. Sa totoo lang kaya nya kong Patayin kung gugustuhin nya pero hindi nya ginagawa kase gusto nya kong maging Asawa tyaka maging Nanay ng mga magiging Anak raw nya. Hindi ko kaya yun kase labag po sa Loob ko. Hindi ko sya Mahal." Sabi ko.

Hinawakan ni Nanay Dolor ang Kanang Balikat ko tapos tinapik tapik nya ko dito.

"Salamat at nakaligtas ka. Nakatakas ka na sa paghihirap ng Demonyo. Hmm. Alam mo. Sa Una lang mahirap makalimot pero makakayanan mo din ito. Basta magpakatatag ka. Yung Anak ko kase Mahina... Nag-pakamatay ang Anak ko nung akala nya walang magliligtas sa kanya. Pagdating ni Red dun sa Bahay kung saan dinala ang Anak ko huli na ang Lahat. Nagbigti sya tapos nag-iwan ng Sulat. Masakit yun saken bilang Ina. Kaso... Wala e. Sumuko agad ang Anak ko. Ni-rape sya. Pinaglaruan ng Ex Boyfriend nya." Sabi nito.

Nakakalungkot.
Nakikinig ako sa kwento ni Nanay Dolor tapos umiiyak ito.
Pareho pala kaming kinulong ng Anak nito sa Loob Tatlong Buwan mahigit kaso buti nakakuha sya ng Lubig.

Ako kase maingat si Jude.
Hangga't maari ayaw nyang may mga Matatalim o Tali sa Paligid ko.
Ultimo mga ka sulok sulukan ng Kwarto nun may Malambot kase baka raw iuntog ko itong Ulo ko.

Masakit yun.
Mas mahirap yung Untog untog na yun kaya hindi ko ginawa.

Kaya lang binubugbog naman ako ni Jude pag hindi ako sumasagot sa Tanong nya.

"Hays." Bulong ko.

"Kaya ikaw Hija. Magpakatatag ka. Malalampasan mo rin ito. Malaya kana sa paghihirap." Sabi ni Nanay Dolor.

Eye with Fire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon