(Maurice's POV)Busy na ako sa pag-iimpake ng mga damit ko. Nilagay ko ang lahat ng 'yun sa bag ko, para makaalis na ako dito sa bahay na 'to.
Wala akong nararamdaman ngayon kung 'di sakit. Drained na ako, emotionally at physically. Nagkapatung-patong na ang masasakit na mga nangyayari sa akin, kaya sobra na ang lungkot na nararamdaman ko.
"Sweetheart, kausapin mo naman ako."
Napalingon ako sa gilid ko. Andoon si Raine, at hiyang-hiya itong nakatingin sa akin. Tinawanan ko na lang ito, saka ako nagpatuloy sa pag-iimpake.
"Alam mo, wala akong oras para sigawan ka pa. Kung ayaw mo na sa akin, hindi ko ipipilit ang sarili ko. Ganu'n ako kadali kausap."
"Oo, nagsex kami ni Ciara." pag-amin nito.
Dinakot ko ang damit sa harapan ko, saka ko hinagis 'yun kay Lorraine. "AT PARA SAAN MO PA SINABI 'YAN, HA?! PARA ISAMPAL SA AKIN NA MARAMI AKONG PAGKUKULANG SA'YO?!"
"W-wala kang pagkukulang, Maurice. Pakinggan mo muna ako. Umupo ka na muna diyan."
"Nasaktan ka rin sa breakup ninyo ni Ciara dahil ganitung-ganito ang ginawa niya sa'yo. Nakita mo na, wala kayong pinagkaiba!"
"I'm really sorry."
Naramdaman ko ang pagyakap nito sa likuran ko. Napaupo na ako sa kama, na kasama ito. Punung-puno ako ng galit habang nakatingin kay Lorraine, at nasisigurado ko na takut na takot talaga ito sa akin.
"I'm really sorry."
"Puro ka na lang ba sorry, ha?! Bakit hindi mo sabihin sa akin na sa tingin mo losyang na ako kaya---"
"Hindi. Makinig ka muna, Maurice. May nangyari talaga sa amin ni Ciara, pero hindi 'yun gaya ng iniisip mo. O-out of confusion lang 'yun. L-lasing ako, sinabi ko sa'yo kagabi. H-hindi ko napansin na si Ciara ang katalik ko."
"At sa tingin mo, maniniwala ako sa'yo?!"
"Maurice, maniwala---"
Kinuha ko agad ang phone ko, at pinaandar ko ang video na sinend sa akin ni Ciara. Video 'yun ng pagtatalik nila ni Raine, at hindi ko na nasilip 'yun dahil sobrang naduduwal ako.
"Ito ba?! Ito ba, ha?! Confusion?! Confusion my ass! Tanggapin mo, oh! Ulitin ninyo!"
Isinampal ko na kay Lorraine ang cellphone ko. Tumayo ako para ipagpatuloy ang pag-iimpake ko, pero hinila niya ulit ako pabalik sa kama. "Sweetheart, kumalma ka muna. Kapag kalmado ka na, pag-usapan natin nang maayos ito."
"Ano pa ang pag-uusapan natin?! Pinalagpas kita sa pakikipaghalikan mo sa babaeng 'yon! At ngayon na may nangyari na sa inyo, hinding-hindi na ako babalik pa sa'yo!"
"Please. Nasasabi mo lang 'yan dahil galit ka. Pakinggan mo ako, Maurice. Hindi ko ginusto 'yung nangyari, at kung babalik man ako sa panahon... hinding-hindi ko hahayaan na may mangyari sa amin ni Ciara."
"Pero may nangyari na, 'di ba?! At hindi mo alam ang sakit na idinulot nu'n sa akin! Nakita ko noon si Xavier, may katalik sa mismong harapan ko. At sa tingin mo, hindi ako nasasaktan sa panonood nu'ng video na 'yan?! Kung talagang mahal mo ako... hindi ka malilito sa amin. Hindi mo hahayaan na may mangyari sa inyo nu'ng babaeng 'yan!"
"Mahal kita, Maurice. Kaya nga gusto kong ayusin natin ito. Saktan mo ako, kung 'yun ang makakapagpagaan ng loob mo."
"Kung sasaktan rin kita, wala akong pinagkaiba sa'yo. Aalis na lang ako dito, dahil hindi ko na kailangang makipagdiskusyon pa. Pinilit kong ayusin ang sarili ko para hindi ka na mag-alala sa akin, tapos sa ganito rin pala tayo babagsak."
BINABASA MO ANG
Depending on Miss Librarian [GxG]
RomanceMaurice Larrazabal faces a life full of challenges, and reading is only her escape to this cruel word. Magbabago ang mundo niya nang makilala niya si Lorraine Villanueva, ang owner ng library sa gilid ng pinagta-trabauhan niyang paaralan. Lorraine l...