(Maurice's POV)"Magandang umaga sa inyong lahat Abaranding," nakangiting bati ko sa kanila.
"Magandang umaga rin po, Ginang Sabroso." sabay-sabay rin na bati nila sa akin.
Inilapag ko ang librong dala ko sa mesa, saka ako umupo doon. Dumekwatro ako, at inayos ko ang pagkakaupo ko. "Ano na nga ba ang huli kong itinalakay noon? May nakakaalala pa ba, mga binibini't mga ginoo?"
"Ma'am!" halos iisang boses nalang ang naririnig ko habang nakataas ang mga kamay nila. Namili ako ng isa sa kanila, at tumayo agad ang babae na itinuro ko.
"Rosario, ano ang huli kong itinalakay sa inyo?"
"Ma'am, tungkol po sa... sa... pananakop ng mga Espanyol!"
"Magaling! Maaari mo ba akong bigyan ng mga natutunan mo mula sa akin?"
"Um... ano po... ah! Naalala ko na, naging mabagsik sa atin ang mga Espanyol at matagal nilang sinakop ang bansa natin!"
"Napakahusay! Ngayon, magtatalakay pa ako ng ibang mga bagay tungkol sa naituro ko kahapon..."
Tumayo na ako, saka ko kinuha ang tisa sa lalagyanan ko. Tumindig ako sa harap ng pisara, saka ko isinulat ang nilalaman ng utak ko.
Mabilis na natapos ang klase ko. Nagpaalam na ako sa kanila, saka ako tumuloy sa labas. Binilisan ko ang bawat hakbang ko, dahil may natanggap akong mensahe mula sa kaibigan ko.
"Ah! Andito na ako!" sigaw ko sa kanila nang makapasok ako sa faculty. "Ano ba ang meron? Bakit parang nagmamadali kayong lahat? Pati ako, halos matapilok na sa sobrang pagmamadali ko."
"Andito na si Julie!" sigaw sa akin ni Kaye.
Pinagmasdan ko ang babaeng nakatalikod sa amin, saka ko ito niyakap nang mahigpit. Napalingon sa akin si Julie, saka ako tinawanan nito. "Mau, apat na buwan lang akong nawala para sa mission namin sa mga Maranao. Ikaw naman, miss na miss mo na ba talaga ako?!"
"Oo nga!" excited na sagot ko dito. "Oh goodness, ang tagal mong nawala! Akala ko, mawawala na nang tuluyan sa akin ang kinakapatid ko..."
"Hindi ako mawawala, Mau. May inayos lang talaga ako na mga importanteng bagay. Saka bukas, magsisimula na ulit ako sa pagpasok sa trabaho. Alam mo naman na apat na buwan kong pinahawakan sa'yo ang advisory ko..."
"Okay lang 'yun!" sagot ko dito. "Alam mo naman na wala akong permanenteng section na hinahawakan, and it's a pleasure na nagkaroon ako ng nahawakang klase."
"Kamusta nga ba ang mga anak ko sa Abaranding? Magugulo ba?"
"Noong una, yes. Kaso alam mo naman na kapag si Maurice Larrazabal Sabroso ang humawak... nakakaya niyang patahimikin ang lahat. Kahit ang bulkan, kaya kong pigilan ang pag-alburoto."
"Sira. Maurice, nagugutom kasi ako. Gusto mo ba akong samahan mamaya? Malapit na ang uwian, oh. May ibibigay pa akong regalo sa'yo."
"Kung alahas lang 'yan, no thanks. Baka magalit sa akin ang asawa ko at kung anu-ano na naman ang isipin."
"Libro kasi, gaga! Gusto mo ng libro, 'di ba?"
Biglang kuminang ang mga mata ko sa nadinig ko mula dito. Inilahad ko agad ang palad ko, at ngumiti ako nang matamis kay Julie. "Akin na, dali. At least kapag libro, wala siyang sasabihin sa akin. Natural lang na magkaroon ako ng libro, guro ako e."
"Mamaya na Mau. Kapag sinamahan mo ako, ibibigay ko sa'yo. Mag-ayos ka na muna, saka tayo umalis. Sampung minuto nalang..."
Dumiretso na agad ako sa banyo, saka ko inayusan ang sarili ko doon. Inilugay ko ang nakatali kong buhok, saka ko sinuklay-suklay 'yon. Sunod ko namang inayos ang mga mata ko. Naglagay ako ng manipis na mascara, at nilagyan ko ng brown na eyeshadow ang mga talukap ng mata ko. Lumayo ako nang kaunti sa salamin, at tinitigan ko nang maayos ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Depending on Miss Librarian [GxG]
RomanceMaurice Larrazabal faces a life full of challenges, and reading is only her escape to this cruel word. Magbabago ang mundo niya nang makilala niya si Lorraine Villanueva, ang owner ng library sa gilid ng pinagta-trabauhan niyang paaralan. Lorraine l...