(Maurice's POV)Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bahay namin. Nanginginig ang mga kamay ko sa matinding galit, dahil nalaman ko na ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng nanay ko.
"Maurice... kumalma ka na muna sweetheart. Sige na, kumalma ka lang. Namumula ka na sa galit, oh..."
Hinarap ako ni Lorraine sa kaniya, saka ako niyakap nito nang mahigpit. Wala akong nadadama na kahit ano ngayon, kung hindi matinding galit. Galit ako sa lahat.
Pagpasok namin sa sala, nandoon lahat ng mga kasama namin sa bahay. Na-fix ang mga mata ko sa isang tao... sa nurse ni mama. Sinenyasan ko na muna si Lorraine na huwag maglakad, dahil makikinig pa kami sa usapan nila.
"Wala tayong magagawa, namatay na ang asawa ko." malungkot na wika ng papa ko sa kanila. "Ang buhay natin, hinihiram lang natin ang lahat ng 'yan. Nasa Diyos 'yan kung kailan niya gugustuhin na bawiin mula sa atin 'yon."
Huminga ako nang malalim, saka ko patakbong sinugod ang babaeng nakaupo sa harapan ng papa ko. Inihiga ko agad ito sa sahig, saka ako pumatong sa puson niya.
"KASALANAN MO KAYA NAMATAY ANG MAMA KO! KASALANAN MO ANG LAHAT NG 'TO! KASALANAN MO!" galit na galit na sigaw ko sa kaniya.
*PAK!*
Dumampi ang palad ko sa kaliwang pisngi nito. Nakita ko agad ang pamumula nu'n, kaya pinagsasasampal ko siya kahit marami na ang umaawat sa akin.
"Mapupunta ka sa impyerno! Mapupunta ka doon! Demonyo ka!"
"Maurice, kumalma ka na. Tara na, puntahan na natin ang mama mo."
Bigla kong itinulak palayo sa akin si Lorraine. Bumakas ang pag-aalala sa akin nang mapaupo ito sa likuran ko, pero muling sumiklab ang galit ko nang maalala ko ang ginawang pagpapabaya ng nurse na 'to sa mama ko.
"Walang hiya ka! Lumayas ka dito, dalian mo! Wala kang puwang sa pamamahay namin! Ang sama ng---"
"Maurice. Tara na."
Hinila ulit ako ni Lorraine, saka niya ako binuhat na parang bata. Nagpupumiglas pa ako dahil hindi pa ako nakakabuwelo sa nurse na 'yun, pero nananatiling determinado si Lorraine na ialis ako kaya sumama na lang ako dito. Iniupo ako nito sa hagdanan, saka niya pinagpagan ang sarili niya.
"Ganiyan ka pala magalit, 'no? Kahit ako, hindi mo napansin na nasugatan ako nang dahil sa'yo e." natatawang komento nito.
Muli na naman akong umiyak, saka ko ipinangtakip ang mga palad ko sa mukha ko. "Mama... I'm sorry. Ang sama kong anak sa'yo..."
"Tignan na natin ang mama mo, Maurice. Sige na."
"H-hindi ko kayang makita ang mama ko ngayon. P-patay na siya..."
"At ano naman? Kailan mo siya gugustuhing makita, kapag nasa hukay na siya? Maurice, patay na ang mama mo."
"Alam ko! Nasasaktan na nga ako, 'di ba?!"
"Kaya nga, e! Patay na nga siya kaya kailangang tanggapin mo. Wala tayong magagawa kung may sisisihin ka pa. Kahit sisihin mo pa ang buong mundo, hindi na maibabalik ang buhay ng mama mo. Naiintindihan mo ba 'yon?!"
"Wala ka kasi sa kalagayan ko! Ang mama ko, mahaba pa ang buhay niya kung hindi siya pinabayaan nu'ng nurse na 'yon. Nangako ang mama ko na mamamatay siya dahil sa katandaan, hindi dahil sa simpleng bangungot lang!"
"Umakyat na tayo, para makita mo na ang mama mo. Mamaya, kukuhanin na siya dito ng mga tao sa punerarya. Mau, tara na."
Halos hindi ako makapanaog sa hagdan dahil sobrang nanghihina ang tuhod ko. Inalalayan na lang ako ni Lorraine, hanggang sa makarating kami sa kwarto ni mama. Binuksan niya ang pintuan para sa akin, saka ako biglang umatras. Nakatalikod sa amin ang mama ko, at parang natutulog lang ito.
BINABASA MO ANG
Depending on Miss Librarian [GxG]
Storie d'amoreMaurice Larrazabal faces a life full of challenges, and reading is only her escape to this cruel word. Magbabago ang mundo niya nang makilala niya si Lorraine Villanueva, ang owner ng library sa gilid ng pinagta-trabauhan niyang paaralan. Lorraine l...