(Maurice's POV)Punung-puno ako ng pag-aalala habang nakatingin sa building na pinagkakaguluhan doon ng mga tao. Kasama ko si Lorraine, pero hindi kami pinadaan ng mga tao doon dahil nakikiusisa sila at masyado nang crowdy sa lugar.
"Paano tayo makakadaan niyan?" nagpa-panic na tanong ko dito. "Baka bigla na lang mamatay si Ciara."
"Hindi, may nakaantabay kung sakaling malalaglag siya. Pero kailangan ko munang makausap si Ciara, para hindi na kami magkagulo."
Sinalubong kami ng pulis doon, saka niya kami tinanong, "Kaanu-ano niyo po 'yung babae sa taas?"
"K-kapatid niya ako." kinakabahang sagot dito ni Lorraine. "Papakalmahin ko lang si Ciara, tapos ibabalik ko siya nang maayos dito."
Pinapasok na kami ng police officer sa building. Inakyat namin ni Lorraine ang hagdan, hanggang sa huminto kami sa third floor. Hinarangan ako ni Lorraine saka nito hinawakan ang magkabilang mga kamay ko. Hinalikan niya 'yun saka ito nagsalita, "Huwag ka nang umakyat. Ako na ang bahala kay Ciara kaya huwag ka nang sumunod sa akin sweetheart."
"Ligtas kang bumalik dito, ha?"
"Oo," nakangiting sagot nito sa akin.
Umakyat na ito pero palihim ko pa ring sinundan si Lorraine dahil hindi ako mapalagay. Nakita namin si Ciara doon na nakatayo sa terrace, na handang-handa na talagang tumalon.
"Kung magpapakamatay ka, tingin mo ba magiging masaya ang mga taong mahal ka?" tanong dito ni Lorraine.
Hinarap agad ito ni Ciara, at naawa ako sa hitsura nito. Tumulo ang mga luha mula sa mga ni Ciara, at nanginig ang mga tuhod nito.
"Hindi naman ako ang pinili mo Lorraine, hindi ba? Ano pa ang saysay ng buhay kung hindi rin lang ako magiging masaya?"
"Ciara, kaya kitang tulungan. Kahit papaano, naging kaibigan mo ako. Huwag ka nang magpakamatay. Kung pera ang problema mo, tutulungan kita Ciara. Ano ba ang nangyayari---"
"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!"
"Ako? Ciara, pag-usapan muna natin 'yan."
"Mahal na mahal kita, Raine. Pilit kong iniisip sa sarili ko na pansariling interes lang ang pakikipagrelasyon sa'yo noon pero mali ako..."
"Bakit?"
"Mahal nga talaga kita, Lorraine. Hindi ko na ipinaglalaban ang pagiging ganid ko dahil napagtanto ko na nagkakaganito ako dahil mahal talaga kita..."
"Ciara, halika na." Inilahad ni Lorraine ang mga palad niya dito, pero unti-unting umatras si Ciara palayo sa kaniya. "Ciara! Sumama ka na sa akin."
"Ayaw ko nang mabuhay pa kung hindi rin lang ako magpapakasal sa'yo!"
"Ano ba ang gusto mong gawin ko para hindi tayo magkaganito? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?"
"Gusto kong maging masaya tayo. Gusto ko na sa akin ka ikasal, at iwanan mo si Maurice."
"Hindi ko maaaring gawin 'yun, Ciara. Mahal na mahal ko si Maurice, at walang makakapigil sa kasal namin."
"Magpapakamatay na lang ako!"
Nagulat ako nang umatras pa si Ciara. Bigla itong nadulas, pero nahawakan ni Lorraine ang magkabilang mga kamay niya. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila, saka ko tinulungan si Raine sa pag-angat kay Ciara. Napaupo kaming tatlo sa sahig nang mahila namin si Ciara. Pinagpagan nito ang sarili niya, saka siya tumayo nang tuwid.
"Ciara, huwag mo nang uulitin 'yon," pagud na pagod na iwinika dito ni Lorraine. "Mali ang magpakamatay, kahit na ano man ang mangyari."
"Raine, mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
Depending on Miss Librarian [GxG]
RomanceMaurice Larrazabal faces a life full of challenges, and reading is only her escape to this cruel word. Magbabago ang mundo niya nang makilala niya si Lorraine Villanueva, ang owner ng library sa gilid ng pinagta-trabauhan niyang paaralan. Lorraine l...